TBOG 25: THAT KISS

22 4 0
                                    

Terry's POV

Umaga na ako nagising. Ang ganda ng tulog ko e, masarap ang hangin at ang mga hampas ng dagat sa mga buhangin at bato ay tila nagsisilbing musika sa aking tenga. Nagbanat ako ng buto bago lumabas sa kubo ko at dumungaw sa labas. Marami ng tao at marami na din ang naliligo. Agad akong nagbihis at kumain ng umagahan, nagsuot din ako ng swim suit pampatanggal init sa katawan pero nagdoble ako ng maluwag na Tshirt dahil maya-maya magpapainit din ako.

Agad akong nagtungo sa beach bed na nakalagay sa tabi ng dagat. May payong na tumatabon sa ulo kaya dumapa ako doon nagpahinga. Ilang sandali lang dumating si Cassandra dala-dala ang lotion niya at buko niya.

"Oh hi Terry! Look---you're so makaluma! Hindi mo ba alam na ang damit sa beach is bathing suit and not just a simple Tshirt?" nakapamewang niyang tanong.

"Alam ko!" sagot ko dito habang nakadapa pa rin.

"C'mon, ay alam ko na! Takot ka? Nahihiya kang makita ang katawan mo kasi hindi 'to maganda? Ay poor Terry!" saad nito at umupo sa isa pang beach bed sa tabi ko. Tumingin muna ako sa katawan niya mulo kuko hanggang ulo at oo maganda ang katawan niya.

"Hindi dahil maganda ang katawan mo pwede ka nang manglait! At bakit naman ako mahihiya? Pinagmamalaki ko ang sarili ko!" tugon ko dito at pinikit ang mga mata ko. Nakaswim suit ito na kulay asul.

"Then show it off!" singhal nito.

Dumaan si Theo sa harap namin kaya tinawag ko siya.

"Theo?" napalingon ito sa 'min at lumapit.

"Yes Terry?" Ngumiti ako kay Cassandra.

"Pwede bang palagay ng sunblock sa likod ko?" tumingin siya kay Cass at tumango pabalik sa 'kin.

"WHAT?! ARE YOU CRAZY TERRY?!" tinaas ko lang ang kilay ko at umupo.

"Wanna see it? Sige! Bakit? Takot ka?" kita sa mukha niya ang pagkainis.

"Of course not! Ang akin lang... Boyfriend ko siya! Wag kang lumandi sa harap ko! Know your limitations bitch!" saad niya sa 'kin.

"You're calling me bitch without knowing its you? How poor!" sagot ko bago naghubad ng Tshirt.

"W-what the!"

"Theo?Okay ka lang ba?" puna ko kay Theo na nakanganga lang habang tumatango. Binalik ko ang tingin kay Cassandra at kinagat ko lang ang labi ko.

"You're such a stupid! Stop this Terry!" pagpigil niya sa 'kin.

"Akala ko ba gusto mo makita katawan ko?" nilipat ko ang buhok ko papuntang kanang balikat at dumapa. Si Theo naman, umupo sa tabi ko at binuksan na ang sunblock.

"Theo! Pwede ba tumigil ka nga diyan!" hindi lang siya pinansin ni Theo.

"Wag kang mag-alala Cass. Baka iniisip mo na inaagaw ko siya. Tandaan mo, sa label, ikaw ang girlfriend! Pero ang tanong--mahal ka ba talaga?" Humihinga ito ng malalim at mukhang nagtitimpi sa akin. Ang kanyang pang-iiritang ginagawa'y bumabalik sa kanya. Syempre, hindi ako papatalo. Sino ba siya?

"Flirt!" sigaw nito.

"Don't call me flirt because I'm not. Call yourself flirt for being desperate to be loved again!" patuloy lang sa paglalagay ng sunblock si Theo sa buong katawan ko at napapatawa lang sa sagutan namin.

"Wow! How did you say so?"

"Bakit? Kailangan pa ba ng source? Duh it's kind of observation that everyone could see! My eyes and mind saw how you insert yourself to someone who keeps on ignoring you.... Such a desperate. Again, d.e.s.p.e.r.a.t.e- DESPERATE!" agad niyang kinuha ang mga dala niya at lumayo mula sa 'min. Nakahinga ako ng malalim at napapikit ng mata.

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now