Terry's POVNagtungo muna ako sa isang ilog dito sa Viza na makikita ang paglubog ng araw. Sariwa ang hangin dito at napakalamig ng simoy. Napakaganda din sa tenga ng ilog na humahampas sa mga bato. Bumabalik ang ala-ala ko dahil sa mga ito.
"Binibini, Ano ho ang ginagawa niyo rito?" nakatingin ako sa langit ng dumating si Carlo , isa sa mga matalik kong kaibigan.
"Ako'y nagpapahinga lamang dito Ginoo. Nais ko lamang takasan saglit ang mundo!" Sagot ko dito. Napabuntong hininga ito habang umuupo sa tabi ko.
"Alam mo bang, Ang mundo ay napakaganda...Walang makakapantay sa ganda.." tumango lang ako at di tumingin sa kanya.
"Pero Tila nagbago ang aking paniniwala simula nong makilala kita!" Bigla akong napatingin sa kanya at kumunot ang noo.
"Kasi... Akala ko wala nang mas igaganda ang mundo, nagkamali ako kasi mas maganda ka dito!" Napatawa lang ako sa kanyang tinuran. Tunay ngang napakapalabiro ng ginoong ito.
"Tara na nga! Napakapalabiro mo talaga hahaha" sabay naming tawa. Si Carlo ay isa sa mga katiwala ng aking ama at ina. Malaki ang tiwala namin sa kanilang pamilya.
"Totoo naman kasi yun!" Tumawa nalang ako at naglakad pagkat takip-silim na.
Nabalik ako sa aking katinuan ng biglang may lumapit na bata sa akin.
"Ate?Ate? Eto po panyo!" Inabot niya sa akin ang isang kulay asul na panyo. Napakabait naman ng batang ito.
"Maraming salamat bata...San ito galing?" Tanong ko habang kinukuha ang panyo. Hindi ko namalayan na ang aking mga luha pala'y lumabas na sa aking mata. Ako'y mangungulila na sa kanila. Ang aking ama?ina?Nakaligtas kaya sila?
"Sa kanya---" may tinuro siya ngunit wala namang tao doon. Kung sino man ang nagpapabigay nito, maraming salamat sa kanyang mabuting puso.
"Pakisabi nalang salamat..." Tugon ko at pinahid ang aking luha.
Ako'y nasasabik na sa aking pamilya. Sana'y hanggat maari'y matagpuan ko na ang relong iyun. Iyon nalamang ang aking pag-asa upang makabalik sa aking lugar.
Nalaman ko kasing Isa itong time machine na gawa ng aking ama.
Buong buhay ng aking ama'y ginugol niya sa paggawa ng time machine na iyon. Bata pa lamang ako'y lagi na akong pinapaalalahanan ng aking magulang na kung ano man ang mangyari ay maari kong gamitin iyon. Maglalakbay ako tungo sa ibang panahon.
Hanggang nga dumating na ang pananakop ng mga kastila sa aming lugar. Lahat ng tao'y kinulong at pinapahirapan. Ginawang alila at tagasunod. Ang aking mga magulang ay isa sa mga mayayaman sa aming bayan kaya't pinagkainterisan nila ang aming pamilya, sinubukan nilang bombahin ang aming tahanan. Alas dose ng gabi'y dapat daw ay napindot ko na ang relong iyon. At dumating ang oras ng Alas dose at Oras ng pagsabog. Nang sumabog ay kasabay din ng aking pagpindot, biglang lumiwanag ang buo Kong paligid at biglang dumilim hanggang sa napadpad na ako sa kanilang panahon. Ngunit hanggang ngayon, 'di ko pa rin alam kung nasaan ako.
Patuloy ang pag-agas ng aking luha dahil sa mga ala-ala sa aking isipan.
"Ate?Okay ka lang ba?" Tanong ulit ng bata.
"Ang isang paslit ay wala pang kaalam-alam sa mundo, kung isasalaysay ko man sa iyo'y tiyak na hindi mo maiintindihan munting bata. Pero ayos lamang ako Iho!" Saad ko dito na may ngiti sa aking labi.
"Okay Po ate! Ngunit, gusto ko pong sabihin sa iyo na ikaw ay Isang Magandang dilag at 'di bagay yung umiiyak!" Bahagya lamang akong natawa at kinurot ang ilong niya.
"Marami salamat Iho! Nawa'y lumaki ka na may tapang at paniniwala sa iyong sarili!" Huling sambit ko bago siya tuluyang tumakbo pabalik sa kanyang magulang.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
RandomTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.