Theo's POV"Sigurado kang ayos ka na?" Saad ko kay Terry na ngayo'y nag-aayos ng gamit. Kinabukasan, uuwi na kami. Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan kong kamustahin siya. Eto ang naabutan ko.
"Katulad mo, sasabihin kong ayos lang ako kahit na yung totoo ang sakit pa rin!" Saad nito na may namumuo na namang luha sa mata niya.
"Alam ko. Kasi niloko ka, niloko ako!"
"Bakit sila gano'n?" Humihikbi na naman nitong tanong habang nagtutupi ng damit.
"Terry, alam Kong matatag ka! Ikaw yung nagturo sa 'kin na maging matatag!" tumingin lang ito sa 'kin at mapaklang ngumiti.
"Ang daya 'no? Kasi, naging totoo ka naman pero hindi pa rin maiwasan na lokohin ka. Alam mo yun? Yung akala mo totoo sila sayo kasi totoo ka naman pero hindi pala..." pinupunasan niya ang mga luha niya. Alam ko na nasasaktan siya pero hindi dapat magpaapekto sa mga bagay-bagay. Kasi ako, naniniwala ako na may rason ang lahat.
"Doon tayo mag-usap sa dagat? Para mas comfortable ka?" Huminga siya ng malalim at tumango ng taimtim.
I offered my hand and she grabbed it.
No'ng makalabas kami ng kubo, naabutan namin si Kyle na lasing na at natutumba na kung maglakad.
"Hoy Theo! Sinasamantala mo ang oras ha? Ang galing mo din!" tinago ko si Terry sa likod ko at nilayo kay Kyle.
"So what? Ang laking katangahan mo nga Kyle e! Kasi mga maling tao ang napagtripan niyo! Saka, ano bang ginagawa mo rito?" tinulak ko ang dibdib niya kaya natumba ito pero tumayo rin ulit at lumalapit sa 'kin para kunin si Terry.
"Excuse me! Hi-Hindi ikaw ang pinunta ko dito... Terry! Mag-usap tayo please!" saad nito na sinusubukan pang hawakan si Terry.
"CAN YOU PLEASE RESPECT THE PAIN SHE'S BEARING RIGHT NOW? GANO'N KA NA BA TALAGA KAGAGO?!" sigaw ko sa kanya at tinulak ulit siya.
"Kanina ka pa tulak ng tulak ah? Ano akala mo sa 'kin? Lasing? Hoy! Hindi ako lasing" dinuro niya pa ako pero tiningnan ko lang siya sa mata habang nagkakasalubong ang mga ito.
"Umalis ka na dito!" Sigaw ko dito.
"Wag mo akong sigawan hindi ako bingi Theo! At saka, anong sinasabi mong walis ka tito? Baliw ka ba? Tao ako, tao! Pero bagay ako kay Terry!" kumindat pa ito kay terry kaya hindi na ako nakapagpigil at sinapak ko siya.
"Theo tama na!" awat sa 'kin ni Terry.
"WAG MONG GAGAWING BIRO ANG LAHAT KYLE!" dinuduro-duro ko pa siya habang nakahawak siya sa kanyang pisngi.
"Terry! Terry mahal kita!"
"NAHAGISAN KA LANG NG PANTY... MAHAL MO NA! IBANG KLASE KA RIN BRO E!" nakahawak lang sa braso ko si Terry.
"HAHAHA!" tawa nito.
"Tara na Theo!" anyaya ni Terry pero hinawakan ni Kyle ang paa ko kaya napatigil ako. Nagulat ako ng lumapit sa kanya si Terry.
"KYLE PWEDE BA?! RESPETUHIN MO AKO! RESPETUHIN MO ANG NARARAMDAMAN KO! O DI KAYA KAHIT YANG SARILI MO NALANG!" hinawakan siya sa kamay at nagsimula na namang umiyak an kanyang mga mata.
"Terry Mahal kita!" patuloy na umiiyak si Terry sa harap niya. Kaibigan ko siya pero parang hindi ko siya mapapatawad.
"Kyle? Maawa ka sa sarili mo! Maawa ka nga taong niloloko niyo...mahal mo ako? Hayaan mo na ako!" winaglit niya ang kamay ni Kyle at naglakad na palayo sa kanya. Sumunod nalang ako kung saan siya mapadpad.
"Terry stop!" Tawag ko sa kanya. Mabilis siyang naglakad. Ang kanyang mga hakbang ay sabay sa hikbi niya.
"Terry alam ko na masakit! Parehas lang tayong nasaktan sa ginawa nila! Pero please control yourself!" napatigil siya sa sinabi ko at tumakbo sa 'kin at yumakap ng mahigpit.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
De TodoTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.