Terry's POVAlas dos na ng madaling araw at ako'y muling naghanda ng makakain namin. Ang sabi ni Aling Susan ay nakarating na daw si Ryven, ang apo ni Mama Aida. Sinubukan kong dumungaw saglit sa kwarto ni Ryven upang makita ang kaniyang pagmumukha ngunit nakakandado ito.
Hahayaan ko na lamang na makita siya mamaya. Baka magulat eto kapag pumasok ako sa kanyang silid.
Nakapaglinis na ako ng buong bahay at nakapagluto na rin ng makakain nila mamaya. Sa tingin ko ay may lakad si Mama Aida ngayong araw kaya kami lang ang maiiwan nina Susan at Yung apo niya. Sana naman ay magkasundo kaming dalawa upang hindi ako mahirapan na makisama sa kanya.
Nang matapos ko ang aking mga gawain ay nagtungo ako sa aking silid upang magligpit ng aking hinigaan.
"Susan? Pinabayaan mo na naman so Terry na magluto't maglinis?" rinig ko ang boses ni Mama Aida na pinagsasabihan si Ate Susan.
"Ma'am? E kasi po, Alas tres na po ako nagising e..." Paliwanag ni Ate Susan.
"Naku! Sige na, gisingin mo na si Ryven at Terry upang kumain na..." utos nito. Hindi pa man nakakarating si Ate Susan ay lumabas na ako ng pinto.
"Ate... Ipagpaumanhin niyo po kung inulit ko na naman..." ngumisi lang ito at inanyaya akong kumain na.
Bumama na ako at inayos ang sarili ko upang hindi nakakahiya kapag nakita ko si Ryven.
"Good Morning Ate Susan! Good Morning Mommyla! Good Mor-----"
"Theo|Thea?" Sabay naming bigkas.
Pa-paanong nangyari iyun? Di-dito rin siya nakatira?
Laking gulat ni Mama Aida sa amin. Di Niya siguro lubos akalain na magkakilala na kaming dalawa.
"Pa-paano ka napunta dito? Are you stalking mo?" Tanong nito habang lumalapit sa hapagkainan.
"Hi-hindi..." Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Mama Aida.
"Magkakilala kayo?" pagtatakang tanong nito.
"O-opo!" Sabay naming sagot.
"Pero hindi Thea ang pangalan Niya Apo! She's Terry! Terry Chua!" saad ni Mama Aida. Napayuko lang ako dahil nakakahiya. Sana'y hindi nalamang ako nagbalatkayo.
"And she told me... She's from Vicitacion and why she's here?" tanong niya kay Mama Aida.
"Tara na't kumain muna tayo! Umupo ka na Terry!"
"Wait! Sasabay siya sa 'tin?" Nakataas ang mga kilay nito at nagtataka.
"Yes? Why? Is there something wrong?" -Mama Aida.
"N-No. Okay Fine!" Saad nito bago ako umupo.
"So How did you met?" Pambasag na tanong ni Mama Aida.
"Sa may seawall po.. K-kahapon po kasi, nanood ako ng sunset at dumating siya..." paliwanag ko.
"And that girl keeps on calling me 'Ginoo' like 80's and it's fucking ruining my mood!" Natawa lang si Mama Aida.
"Naku! Terry, pagpasensyahan mo na ang aking Apo! Sadyang ganyan lang naman yan! Pero sana magkasundo kayo!" Turan nito. Dumapo ang tingin ko kay Theo na patuloy pa rin sa pagkain.
"Theo? Are you listening?" Tumango lang ito.
"Anyways, Mommyla? I'm inviting my friends later, we'll just have a bonding. It's been years ago without communication with them!" grrr napakadaya naman nito! Ayaw kaya Niya akong maging kaibigan? Hindi ko naman siya pipilitin.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
LosoweTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.