Terry's POV
"Kyle? Ayos lang ba ang damit ko?" Tanong ko nito hakbang umiikot-ikot sa salamin. Pinasuot niya lang naman ako ng isang dress. Maganda naman siya pero hindi ko ugaling magsuot ng ganitong damit.
"Oo nga! Ang ganda mo kaya diyan!" Sagot nito sabay kindat sa 'kin.
Biglaan kasing nagyaya si Theo sa 'min. Himala nga't pinasasama si Kyle.
Pupunta daw kami sa bar malapit lang dito sa village nila Theo."Tara na!" Anyaya ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako pagkat ito ang unang pagkakataon na dadalo ako sa isang lugar na puno ng inuman. Gusto ko din sulitin ang lahat. Saka nagbabakasakali din ako na naroon ang lalaking sinasabi sa liham.
Agad din siyang tumayo at nagtungo sa labas kung saan naghihintay di Theo. Ano kayang naisipan ni Theo't nagyaya siya. Sa totoo lang, sa palagay ko nanahiya lang siya kay Kyle. Nandito kasi si Kyle sa bahay, kanina pa.
[FLASHBACK]
"Napapansin ko atang lagi ka nang nandito sa bahay Kyle ah?" Saad nito no'ng nakita niya akong sinusubuan ni Kyle ng pagkain.
"Bakit? Masama bang dalawin kita?" Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Eto na naman ang away sa pagitan nila. Ako ba ang dahilan nito?
"Dalawin ako o si Terry?" Napatawa ng bahagya si Kyle at napakamot ng ulo.
"Well, let's say... Both. Anyways, wala ka pa dito kaya she entertained me!" Tumaray lang si Theo at walang emosyong makikita sa mukha niya.
"Kyle? Baka nakakalimutan mong bahay ko 'to at hindi motel?" Anong pinagsasabi niya? Wala naman kaming ginagawa ni Kyle e? Hinihintay lang naman namin siya dahil nasa labas siya kanina.
"Kung ayaw mo, just tell me. Edi sa bahay nalang kami!" agad na tumayo si Kyle at inayos ang sarili niya.
"No! Stay here.... Baka ano pang gawin mo sa kanya..." tugon nito bago pumunta sa kwarto. Nagtawanan nalang kami ni Kyle, inisip nalang namin na may dalaw ito ngayon.
[END OF FLASHBACK]
Theo's POV
Naghihintay lang ako dito sa kanila ngayon sa labas. Nakakahiyang si Terry lang ang yayayain ko e nandito rin si Kyle. Talagang hindi na siya nakakalayo kay Terry. Gusto kong bumawi kay Terry kaya I wanna talk to her privately pero unfortunately, Kyle is here too.
Papalabas na sila ng bahay kaya nauna na akong pumasok sa sasakyan. Isang sasakyan lang ginamit namin para wala nang agawan na maganap, pumayag din naman si Kyle.
"Pumasok ka na, Terry!" he lead Terry inside the car. As usual, ladies first kaya nauna si Terry. Ako lang mag-isa dito sa unahan. I don't care kahit na magkatabi sila.
I started the engine kahit 'di pa nakakapasok si Kyle. He glared at me.
"Why? I'm just starting the engine dude!" What's wrong with it?
Kung pwede lang kitang iwan dito e, gagawin ko.
"Hmmm..." He replied.
Nang makapasok siya ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.
"Theo? Ano bang problema mo? Dahan-dahan naman!" sigaw ni Terry na kasalukuyang nakakapit sa likod ng inuupuan ko.
Sinadya kong iliko ang sasakyan kapag naglalandian na naman sila. Eto nga, no'ng nililinisan ni Kyle yung mukha ni Terry agad kong prineno ang sasakyan kaya naduklat ang mata ni Terry.
Sorry, sinadya.
Ilang minuto pa ang nakakaraan ay nakarating nga kami sa Bar. Dela luchie Resto Bar, malapit lang dito sa 'min kaya mabilis lang kaming nakarating.

YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
AléatoireTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.