Chapter 100

156 9 0
                                    

Bryce's POV

5 years later...

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng bahay nila Lia dahil yayain ko siyang kumain sa labas.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at 5pm pa lang ng hapon. Kaka-out ko lang ngayon sa work ko at dito na ako dumeretso dahil nga yayain kong kumain si Lia.

Kanina ay tinext ko siya dahil yayain ko siyang kumain sa labas. Mayamaya pa ay nakita ko siyang lumabas na ng bahay nila kaya napaayos ako ng sarili ko at nung binuksan naman na niya yung gate at nakita na niya ako ay saka ako ngumiti.

"Good afternoon"Bati ko sa kanya dahilan para mapangiti din siya sakin.

"Sorry kung naghintay ka sakin ng matagal"Sabi naman niya.

"Ayos lang naman na maghintay ako at saka sanay naman akong naghihintay"Sabi ko naman saka sabay na napakamot sa batok.

"Tch! Humuhugot ka na ngayon ah"Natatawa naman niyang sabi dahilan para mapangiwi na lang ako.

"So tara na?"Nahihiya ko naman sabi, ngumiti naman siya sakin saka napatango.

Sinuot ko naman sa kanya yung pink na helmet at saka sumakay naman na ako sa motor ko at saka ko na yon inistart. Umangkas na rin siya sa likod at saka ko na yun pinaharurot.

Dinala ko naman siya sa samgyupsal dahil mahilig talaga ako kumain sa mga samgyupsal lalo na nung dumating sila mommy at daddy na galing Japan ay niyaya ko silang kumain sa samgyupsal.

Ilang saglit lang ay nandito na kami sa samgyupsal at pinark ko na yung motor ko at saka ko na rin tinanggal yung helmet ko at ganun din si Lia.

Pumasok naman na kami sa loob at saka na umupo. Kumain naman na kami pagkatapos namin umorder at mag-samgyup. Habang kumakain naman kami ay napatingin na lang ako sa kanya at nakakapanibago lang dahil simula ng mawala si Marcus parang ang daming nagbago kay Lia.

Hindi na siya gaano umiimik at madalas na tahimik na lang talaga siya. Madalas ko rin siya nakikitang bigla na lang tutulo yung luha niya at napapahagulgol at paulit-ulit niyang sinasabi na...

Nami-miss na niya si Marcus kaso wala na talaga si Marcus dahil patay na siya.

Naalala kong nakita ang bangkay ni Marcus na buto na lang at yung ilang tela ng suot niya nung binaril siya ni Xing ay yun na lang yung nakita namin.

At naalala ko rin noon na biglang nawalan ng malay si Lia ng makita niya ang bangkay ni Marcus.

Napahinga na lang ako ng malalim at saka ko hinawakan ang kamay ni Lia dahilan para matigil siya sa pagkain at napatingin sakin.

"Naaalala mo pa rin ba siya?"Tanong ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Bigla naman siyang napayuko at saka hinila yung kamay niya na hawak ko. "Pwede natin siyang dalawin bukas"Dagdag kong sabi.

Alam kong hindi pa rin siya maka-move on dahil alam ko rin na sobrang mahal na mahal niya si Marcus. At alam ko rin sa sarili ko na imposible na mahalin niya ako kahit wala na si Marcus dahil una sa lahat si Marcus talaga ang minahal niya ng sobra.

"S-Sa ibang araw na lang... M-May r-reunion tayo diba bukas?"Utal niyang sabi pero hindi siya makatingin sakin. Napatango na lang ako at saka ko na lang pinagpatuloy ang pagkain ko.

Nang matapos naman kaming kumain ay hinatid ko na siya sa kanila at kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot.

"Good night"Sabi ko naman at saka ngumiti ng tipid. Ngumiti naman din siya ng tipid sakin at saka napatango.

Sumakay naman na ako sa motor ko at napansin kong hindi pa siya pumapasok sa loob ng bahay nila at nakayuko lang siya. Napabuntong na lang ako at saka ako bumaba sa motor ko at lumapit sa kanya.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon