TBOG 33: THE DAY WE SAID GOODBYE

25 3 0
                                    

Theo's POV

Nakahiga na kami ngayon sa silid namin. She's sleeping beside me while me, I'm just staring at her. Hindi ako matulog. Ngayon palang parang nararamdaman ko na ang sakit. Aalis na yung babaeng mahal ko... Yung babeng nagturo sa 'kin kung paano ang magmahal ulit, magpatawad at mahalin ang sarili.

I'm now staring at her and imagining things. Sana isang araw, magcross ulit ang landas natin.

"Terry... Mahal na mahal kita..." Bulong ko dito at hinalikan siya sa noo. Lahat ng 'to, matatapos na. Ang bilis ng araw at parang hindi ko pa kaya na mawala siya.

"Hmmm...." napatigil ako ng maalimpungatan siya.

"Shhhh sleep tightly,Baby!" saad ko na may luha na pala sa aking mata. I can't stop thinking about her... About us... Pano na kami? Hanggang dito nalang ba talaga?

"Ba-bakit ka umiiyak?" tanong nito na sinusubukang idilat ang mga mata niya.

"Ha? Wala 'to..." saad ko sabay punas ng luha ko.

"Anong oras na ba?" I checked my phone and it's already 1:00 am.

"1:00 am" Saad ko na pinipigilan ang tubig na mula sa aking ilong dulot ng pag-iyak.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" matamlay na tanong nito.

"...kasi takot ako Terry. Na baka paggising ko, wala ka na. Na baka, pagmulat ko ng mata ko nag-iisa nalang ulit ako. Terry, takot ako..." saad ko na tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Gusto kong pigilan pero totoo. Takot ako!

"Shhhh andito lang ako..." saad nito.

"Terry, eto na yung araw na yun e. Aalis ka na. Iiwan mo na ako. Iiwan mo na kami... Terry, yung mga ala-ala natin... Hanggang ala-ala nalang talaga lahat..." Saad ko na patuloy na umaagas ang luha ko.

"Theo, eto rin yung araw na kinakatakutan ko. Yung ayaw na kailangan ko nang isuko ang lahat... Yung ala-ala natin, yung pangarap ko na kasama ka, yung lahat at kasama ka na do'n..." pinipigilan din nitong umiyak siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at gano'n din ang ginawa ko.

"Takot na takot na ako Terry na mawala ka sa paningin ko kasi alam ko na kahit anong oras pwede mo kong iwan na walang kaalam-alam...." patuloy ang aking paghagulhol.

"Theo, hindi. 'Wag kang matakot..." Pano ako hindi matatakot? Eto na naman e, masasaktan na naman ako. Madudurog na naman ang puso ko. Madudurog na naman sa pino at maghihintay ulit ako kung kailan mabubuo.

"Terry ang hirap-hirap mong bitawan. Ang hirap-hirap mong pakawalan.. ang hirap-hirap na kalimutan ka.... Hindi ko kaya kasi ikaw ang naging lahat ko no'ng naramdaman kong tinalikuran ako ng mundo..." siya yung karamay at naging sandigan ko. Siya kahit na minsan, puro kasungitan lang ang ginawa ko.

"Hindi lang naman ikaw Theo e. Pati ako, ikaw ang naging lakas ko no'ng muntikan na akong sumuko... Kaya hindi rin madali para sa 'kin na pindutin ang relo habang nakikita kitang nagdudusa at nasasaktan ng dahil sa 'kin..." umiiyak na rin ito.

"Ang daya-daya naman kasi! Kung kailan tamang tao ang napunta sa 'kin, maling panahon pa nangyari...." I can't, My heart breaking into pieces. Hindi ko talaga kaya na bitawan siya.

"Tulad nga ng sabi ko sayo, may mga taong darating para turuan tayo. At ako, dumating ako sa buhay mo para itama ang lahat at iparamdam sayo na kahit gaano kadaya ang mundo may mga taong nasa paligid mo na pwede kang mahalin at pwede mong mahalin.... Kaso ngalang, hindi ako yung taong pwede mong makasama habang buhay!" Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.

"Kung hindi ikaw sa huli, ayoko nang magmahal pa. Kasi, sayo ako masaya... Sayo ako nakaramdam ng tunay na pagmamahal kahit na oras ang ating kalaban...." I signed. Bumibigat na nag paghinga ko dahil sa pag-iyak.

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now