TBOG 16: PARTY OVERNIGHT

21 3 0
                                    

Terry's POV

Ang pagmamahal ay isang mahalagang bagay sa tao. Minsan, ang pagmamahal pa ang nagiging sanhi ng iba't ibang isyu sa mundo. Diba? May mga nangyayaring pagpapatiwakal o ano pa man. Pero bakit sa misyon ko, kailangan kong makasakit at masaktan?

"Sabi ko na nga ba dito kita mahahanap...." Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang magsalita si Cassandra. Nakapangtulog pa rin ito pagkat hindi pa ito nakakapagbihis.Nandito ako ngayon sa bakuran at nagdidilig ng mga halaman.

"Bakit? Ma'am Cassandra? Ayoko po ng gulo at sapat na sa 'kin ang mga nangyari kahapon. Pinagsisisihan ko na 'yun..." saad ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ayokong magkaroon na naman ng away sa pagitan namin. Ayoko ng gulo kahit kanino.

"Don't worry Terry! I'm not here to have war! I'm here to ask for apologies okay? Sorry kahapon kung ano man ang mga nagawa ko! Alam mo naman siguro kung ano yung pakiramdam ng inaagawan ng mahal diba? Takot lang ako na mawalan ng pag-asa kay Theo.." Tumigil ako ng saglit at lumingon sa kanya. "Sana alam mo kasi kung hindi mo alam yung pakiramdam, iisa-isahin ko para malaman mo. Alam kong naiwan ko na siya and this time? Gusto kong itama ang lahat..." patuloy nito.

"Ma'am Cass? Wala akong balak na agawin si Theo. Hindi ho ako ganong babae, Sana alam mo po! At alam ko rin naman ang pakiramdam kaya hindi niyo na kailangang sabihin." totoo bang nanghihingi siya ng tawad? Mukhang ang kanyang mga mata ay totoong humihingi ng tawad.

"Sorry na talaga Terry! I won't do it again. C'mon, mamayang gabi may party kami ng mga kaibigan ko at magoovernight kami. Mommyla prepared this for us and Theo, we missed each other and I'm inviting you to join us! Ipapakilala kita sa kanila..." Hinawakan niya ang aking kamay kaya ngumiti ako ng bahagya.

Eto yung tinutukoy ni Kyle, eto yung sinasabi niyang party. Ano namang gagawin ko doon e halos lahat ng nandoon ay mayayaman at ako? Mayaman nga ako pero sa panahon namin hindi dito. Wala akong ano man na yaman maliban sa sarili ko at sa time machine na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan.

"Si-sige. Si Kyle kasi, inanyayaan din ako...." saad ko sa kanya. Niyakap niya ako at niyakap ko na lang din siya pabalik.

"Sorry na ha? Bati na tayo?" Tumango lang ako. "Sige Terry! Una na muna ako sa loob ha? We're going to prepare!" Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik sa pagdidilig ng halaman. Sana naman totoong nakikipagbati na siya.

Cassandra's POV

OH MY GOOSSSSH!!!!!! ANG HIRAP TALAGAAAA MAGPRETEND THAT YOU LIKE THE PERSOONNN!

Matapos akong makaalis kay Terry, I immediately find my alcohol and rubbed it around my body. Baka yung dumi mapasa sa 'kin. Grrr!

Kung hindi lang talaga kita kailangan I won't please you Terry. I don't want you to be my friend but grrrr I do really need for me to help Kyle on you. And I want to know because I wanna go deeper with who you are. Ayoko na naiisahan mo ako kay Theo, Sana totoo ang mga sinasabi mong hindi mo talaga siya aagawin sa 'kin kasi eto na ako, bumalik na ako at dapat ako pa rin ang magwagi kay Theo at hindi ikaw o sino pa mang cheap girls out there.

"Oh Cassandra? Do you already have your plan? Let's make it special!" I walked closer to Mommyla. She's now preparing for our foods later. Hindi naman siya kasama sa party because it's for our friends only but she's helping. They're welcoming me warmly.

I can't wait to make Theo mine again. For sure, sa mga gagawin ko mamaya... Aamin sa 'kin si Theo. Kyle is with me and alam niya na din ang mga plano namin.

"Yes Mommyla! And ayos na po yung simple but happy celebration with my friends. We will just be having a simple party outside, at yard and overnight Activities with them..m such as playing!" I answered gladly. I'm too lucky being with this family ever since. Mafefeel mo talaga ang pagwelcome nila sayo.

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now