Terry's POV"Mama Aida? Ano po bang sakit ni Theo?" nasa labas kami ngayon ni Mama Aida. Patuloy pa rin siya sa pagtangis.
Kagabi, anong oras na ako nakauwi sa bahay. Pagdating ko, tamang-tama din ang pagdating nina Kyle at Cassandra, dala-dala ang katawan ni Theo na basang-basa.
Nagsisisi ako na sinigaw-sigawan ko siya kahapon. Hindi ko naman intensyon na saktan siya. Ang akin lang, na mapigilan niya ang sarili niya na mahalin ako. Hindi ako nagmali, sa mga kilos at tingin niya ay may kakaiba kaya tama ako... Unti-unti na niya akong minamahal.
"Hindi ba niya nabanggit sayo?" Umiling lang ako. Kasalukuyang nakaratay si Theo sa loob ng kwarto niya at nandoon si Cassandra, nagbabantay sa kanya.
"Bata palang si Theo, nakitaaan na siya ng butas sa puso. Kaya inalagaan namin siya ng mabuti!" tugon nito sabay punas sa kanyang mga luha.
Ang puso ko'y tila ba sumikip at pinagsisisihan ko ang mga sinabi ko sa kanya na wala namang katotohanan. Sinabi kong hindi ko siya mahal para lang hindi siya masaktan. Tapos, iniwan ko pa siya? Kung sana hinintay ko siya, Edi sana nasagip ko siya.
"H-Hindi ko po yun alam..." Saad ko.
"Ngayon alam mo na, kung bakit ayokong nasasaktan ang apo ko. Palaki siya ng palaki, mas lalong lumalaki ang butas sa puso niya. Naghahanap kami ng donor pero walang nagdodonate, 2,000,000 na ang price namin pero wala talaga..." umiiyak nitong saad. Hinaplos ko lang ang kanyang likod upang kumalma siya.
"Kawawa naman pala siya..." kaaalis lang ng doctor na siyang tumingin kay Theo kanina. Kaya pumasok kami sa loob at naabutan naming nakahiga lang si Theo na wala pa ring malay.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya.
"Terry? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo? Iniwan mo siyang mag-isa at nahandusay sa kalsada na walang malay! Pano kung nasagasaan siya? Pano kung may nangyaring hindi maganda sa kanya?" galit na galit na sumbat si Cassandra.
Napayuko lang ako pagkat hindi ko alam ang isasagot.
"Mommyla? Pwede ba akong humingi ng konting oras para kausapin si Theo?" Tumango lang siya at sumenyas kay Cassandra na umalis sa kinauupuan niya.
Tumayo naman siya at nakatingin sa 'kin ng masama.
Dahan-dahan akong lumapit kay Theo na may dextrose. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya at nagsimulang bumuhos ang luha ko.
"Theo, gumising ka na! Hinihintay ka na ni Mommyla e!" Nararamdaman ko ang konsenya ko'y hindi ako pinapatahimik.
"Theo patawarin mo ako ha? Kasi, kasi ang sasakit ng mga sinabi ko sayo e! Hindi ko naman gusto na masaktan ka! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari? Hindi ko na sana yun ginawa..." Tugon ko. Hinahalikan ko ang kanyang mga kamay na puno ng mga bagay na nakaungot.
"Patawarin mo ako kung nagiging manhid ako. Hindi ako manhid Theo pero kung sayo? Kung yun yung paraan para hindi kita masaktan? Gagawin ko!" Patuloy ang pag-agas ng aking mga luha.
"Kasi Theo... Kamahal-mahal ka! Pero wag naman ako, kasi ako? Aalis ako pag nahanap ko na ang relo...." biglang gumalaw ang kamay niya.
"T-Terry..." Bulong nito. Napangiti ako at mas napaiyak ng todo.
"Diyan ka lang tatawagin ko sin---" napatigil ako ng hindi niya binitawan ang kamay ko.
"Wag! Dito ka lang sa tabi ko Terry..." saad nito na nakapikit pa din ang mga mata. Ngumiti lang ako at bumalik sa pagkakaupo.
"Theo, patawarin mo ako!" Paghingi ko ng tawad habang nakahawak sa mga kamay niya.
"Wa-Wala yun... A-ang mahalaga, nasabi ko la-lahat! At nasabi mo na rin ang gu-gusto mong sabihin..." tumango-tango lang ako at patuloy na umiiyak. May mga luha din pumatak sa gilid ng mata niya.
YOU ARE READING
TWO BODIES, ONE GOODBYE 1 (COMPLETED)
Ngẫu nhiênTime machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.