Terry's POV
Ang sakit ng katawan ko nang magising ako kaninang umaga. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang pakiramdam ng ginawa niya. Naiinis ako sa kanya, sabi niya heaven pero pang impyerno ang sakit ng nararamdaman ko?
Nandito pa rin ako ngayon sa silid namin at hinihintay ko lang si Theo. May kinausap siya sa telepono at hindi ko alam kung sino.
"Dude? Just leave us alone. Pwede ba? Tahimik na kami and sana kayo din. If you want this friendship end, then c'mon! Let's do it right away. Because I don't deal with liers and cheaters!" rinig ko kay Theo nang sumilip ako. Siguro yung mga kaibigan niya ang kausap niya.
"No. It's not a big deal for me. Ang akin lang, I don't want this to happen again that's why it's better to stop this useless friendship! No need to talk, we're all done with this shitness!" agad akong bumalik sa pagkakaupo ko sa kama ng patayin ni Theo ang tawag saka pumasok. Umasta lang ako na walang narinig.
"Sino yun?" mahinahon kong tanong.
"Nothing. Just some shits" sagot nito.
"Totoo?" Tumango lang siya at humiga.
"Anyways, kumain ka na ba?"
"Ahm. Oo! Sumabay ako sa kanila kaninang umaga habang natutulog ka!" sagot ko. Ilang segundo muna ang namagitan sa 'min.
"Kamusta na kaya si Cassandra?" Napaupo siya ng maayos sa tanong ko.
"And---why are you asking?" nagtataka nitong tanong.
"Alam mo, hindi ko maiwasang makonsensya... Nasaan na ba siya ngayon? Sa'n siya nakatira?" Napabuntong-hinga ako sa tanong ko. Gusto ko nang maayos ang lahat. Alam ko naman na, ako rin ang may kasalanan sa lahat. Dahil sakin, nagkagulo sila kaya obligasyon kong pag-ayusin silang lahat.
"I don't know.. maybe nando'n siya kay Kyle or sa condo niya and wherever she is right now, I don't freaking care at all..." saad nito.
"Ayusin na natin ang lahat,Theo!" Napabuntong-hinga siya sa sinabi ko.
"Terry, for what? Alam mo, kahit na anong gawin natin hindi na maayos kasi ayoko!" saad nito.
"Sige. Kung ayaw mo edi ako. Theo? Sasayangin mo lang ang ilang taong pinagsamahan niyo? Pwede pang maayos, kaya pa!" Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mata niya ngunit iniiwas niya lang ang tingin niya. Alam ko naman na malaki ang galit niya pero hindi sa lahat ng pagkakataon, galit ang paiiralin.
"Tss I don't care with those years. Kung sana pinahalagahan nila edi mabuti sana..."
"Please?"
"No." Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.
"Sige na..." pagmamakaawa ko.
"I said no.." Daretsahan siyang tumingin sa mata ko. Nilapit ko pa ang mukha ko.
"Please?"
"Terry.... N.O!" mas nilapit ko pa ang mukha ko hanggang sa ilang inches nalang ang pagitan.
"Kahit sandali lang..."
"N---" napatigil siya ng sumimangot ako.
"Sige na kasi---" nakasimangot kong tugon.
"Fuck! okay sige. Tss! Pero mamaya na. Para daretso na din tayo sa seaside mamaya upang manuod ng sunset..." saad nito at bumagsak ang katawan sa kama ulit at nagtaklob ng unan.
"Sabi ko naman sayo e. Hindi mo ko matitiis! HAHAHAHA!" Saad ko.
"Tss ikaw pa ba?" ngumiti lang ako at yumakap sa kanya. Maya-maya, pupunta kami sa seaside at manunuod ng paglubog ng araw. Sa lugar kung saan una ko siyang nakilala.
![](https://img.wattpad.com/cover/238018247-288-k392883.jpg)
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
De TodoTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.