Theo's POV
Matapos ang nangyari sa pagitan ni Cassandra at Terry, lumabas ng bahay si Terry matapos siyang kausapin ni Mommyla at alam ko kung saan siya makikita. Gusto kong bigyan siya ng space but shit! I can't help thinking. Pano kung umalis nga siya? Pano kung pumunta siya kay Kyle at doon nalang siya tumira? Pano ako?
"Sa'n ka pupunta?" tanong sa 'kin ni Cassandra. She's trying to stop me but I don't care cause I wanna talk with Terry. I wanna ask apologies with everything they did.
"You don't care at all!" Nagsasalubong ang kilay ko ng inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
Wala akong pakialam kay Cassandra. Hindi na siya yung babaeng nakilala ko. Hindi na siya yung Cassandra na minahal ko.
Agad akong tumakbo papunta sa seaside kung saan kami unang nagkakilala. Do'n yung unang araw na nakilala ko siya bilang Thea. Nagpanggap siya at naniwala ako, akala ko yun na ang una't huling araw na makikita ko siya pero hindi ko alam na ganito ang magiging papel niya sa buhay ko. Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam pano pahihintuin ang oras para lang makasama ko siya ng mas matagal. Ilang araw nalang, ilang araw nalang mawawala na siya. Ilang araw nalang, masasaktan na naman ako.
"Terry...." Napalingon siya sa 'kin ng dahan-dahan na may luha sa kanyang mga mata.
"Theo naman e! Lumayo ka muna sa 'kin kahit ngayon lang...." nagpipigil siya ng luha sa kanyang mata.
"Terry, mag-usap naman tayo! Hayaan mong humingi ako ng tawad sa lahat..." hindi lang siya umimik at patuloy na umiyak.
"Terry, alam kong---alam kong hindi lang ako ang nahihirapan... Lahat tayo..." humikbi pa ito sa pag-iyak.
"Ang hindi ko lang naman maintindihan, bakit nila pinagpipilitan ang mga bagay-bagay? Hindi ba pwedeng hayaan nalang nila ako? Wala naman akong ibang ginagawa, tapos pinagpipilitan pa nila na mahal kita? Theo, hindi e. Hindi kita mahal! At hindi kita mamahalin!"
Aray.
Biglang may tumusok sa puso ko na para bang sa isang tusok, nabasag agad ang puso ko.
"Terry...."
"Diba Theo? Tapos ikaw! Napakaimposible naman na magkagusto ka sa isang babaeng mula sa lumang panahon, isang 'cheap' na tinutukoy niyo, isang babaeng walang kaalam-alam sa mga nangyayari, isang babae na wala sa kalingkingan ng Cassandrang yun... Sabihin mo nga sa 'kin Theo, Tama ba ako?" Nakatanaw ito sa kalangitan habang bahagyang natatawa kahit na umiiyak. Ang agos ng mga luha sa kanyang mata ay patuloy lamang ang pag-agas.
"Terry hindi..."
"HINDI?! HAHAHAHA NAKAKATAWA KA NAMAN!" Natatawa ito na may lungkot sa mukha. Pinalo niya ang balikat ko at nagkunwareng natatawa kahit na may luha ang kanyang mata.
"You are different, unique and much better......"
"Theo! Wag mo na akong lokohin! Magpakatotoo ka! Pano mo makikilala ang sarili mo kung nagsisinungaling ka? Sa panahon niyo ngayon? Kung hindi maganda, walang laban. Kung hindi mayaman, inaapi.... Kung hindi ka palaban, mahina ka... Kung hindi ka maganda o hindi mo nakuha at naabot ang standard ng iba, wala... Hindi ka mamahalin!" Tugon nito. "Nakakatawa diba? Kaya hindi na ako magtataka kung hindi ko mahahanap ang relo, bahala na! Kasi ang daya e..." Pinunas nito ang luha niya't pilit na ngumiti.
"May nagmamahal sayo Terry... Si Kyle...." pati ako, Mahal kita. Tumawa lang siya.
"Si Kyle?! Sana nga totoo. Kasi..." She paused. She wiped her tears again, patuloy na umaagos ang mga luha niya.
"Kasi?"
"I'm starting to love him...." Sa binitawan niyang salita ako mas lalong napaluha. Masaya ako, masaya ako na mahal na niya si Kyle. Pero sa sarili ko ba, masaya ako? Nasaktan ako. Pero I'm not selfish. I want her to be happy too at matagpuan ang relo.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
RandomTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.