Chapter 108

49 5 0
                                    

Marcus Red's POV

Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa sinabi ni Bryce kanina.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko na ulit si Lia bukas pero hindi pa ako handa na humarap sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nagkita na kami lalo na hindi ko alam kung paano magpaliwanag sa kanya.

At wala naman nakakaalam na buhay ako maliban kay Bryce na alam niyang buhay talaga ako.

Bigla ko naman naalala na lagi kong sinusundan kung nasaan si Lia magpunta at maraming nagbago sa kanya dahil parang bigla siyang naging matured lalo na sa buhok niya na biglang umikli hanggang leeg na lang pero hindi pa rin nagbabago ang napakaganda niyang mukha.

'Siya pa rin si Veda Lia na minahal ko noon at hanggang ngayon...'

Oo, mahal ko pa siya at kahit kailan hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya at kaya ko lang naman nasabi kay Bryce na nagbago ako at pati ang feelings ko kay Lia ay dahil natatakot ako na baka sa oras na malaman ni Aubrey ang lahat baka anong gawin niya kay Lia.

Lalo na alam niya ang lahat ng kinikilos ko!

Nahuli na kasi niya ako na tinatawagan ko ang number ni Lia at hindi pa naman nagbabago yung number ni Lia at yun pa rin yun. Tinatawagan ko siya at sinasagot naman niya kaso hindi naman ako sumasagot dahil ayaw kong malaman niya na buhay ako at gusto ko lang din naman marinig yung boses niya.

At sobrang namimiss ko na siya.

Natauhan naman ako ng bigla kong naalala na kailangan ko na pala bumalik sa bahay nila Aubrey dahil baka magising siya at malaman niyang wala ako.

Wala naman akong kotse na dala dahil simula nung nangyari sa akin noon nung nahulog ako sa dagat pagkatapos akong barilin ni Xing wala naman na akong sasakyan dahil tinulungan lang din naman ako ng pamilya ni Aubrey.

Maglalakad lang ako ngayon pauwi at nasanay na lang din naman ako na palaging naglalakad at nagtatago.

Nung nakabalik naman na ako sa bahay ay nag-iingat ako na baka may isa na gising sa kanila at baka mamaya bigla din akong tanungin kung saan ako galing.

Nung wala naman tao ay agad akong napatakbo sa taas at saka nagkulong sa kwarto. Napasandal na lang ako sa pintuan at saka napapikit ng mata.

Gustong gusto ko na talaga makita si Veda Lia at mayakap kaso hindi pa ako handang humarap sa kanya.

'Balang araw magkikita din tayo'

Napamulat na lang ako ng mata at saka napabuntong hinga. Napalundag na lang din ako sa kama at napapikit ulit ng mata kaso napamulat ulit ako ng mata ng biglang may kumatok sa pinto dahilan para mapalunok na lang ako.

Dahan-dahan akong napabangon sa kama at patuloy pa rin sa pagkatok sa pinto kung sino 'man yung kumakatok.

Lumapit naman ako sa may pinto at saka ko binuksan yon at halos manlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin si Aubrey.

'Bakit gising pa siya?'

"A-Aubrey? B-Bakit gising ka pa?"Utal kong tanong pero nakatingin lang siya sakin ng deretso at seryoso.

"Saan ka galing?"Seryosong tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Napalunok na lang ako at hindi agad nakapagsalita."Saan ka galing?"Pag-uulit niya pa ng tanong pero hindi pa rin ako makasagot at napalunok na lang ulit ako.

"Hindi ka ba sasagot ha?!"Halos nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw kaya napalunok na lang ulit ako. "Ano? Sasagot ka ba o hindi--------"

"May binili lang ako sa labas"Agad na sabi ko saka sabay na napapikit.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon