Theo's POV
"Goodmorninggggg!!!" Agad kong minulat ang mata ko ng sumigaw si Terry sa tenga ko. She's wearing white sleeping dress. Magkatabi kaming natulog kagab'i and legit, kakaiba yung saya.
"Good morning!" she kissed me in my forehead as I answered. Ang gandang umaga naman nito. Nakakapanibago ang araw na 'to, Terry is mine and my family is complete again because of her. She taught me how to forgive and gave me reasons to smile again after pain.
"Tara na?! Hinihintay ka na sa lamesa!" Nagtakip lang ako ng unan sa mukha. Bigla akong napauntol nang tumalon siya sa kama ko.
"Dali na kasi!" pangungulit nito habang tinatanggal ang unan.
"Ayoko mamaya na..." mas lumakas pa ang paghila niya sa unan kaya natanggal ito mula sa pagkakakapit ko.
"Dali na!" Hinawakan niya ang kamay ko at tinayo ako. Wala na akong ibang nagawa. Hawak na niya ang kamay ko at ayoko ng bitawan ito.
Nang makababa kami naroon nga ang pamilya ko. Gusto ko ngang magpakurot ngayon dahil sa sobrang saya hindi ako makapaniwala na ganito na ulit kasaya ang buhay ko. Kumpleto na ulit kami at dumagdag pa si Terry. Sana hanggang huli na 'to.
"Good morning titodaddy!" bati ng mga pamangkin ko na kumakain ng hatdog.
"Oh Theo! Kanina ka pa hinihintay dito. Si Terry ang nagluto nito! Masasarap kaya kumain ka na!" saad ni Ate habang sinusubuan yung anak niya.
Ngumiti lang ako at inurong ang upuan na uupuan ni Terry bago ako tumabi. Pinagmamasdan ko lang sila habang kumakain.
"Oh bakit hindi ka pa kumakain?" puna sa 'kin ni Mommy.
"Wala lang! Masaya lang ako" Saad ko habang nakangiti.
"Anak! Wag kang mag-alala. Hindi na kami aalis sa tabi mo" Saad ni Daddy. Ngumiti lang ako at tumango.
"Kailan ba kasal niyo ni Terry? Hahaha!" nagsitilian lang sila sa tanong ni Ate Iea habang kami naman ni Terry at Mommyla nagtinginan lang.
"A-ahm. They're too young for that! Diba Theo?" Pambasag ni Mama Aida.
"O-Opo! And, we're trying to be happy muna haha!" I answered. Hindi lang umimik si Terry at kumain nalang.
Kumuha nalang din ako ng plato at kumain. Puno ng usapan ang mesa. Mula sa states hanggang dito, pinag-usapan talaga nila. Ang dami ko na palang nakaligtaan. May mga pagkakataon din na tinatanong nila si Terry ng mga impormasyon na mula sa kanya. Hindi namin sinabi yung totoo, baka hindi rin sila maniwala.
Pagkatapos ng hapunan ay naghugas siya ng pinggan kaya sinundan ko siya doon. Niyakap ko siya habang nakatalikod siya at naghuhugas.
"Hoy Theo may kiliti ako sa bewang!" saad nito na nakikiliti
"Naku! Payakap lang naman e ang damot!" mas lalo ko pangdiniinan ang pagkakayakap. Gusto kong sulitin bawat oras.
"Theo?" Napahinto ito sa pagsasabon at huminga ng malalim.
"Yes po?" I pouted.
"Diba, susulitin natin ang mga araw..." tumango ako at mas binigay ang tenga sa kanya upang marinig ko.
"Kalimutan muna natin ang lahat. Kalimutan muna natin yung tungkol sa mga bagay na nakakalungkot! Ang isipin natin yung oras natin..." Hinalikan ko siya sa likod ng ulo niya at nilapat ang ulo ko sa balikat niya.
"Ehem!" Napalingon kami kay Ambby na kanina pa nakatingin sa 'min. 6 years old palang 'to at ang gwapo tulad ng titodaddy niya.
"Bakit Ambby? May gusto kang inumin? Kainin?" umiling ito. Bumaba ako upang maabot siya at ngumiti ito sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/238018247-288-k392883.jpg)
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
RandomTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.