EPILOGUE

61 4 2
                                    

Theo's POV

Ang buhay ng tao ay hindi permanente. Minsan, nasa taas at nasa baba. Minsan, isang araw magigising ka nalang na ang lahat nagbago na. May mga taong kakalimutan ka pero may taong bago mong makikilala. May mga aalis pero may papalit.

Ilang taon na ang lumipas at ang lahat ay nagbago. May mga taong naglaho na ngunit hindi ibig-sabihin na tapos na ang kwento na iniwan nila. May mga kwento na natitira upang lagyan ng pamagat at lagyan ng wakas na nararapat.

Thea's POV

"I'm on my way mommyla---yes! Don't worry. I'll be home later! Okay okay!" Napalingon ako sa aking tabi ng biglang may isang binatang nakasuot ng jacket at maayos ang porma. May kausap ito sa kanyang telepono. Napatingin ito sa 'kin kaya iniwas ko nalang din ang tingin ko, medyo nakakahiya. I don't know where he came from but it seems like, he just arrived.

"Hello? Nandito na ako sa seaside. Ano? Dadating pa ba kayo o hindi na? I'm tired! You know that I'm from my flight and I wanna spend my night with sleeping tonight!" Saad nito sa kausap niya sa telepono.

Ang gwapo naman ng binatang ito. Parang anghel sa langit ang kanyang kutis at napakaamo ng mukha.

"Miss? May problema ka? Why are you looking at me? You have any concern?!" Napayuko nalang ako at hindi siya sinagot. Kala mo naman hindi rin siya tumitingin sa akin.

"Miss tinatanong po kita!" Tugon nito.

"Wa-wala po!!" Nahihiya kong sagot. Nakayuko pa rin ako at nakatingin sa baba.

"Mahilig ka palang manood ng sunset?" tumingin itong daretsahan sa aking mata. Bigla akong nailang sa aking kinalalagyan. Hindi ko pa ito nararanasan simula pa dati, tila bang may kakaibang namamagitan sa amin. Bumibilis ang pintig ng puso ko at biglang naglalabas ng tubig ang aking buong kamay at malamig ang mga ito.

"Ye-Yeah...!" naiilang kong sagot. Sino ba siya at bakit siya nakikipag-usap sa hindi niya kakilala?

"Pwede bang umupo sa tabi mo?" pagpapaalam nito. Tumango lang ako at umurong. Agad itong umakyat at umupo sa tabi ko. Malapit na ang paglubog na tuluyan ng araw, napakaganda nito.

"Ba-bakit ho Ginoo? Ano hong problema?" puna ko ng mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa 'kin. Marahil ay may dumi ako sa mukha na hindi ko napansin.

"Wala naman...Hindi naman ako madalas na naninirahan dito sa Viza, pero alam ko at kilala ko ang mga taong naninirahan dito kahit na saang sulok pa man sila ng Viza! Huhulaan ko, you're not from here! Am I right?" Halata sa kanyang pananalita na siya'y isang bihasa sa larangan ng engles. Ang kanyang tono'y tila ba musika na naglalaro sa iyong tenga.

"Bago lang ako dito....." tugon ko. Habang pinaglalaruan ang aking kuko.

"Taga saan ka?" seryuso nitong tanong.

"Vi..Vi-Vicitacion!" Nauutal kong sagot.

Ang ganda ng porma niya. Look's so rich in his outfit... So far.

"Vicitacion? Whereis that?" Nag-aalangan akong tumingin sa kanya kaya't minatiling kong nakatingin sa langit ang aking mata.

"Somewhere out there... Just kidding! Nasa kabilang baranggay lang yun... Akala ko ba alam mo na ang buong Viza?" bulong ko. Napakamot lang siya sa sinabi ko.

"O-okay! You're so weird ha? But anyways, its nice meeting you Miss---" kumunot ang noo nito at mukhang tinatanong niya ang aking pangalan.

"Te-Thea!" I'm Thea Terryyinne Arreigo.

"I'm Theo Anyways! Our name are not that far. I'm Theo Ryven Szecin!" Nilahad niya ang kanyang kamay kaya nakipagkamay rin ako sa kanya.

"O-okay!" Sumakit ang ulo ko kaya't napasandal ako.

"Miss?Are you okay?" tanong nito sa 'kin at sinusubukan akong saluhin.

