TBOG 35: DEAD MEMORIES

36 4 0
                                    

Terry's POV

"Mom, I have a good news!" Jennifer is running towards me showing her phone.

"Yes? You had a solution?" She excitedly nodded.

"Look... I contacted Mommyla and I asked kung pwede ba tayo magrent ng private plane nila kasi nakakahiya namang hiramin lang. But she refused on me kasi, ipapahiram nalang daw niya and maghintay nalang daw ho kayo ni Cassandra sa airport and doon kayo susunduin ni Julius,Their pilot! Kagagaling lang din daw rito ni Julius, bumili ng groceries for their food kaya sumabay nalang daw kayo!" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya kaya't pinaghanda ko na si Cassandra at Kyle dahil babalik kami ng Pilipinas. May mga groceries kasi sa ibang bansa na wala sa Pilipinas kaya minsan, sa iba't ibang bansa kami bumibiili.

"If you have some concern regarding the business? Don't forget to call me. I'll still be in touch on you... Okay?!" Jennifer nodded as we closed the door. Kasama ko si Cassandra at si Kyle na umuwi ng Pilipinas ngayon. We're ready. But am I ready to face them?

"Mommyla..." tawag sa akin ni Cassandra habang nakayakap. Nakasakay na kami sa private plane nina Theo at ito ang maghahatid sa amin patungong Pilipinas.

"Yes Apo?"

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na nangyayari pala ang lahat ng yun..." saad nito. I gently smile.

"Ako rin Apo... Pero, wala e. Nangyari na ang nangyari. Pero para sa akin... Ang paglalakbay na 'yon? Madami akong natuklasan at madami akong natutunan sa buhay. Hindi lang sa sarili ko pero pati na din sa mga taong nasa paligid ko... Tulad mo, kung hindi pa ako naglakbay, e hanggang ngayon sana'y nasasakal ka pa rin..." She nodded and sighed. Alam kong tama ang naging desisyon ko. Sa aking pag-alis, mayga naiwan man ako'y may binalikan din ako no'ng bumalik ako sa totoo kong katawan. Hindi rin naman kasi pwede na sarili ko lang ang isipin ko.

Umaga kami nang umalis sa Canada at kinabukasan ay nakarating kami sa Pilipinas. Nang makaapak ako sa lupang aking sinilangan, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Hindi dahil eto na ako't nagbabalik pero dahil, iniwan ko ang bansa ko upang manirahan malayo rito--mula sa kinagisnan kong buhay.

Agad kaming nagtungo sa hotel na pinareserve namin at doon kami mananatili habang nandito kami sa bahay. We have our house in province but malayo 'to mula sa Viza kaya naghotel nalang kami since, this hotel is pagmamay-ari din naman ng kapatid ko but she died a long time ago.

Nang maayos namin ang gamit namin ay nagtungo agad kami sa hospital na kinaroroonan ni Adelaida at bumungad sa akin ang kanyang pamilya na nagulat sa aking pagdating.

"Mamala?! Oh god you're already awake!" saad ni Iera--Theo's sister. Niyakap nila akong lahat maliban kay Aida na naluluhang nakangiti sa akin.

"I'm glad to see you again dear!" Saad ko dito.

"Amiga! You're back!" Binuka niya ng malapad ang kanyang kamay kaya nagtungo ako sa kanyang pwesto at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm back Amiga!" saad ko dito na may ngiti sa aking labi.

"I'm glad to see you again!" Saad nito. Tumingin siya kay Cassandra na nakatayo lang at nakangiti. Agad na tumakbo si Cassandra patungo sa kanya at nakangiting yumakap.

"Sorry baby girl... Sorry for everything!" tumango lang si Cassandra. Aida is asking sorry since, dalawa kami ang may kasalanan kung bakit nasasakal ang mga apo namin. But it's okay, napatawad na namin ang isa't Isa.

"Anyways, maaari ko bang makita si Theo?" Natahimik ang lahat ng magsalita ako.

"Why? Anong nangyari?" Hindi pa rin sila sumasagot sa akin. God please no! Sabihin niyo hong hindi totoo ang iniisip ko. Please no!

TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now