"Umalis ka na...." Huling sambit ni Ina sa akin. Kahit ayokong hayaan sila'y wala akong magagawa."Ina? Tara na po't sumama kayo sa akin! Sabihin niyo si Ama na sumama na lang!" Umiiyak kong sigaw habang pinagmamasdan siyang tumatakbo pabalik ng bahay.
"Sige na anak!Ngayon na!" pinindot ko ang isang relo na binigay sa 'kin ni Ama nung Isang araw. Biglang nagliwanag ang aking paligid at tila naglakabay ang aking katawan.
"Miss! Miss! Gising!"
"Okay lang siya?"
"Dalhin niyo sa gilid!"
"Buhatin niyo!"
"Kawawa naman siya!"
"Miss Gising!"
Bigla akong may naramdaman na liwanag na siyang pumukaw sa akin. Idinilat ko ang aking mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang gilid at pinalilibutan ng maraming tao.
Agad-agad akong umupo at ramdam ko ang sakit ng aking ulo't katawan. Ano ang nangyari? Bakit ako napadpad dito?
"Miss?Okay ka lang ba?" Tanong ng isang babaeng matanda.
"A-ayos lang po ako tita!" Nagtinginan lang ang mga ito at tumango.
"Gusto mo bang hiramin ang cellphone ko?Tawagan mo ang mga magulang mo ng makauwi ka na sa Inyo!" Kumunot ang aking noo pagkat di ko mawari ang tanong.
"P-Po?"
Anong Mali sa aking tanong?
"Gi-Ginang? Maari ho bang magtanong kung anong nakakatawa sa aking tinuran?" Bigla itong tumigil sa pagtawa.
"Di mo alam ang cellphone iha?" Tanong ulit ng matandang babae. Umiling ako pagkat 'di ko naman alam kung anong Bagay iyan at saka ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon.
"Eto!" Nilabas niya ang isang Bagay na malapad at manipis. Umiilaw ito at hugis parihaba. Inabot niya ito sa akin at pinagmasdan kong maigi. Ang ganda naman nito at nakakamangha. Nagulat ako ng biglang lumabas ang mukha ng matandang babae.
"Hahaha wag mang matakot iha! Ako iyan!" Ani niya. Tumango lang ako at pinagmasdan ang bagay na iyon.
"Ba-bakit po na-narito ang inyong mu-mukha?" Pinagpalit-palit ko ang aking tingin sa kanya at sa mukha Niya sa bagay na aking hawak.
"Ang tawagin diyan---Picture! At nung nilagay ko, wallpaper na siya!" Tumango nalang ako kahit 'di ko naman siya maintindihan.
"Hindi ko po alam gamitin ang Bagay na iyan tita at wala po akong numero ng aking ama at ina! Tanging liham lamang ang aming ginagamit at was hong ganitong kagamitan" Nakayuko kong tugon.
"Nababaliw na yan!"
"Halika na nga malalate na ako!"
"Grrr aksya lang panahon!"
Unti-unti silang nagsialisan maliban Kay tita.
"Gusto mo ba na dalhin kita sa Hospital?" Nagulat ako sa kanyang minungkahi pagkat ayokong pumunta doon! Namatay ang aking kapatid nang dahil sa mga doktor na peke at wala naman palang alam sa panggagamot.
"Huwag po! A-ayos lang po ako!" Turan ko dito.
"Madumi na ang iyong damit iha! Halika at sumama ka sa 'kin!" Tumayo ako at sumunod sa kanya. Wala akong mauuwian dito. Hindi ko alam ang lugar na ito!
Ang daming bagay na bago sa aking paningin. Tulad na lamang ng mga parang manipis na lubid na kasaksak sa kanilang mga tenga.
"Ti-tita?" Lumingon ang matanda at tumigil sa paglalakad.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
De TodoTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.