"Miss? Are you okay?" napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya at napatukod ang aking kamay.

"I'm feeling something weird... I'm sorry..."" paumanhin ko. Nakakahiya naman ang aking ginagawa, baka anong sabihin niya sa akin.

"Are you fine?Is there anything wrong with you?" tanong ulit nito.

"No-Nothing.." sagot ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo.

"Okay... Then if nothing is wrong, lemme leave you for now okay? Kailangan ko na kasing umuwi e! Anyways, it's nice meeting you,Thea!" pagpapaalam nito. Tumango lang ako at ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko.

"... sa susunod na magkita tayo? Huwag mo na akong tawaging Ginoo... Call me, Father Theo..." sabay kindat at ngisi. So Father pala siya? Sa gwapo niyang yan hindi naman imposible na may asawa't anak na siya.

"Sagot?" Pabirong tanong nito. Tumingin lang ako sa kanya at taimtim na ngumiti.

"Ba't ka nakangiti?" tanong nito at itinaas ang kilay niya.

"Masama ba?" Bigla itong tumalikod at naglakad ulit.

"Ikaw bahala, madali pa naman akong mafall lalo na kung cute ang ngiti!" paalala nito. " But sadly, I love God more than anyone else.." Ang daming alam ng isang ginoong ito. Akala mo naman talaga type ko siya psssh.

"Tss! Padre ka pala?" He nodded.

"Wait..." Agad siyang napatigil sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Oh bakit? May naiwan ka?" Pagtataka ko dito. Umiling siya but he placed his fingers in his lips and thinking something.

"Para kasing.... Ahm... Have we met before?" What?! Is he kidding? Last week lang kami umuwi ni Mommy dito sa Pilipinas and we met? Diyos ko lord! Ano 'to? Himala?

"I don't think so..." Sagot ko.

"Ahm.. you really look familiar on me but anyways... Just forget it!" saad nito bago umalis.

Ibinaling ko nalang ulit ang aking tingin sa langit na ngayo'y tuluyan nang lumubog ang araw.

Theo's POV

Kakaiba siya sa mga dalagang aking nakikita, na ang iba'y halos idikit na ang mukha sa 'kin kapag nakikipag-usap sila, samantalang siya? Medyo naiilang pa. Para siyang Maria Clara sa aking mga mata. She really look so familiar on me! Hindi ko lang alam kung saan kami nagkita at saan ko siya nakilala. Basta, parang nakita ko na siya.. nakasama ko na siya...

So ayun nga, Naglakad nalang ako pauwi sa 'min since malapit naman na ang bahay dito. I'm from my travel, flight or whatever how you call it. I'm tired kanina but when I saw that girl named Thea, nabawasan kahit papano. I feel comfortable naman kahit kanino ako makipag-usap but talking to her is like a different feeling. Para akong nakikipag-usap sa isang makalumang tao and I love talking with those people. Anyways, kakauwi ko lang from states since, doon ang mission na inassign sa akin and its all successful.

Napatigil ako ng makaramdam ako na parang may sumusunod sa 'kin. I turn around and look kung sino sumusunod sa kin but no one is with me. Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, palingon-lingon pa rin ako't nakakaramdam talaga ako ng masama.

"Ay tae!" singhal ko ng may dumaang daga sa harap ko.

"Diyos ko po! Aatakehin ako sa puso dahil sayong daga ka!" Akala ko naman kung ano na ang sumusunod sa akin.

I wanna suprise everyone that I'm home kaya dumaretso na ako sa kwarto ko without minding them. All I want for now is to take a rest and tomorrow will be another day again. Bukas na bukas din ay dadalawin namin ang dalawang matalik na magkaibigan na hanngang sa huling hininga'y nanatiling matatag ang relasyon na meron sila. Mommyla and Mamala died but their memories will stay, forever.

I try to sleep but I can't. Naalala ko pa rin ang babae kanina sa seaside. She really look so familiar on me. Pinipilit kong isipin kung saan, sino, kailan at paano pero walang kasagutan na bumubuo sa utak ko.

"I'm Thea..."

Thea...T-Terry.... Si-sino si Terry?

"Who is Terry?"

Terry ang pangalan na nabuo sa aking isipan. Sino si Terry? Bakit yun ang naisipan kong pangalan? Tapos no'ng banggitin ko ang pangalan niya, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. 

Terry, who are you?

The end.

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now