Theo's POV
Paggising ko, walang sinuman ang nasa tabi ko. Himala nga e, e nitong nakaraang araw halos 'di na nila ako maiwan-iwan.
Sinubukan kong tumayo at mabuti nalang, kaya ko na makatayo. Wala na ding nakaungot na mga wire sa kamay at ilong ko. Agad akong bumaba at naroon sina Mommyla, Cassandra at Terry sa kusina't naghahanda ng pagkain.
"Uy Babe? Buti naman at nakababa ka na, balak ko pa naman sana ihatid nalang ang pagkain sa taas mo at sabay tayong kumain...." napatingin ako kay Terry na lumapit sa 'kin.
"Theo, sige na umupo ka na at ipaghahanda kita!" Napatingin ako kay Mommyla na tinaas lang ang mga balikat at ngumiti.
Medyo kakaiba sila ngayon, at parang may nangyayaring kababalaghan sa kanilang dalawa.
Umupo nalang ako sa upuan na inurong ni Terry para sa 'kin.
"Eto, Babe! Masarap 'to, ako ang nagluto niyan! Sinigang na hipon.." Tumango lang ako ng hinarap sa 'kin ang niluto niyang hipon.
"Ahm masarap naman ang sinigang na hipon pero mas masarap ang pinaupong manok!" tinaas ni Terry ang kanyang kanang kilay at parang nang-iinis kay Cassandra.
Cassandra giggled. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit parang ang weird nila ngayon.
"How about water Babe?" Tanong ni Cassandra na agad ding siningitan ni Terry.
"Naghanda ako ng cucumber juice!" saad nito at agad nilang kinuha ang mga sinabi nila.
"How about your dessert? I prepared a chocolate mango float!?" tanong sa 'kin ni Cassandra.
"You?" tanong ko kay Terry. Himala kasing hindi ito sumingit kay Cassandra.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.
"Kailangan ko pa bang maghanda? Kung ako naman yung dessert mo?" what the fuck! She's really weird. Si Terry ba talaga 'to?
"Excuse me?!" singhal ni Cassandra.
"Yes? Dadaan ka?" Terry offered her way. Natawa lang ako.
Hindi ko talaga alam ang ginagawa nila.
"Pilosopo ka ba? Let me remind you, ako ang girlfriend niya hindi ikaw!" paalala niya at inalis niya si Terry sa harap ko.
"Bakit? May sinabi bang girlfriend lang ang pwedeng lumapit? May pinirmahan ka?" Nakataas pa rin ang kilay nito.
Parang sinapian ata ang babaeng 'to.
"Okay shut up! Sit down and let's all eat!" They both rolled they're eyes on each other.
"What happened?" seryuso kong tanong sa kanila.
"Nothing?" Sagot ni Cassandra.
"Okay! Tumigil na kayo---please? Respect us, respect the food infront of you!" tugon ko dito na agad din namang nagsitigil.
Hindi pa rin maiwasan ang irapan sa kanilang dalawa.
"Terry? Call Manang Susan to wash the dishes!" tawag ni Mommyla nang matapos na kaming kumain.
"Ako nalang ho diyan Mama Aida! Mukhang may ginagawa naman si Manang Susan!" Saad nito.
"Yeah Mommyla. Para naman may silbi!" lumapit sa kanya si Terry at parang natapilok pa siya pero hindi ito nagpatinag. Gusto kong tumawa pero mukhang seryuso siya.
"Kita mo? Natapilok ako! Ang ibig sabihin no'n, nagpipigil ako sayo! Mabait naman ako e, kung gusto ko pa nga hugasan ko yang bunganga mo ng luminis din kahit paminsan-minsan!" tugon ni Terry kay Cassandra. Alam kong nagpipigil si Cassandra ng galit.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
RandomTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.