TBOG 6: USAPAN

52 5 0
                                    

Terry's POV

Kamusta na kaya sila ngayon? Natuloy kaya ang pagpapasabog ng bomba? Ano ba ang rason nila upang gawin ito? Edi sana wala ako sa panahon na to ngayon. Hindi ko gusto ang kapaligiran at hindi ako sanay sa mga galawan na kanilang pinapakita.

Isa sa mga mayayamang pamilya ang Chua. Isa kami sa kinatakutan sa aming nayon ngunit dahil sa kahayukan sa pera'y nagagawa na nila ang bagay na hindi na tama. Ang mga bagay na maaaring ikasira ng buhay at pamilya.

Kailangan kong mahanap ang relo na 'yon. Hindi lamang ito normal na relo, Time Machine yon. Kung hindi iyon mababalik sa aki'y tiyak na madami ang mababago sa kasalukuyan.

Hindi ko alam pero kung ako ang papipiliin? Ayokong manirahan sa kasulukuyang panahon. Kung maaari ko lang na baguhin ng panahon, hindi ko gusto mapadpad rito. Ang hangin ay hindi na presko tulad ng sa amin. Ang mga dagat ay kulay dumi na, sa ami'y walang makikitang bakas ng kahit anong basura. Alaga namin ang inang kalikasan. Ang mga basura'y may tamang lalagyan at hindi tulad dito na kahit saan ay tinatapon. Ang mga bundok sa ami'y maraming makikita. Sagana sa prutas at nagdadala ng hangin, ngunit ngayon? Bakit tila nalustay ang mga puno't halaman?

Kung ito man talaga ang mararating ng mundo, malayo mula sa aking kinagisnan... Wala akong magagawa, hindi ko mababago ang panahon at kapaligiran. Dahil hindi naman mababago at mababalik sa ayos ang lahat, kung Isang tao lang ang may gusto diba?

"Aray!" agad akong napalingon sa aking likod ng may biglang bumato sa 'kin. Grrr wa-wala naman sigurong multo dito? Nandito ako sa balkonahe nila ngayon. Tanaw dito ang magandang tanawin kapag umaga tapos maganda ang simoy ng hangin kapag gabi.

Walang sinuman ang nasa aking likod kaya agad kong binalik ang aking tingin sa kalangitan.

Gumagawa din kaya sila ng paraan upang makabalik ako? Sadyang napakahirap ngang malayo sa iyong pamilya. Kami nga'y isa sa mga mayayamang tao pero ang aking ama't ina'y bukas ang palad para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Payak rin ang aming pamumuhay tulad ng iba. Ayaw na ayaw ni ama na kami'y pinagbibigyan lamang sa lahat ng aming kagustuhan na hindi namin pinaghihirapan.

"Aray! Sino ba yan? Hindi ho natatakot sa multo!" Napasigaw ulit ako dahil may bumato na naman sa aking likod. Alam kong may tao dito kaya hinintay kong may lumabas pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin.

Hinayaan ko nalang kung sino man yun.

"Bakit nandito ka pa?" Nang dahil sa gulat ay muntikan ko na siyang masampal, mabuti na lamang at ito'y aking napigilan.

"Don't you ever try to slap my face! Kung ayaw mong akin kitang ihagace!" sino ba naman ang hindi magugulat sa biglaang tanong? E kung sana'y nagpapaalam siya edi sana'y hindi siya masasampal ng muntikan.

"I-ikaw naman kasi e... Ginoo, magpapaalam ka kung nariyan ka! Hindi yu---"

"Inuutusan mo ba ako?" nagtaas ang kilay nito kaya tumahimik nalang ako.

Binalik ko ang tingin ko sa mga langit. Sana'y huwag lamang akong gambalain ng binatang ito.

"Kanina ka pa dito ah? Ano bang iniisip mo?" sumulyap lamang ako sa kanya at umiling. Bahagya itong natawa at umupo sa upuan na nasa aking tabi. Nakatayo lang naman ako at dumudungaw mula sa harang ng balkonahe.

"Gusto mo kape?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-aya ito ng kape. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.

Napabuntong-hinga ako bago nagsalita. "Ayos lang Theo, Saka nga pala... Pasensya sa nangyari kanina... 'di ko naman talaga sinasadya iyon!" Uminom ito at ngumiti. Medyo kakaiba siya ngayon! Siguro'y may nakaing masama.

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now