Theo's POV"Pano ba yan nagbalik na si Cassandra?" Terry asked me. Kumakain kasi kami ngayon ng street foods. Inaya ko siya since wala naman kami ibang ginagawa.
"Bakit? Sa Pilipinas bumalik siya pero sa buhay ko? Ewan... Parang ayoko na..." sagot dito na may nakaungot pang pagkain sa bunganga ko.
"Sus! Kung ako sayo bigyan mo siya ng chance.. malay mo nagbago na siya!" saad niya sabay tapik sa balikat ko.
Bakit ko naman siya tatanggapin? Para saktan ako ulit? Alam niyo, may taong dumating sa buhay natin para iparanas sa 'tin ang saya at sakit pero balang araw, aalis din yan para turuan ka din kung pano lumaban at tumayo sa sarili mong mga paa. Tulad niya, iniwan niya ako and because of her I found myself. Pero yung sakit, nagdulot yun ng takot sa puso ko. Takot na akong masaktan ulit kaya pano ko siya mapapatawad? Pano ko siya matatanggap ulit? Para saktan na naman ako at iwanang mag-isa? Tss.
"Bakit 'di nalang ikaw makipagbalikan?" tugon ko na nagpasama ng tingin niya. Pinagpatuloy nalang nito ang pagkain. Ang dumi kumain ng babaeng 'to. Nadudumihan na ang mukha grrr.
"Halika nga rito...." hinablot ko ang ulo niya at nilapag ang pagkain ko't kinuha ang panyo ko sa bulsa. Puno pa ng pagkain ang bibig niya na 'di pa niya nilulunok.
"Ganyan ka na ba talaga kalaswa kumain Terry?" reklamo ko dito. Umiling lang siya at napatingin sa mukha ko.
"Bakit? May dumi rin ba ang mukha ko?" Tumango din siya. Agad akong bumababa na kasing katangkad niya para maabot niya ako.
"Anong ginagawa mo?" Pagtataka nitong tanong. Inayos niya ang buhok na napupunta sa mata niya bago niya nilapag ang pagkain niya.
He hold my head at inurong niya ang buhok sa noo bago niya pinunas ang dumi sa mukha ko.
"Ang ganda mo pala no?" Nakangiti kong puna. She's really beautiful. Her eyes are brown and her hair are really perfect. Tapos yung ilong niya? It really suits her face.
"Gutom ka?" natatawa nitong tanong matapos niyang mapunas ang dumi sa mukha ko. Agad akong tumayo at kinuha rin ang pagkain ko't sinubo.
"Totoo yun!" Saad ko na nagpangiti sa kanya.
"Hahaha salamat!" mahinahon nitong tugon.
"Kuya? May pampatay ba kayo ng ahas? Kasi may ahas kasi sa bahay e! Baka lang naman!" napatigil kami sa pagsasalita nang marinig namin ang boses ni Cassandra.
"Wala po Ma'am---"
"Ahhh sige po kuy---"
"What are you doing here?" Tanong ko habang nakatalikod pa. Si Terry naman, napatigil din sa pagkain at nakayuko.
"Oh---Theo? Terry? You're both here! What a coincidence....What am I doing here? Namamasyal din. Bakit? May sinabi bang bawal mamasyal?" I chuckled while looking at her. She's with no one.
"At ano yung sinasabi mong ahas? Are you insulting Terry?" inis na inis kong tanong.
"Ops?! Did I mention someone? As far as I remember, I'm referring to the snake.... No her, Theo! Pero sige let's say na oo.. can't you see? Unti-unti ka na niyang tinutuklaw! Be careful..." paalala niya. Anong ginagawa niya. I invited Terry for a street food friendly date but she's giving malice.
"Sandali lang ho Ma'am. Hindi ho ako ahas! At hindi ko po aagawin sayo si Theo. Kaibigan lang kami!" saad ni Terry.
"At sasagot-sagot ka pa? You Terry... Binabalaan kita! Stop flirting with Theo kasi hindi ka nababagay sa kanya!" Cassandra poured some sauce on Terry that makes our surroundings shock and unbelievable. Tinulak ko si Cassandra matapos niyang buhusan sa ulo si Terry.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
AcakTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.