Profile

5.1K 187 15
                                    

Pagkatapos kong malaman yung balitang iyon ay iyak ako ng iyak buong gabi. Hindi ako natulog tanging ang laman lang ng isip ko ay si Leni, kung bakit niya nagawa iyon sa kanya.

Nagbigti daw ito dahil sa depression. Kinakausap daw ito ni Tita pero wala naman daw siyang sinasabing problema sa kanya, hindi ko alam bakit nagawa niya iyon.

Hindi man lang niya naisip ang mga tao sa paligid niya, ako na laging nakikinig sa mga problema niya. Hindi ako makapaniwala, pinagdadasal ko din na sana panaginip na lang ang lahat ng ito, sana magising na lang ako bigla at pagkagising ko ay agad kong pupuntahan si Leni para yakapin ngunit kahit nakailang kurot na at sampal ako sa sarili ay hindi pa din ako nagigising.

Naramdaman ko ang sinag ng araw sa aking mukha. Agad akong umupo sa aking kama at tamad na tinignan ang pintuan. Hindi ko alam kung ilang oras ako natulog, dalawang oras lang ata o tatlo.

Wala akong ganang naglalakad papunta sa pintuan at binuksan ito, bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa hapag kaya nung makita niya ako ay agad siyang napatayo. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin pero agad siyang lumapit sa akin.

Agad na muling bumuhos ang luha ko sa aking nga mata. Hindi pa pala nauubos ang mga luha ko akala ko naiyak ko na lahat kagabi madami pa palang natira.

"Ma! Bakit naman ganun." Hikbi ko sa kanya. Halos hindi na ako makahinga dahil lumalabas na din ang sipon ko.

"Sshhhh." Pagaalo sa akin ng Mama ko.

Himagulhol ako sa kanyang balikat. Iniyak ko lahat ng sakit ibinuhos ko lahat ng mga nararamdaman ko doon. Wala akong magawa, tanging pag-iyak na lang ang magagawa ko sa ngayon sa nangyari sa kaibigan.

Para ko ng kapatid si Leni pero nawala na lang siya bigla. Bakit niya nagawa iyon?

Pina-upo ako ni Mama sa upuan. Kumuha na din siya ng pagkain at nilapag sa aking harapan, tanging pagtitig lang ang ginawa ko. Wala akong gana kumain o anuman na pwedeng gawin.

"Kumain ka na, Anak. Kailangan mong kumain pupuntahan natin siya mamaya sa bahay nila mamayang hapon daw nila iuuwi ang katawan nito."

Nagtutubig nanaman ang mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Agad akong sumubo ngunit pagkasubo ko ay bumagsak muli ang mga luha.

"B—bakit kasi ganun Ma? Ang unfair niya." Iyak ko.

Bumuntong hininga si Mama.

"Ganun talaga Anak hindi mo alam kung kailan niya kukunin ang buhay na pinahiram sayo kaya kung maari habang nasasayo pa ang buhay na pinagkaloob sayo maging masaya ka, mag enjoy ka para kapag kinuha na niya iyan wala kang pagsisisi sa huli." Mahabang litanya niya.

Pagkatapos kong kumain ay naghilamos na muna ako tyaka dumiretso ulit sa kwarto.

Kinuha ko ang phone ko at nagchange ng profile picture sa facebook ng kulay itim lang. Madaming nagcomment ng mukhang alam na nila ang nangyari. Binuksan ko ang messenger at pumunta sa chatbox namin ni Aiden, pagbukas ko ay nagtatype siya.

Aiden: Okay ka lang ba? Condolence.

Magtatype sana ako ng bigla siyang tumawag. Agad ko itong sinagot tyaka humiga, bumungad sa akin ang mukha niyang kagigising lang.

Kahit kagigising lang niya ay ang gwapo pa rin niya tignan.

"Good morning." Anito at ngumiti.

Tumango naman ako.

"Morning." Walang gana kong sagot.

"Narinig ko ang nangyarisa kaibigan mo. Condolence, sana okay ka lang jan."

Nag-iba ako ng direksyon humarap ako sa side ng pader at tinapunan ng unan ang kalahati ng mukha.

"Ang unfair niya. May problema naman pla siya di siya tumawag sa akin, lagi naman iyon tumatawag kung may problema siya." Sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtunog ng kanyang kama. Nilapag niya ang phone sa may table nito at tumayo sa harapan ko tyaka inayos ang buhok.

"Kaya nga lahat ng problema nasusulosyonan naman. Kaya ikaw Klyde ah koag may problema ka magsabi ka andito lang naman ako palagi." Aniya at tumingin sa ibang direksyon, sa salamin ata.

Ngumiti ako. Hindi yung ngiti ng masaya dahil sa sinabi nito, ngiting malungkot dahil alam ko namang pati siya ay mawawala sa piling ko, hindi lang ngayon pero in the future kaya hangga't andito pa sulitin na para sa huli ay hindi mag sisisi, yun ang sabi ni Mama.

"Lagi naman ako tinatawagan nun kapag may problema sila ng boyfriend—" Napatigil ako sa sasabihin ko at napaisip.

Boyfriend? Hindi kaya dahil sa boyfriend nito? Hindi ko killa yung jowa ni Leni dahil ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa akin, hindi kaya siya ang dahilan bakit nagpakamatay siya?

Kapag tumatawag siya palagi umiiyak siya dahil nahuhuling may ibang kalandian ang jowa niya o di kaya nag-aaway sila, hindi kaya yung boyfriend niya ang dahilan kung bakit niya tinapos ang buhay nito.

"Klyde? Okay ka lang?" Muling bumalik ang atensyon ko sa kanya na ngayon ay nasa banyo na habang ang kulay puting towel ay nakasabit sa balikat.

Tumango ako.

"Oo." Nakita ko ang hubog ng katawan nito, lalaking lalaki talaga ang mmhubog ng katawan niya, makikita mo talagang nagwowork-out siya.

"Hoy bakit di mo pa pinapatay! Patayin mo na!" Gulantang na pahayag ko.

Magsasalita pa sana ito ng agad ko ng pinindot ang end button at agad na napa-upo sa aking kama.

Agad kong binuksan ang laptop ko at pumunta sa profile ni Leni, nagscroll ako at tinignan ang mga post kung meron ba siyang tinatag o di kaya nagcocomment pero wala akong nakita.

Clinick ko ang isang profile picture ni Leni at mageexit na sana ngunit may isang comment na nakaagaw ng pansin sa akin.

Kulay itim ang picture nito at firstname lang ang nakalay doon.

Clinick ko ang profile nito at tumambad sa akin ang pangalang Renz at nung magascroll sana ako ay biglang nagerror ang page, nakailang refresh ako ngunit ganun pa din, pumunta ako doon sa picture ulit ni Leni pero nawala na ang comment doon.

Nagdeactivate na ito.

Napamura ako ng ilang beses at agad na sinira ang laptoo tiyaka tumayo.

Kailangan kong hanapin kong sino yung Renz na iyon ngunit saan? Ang daming Renz sa mundi, sa School madaming Renz ang pangalan.

Fuck.

***
Note: Sorry for the typos and grammars hindi ko na kasi iniedit agad I'll edit na lang kapag na finish ko na itong story na ito. Thankyou.

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon