Veda Lia's POV
2 months later...
"Halika na kayo at kumain na tayo!"Tawag naman sa amin ni Daddy. Nasa sariling resorts kami ngayon sa may Palawan at syempre nagbo-bonding hehe.
d^__^b
Kumpleto kaming lahat dahil nandito ang pamilya ni Jewel at syempre pakitang lalaki naman si Shawn dahilan para tuksuhin siya nila Eros at Loisa, syempre nandito rin ang pamilya ni Loisa at Eros. Ang pamilya din ng Black Crown at ng Black Army at basta sama-sama kami ngayon na nagce-celebrate dahil sobrang saya namin.
Si Aubrey naman ay nasa Mental hospital na siya at minsan isang beses ay nadalaw namin siya pero okay naman na siya. Hindi naman nakasama sila sir Fred dahil busy sila sa bagong business nila.
"Yehey! Kainan na!"Masayang sabi ni Loisa at tumalbo naman siya papalapit kila Daddy.
Nasa dagat kasi kami at nagbabasaan ng tubig ng bigla lang kami tawagin ni Daddy para kumain.
Sumunod naman na kami kay Loisa na naunang tumakbo dahilan para matawa na lang kami dahil para siyang bata. Haha!
Umupo naman na kami at saka nagsimulang kumain at syempre katabi ko si Marcus kaso bigla siyang tumayo at umalis kasama yung Black Crown at Black Army.
Hindi ko naman siya natawag kaagad dahil ang bilis niyang umalis kaya hinayaan ko na lang at kumain na lang ako.
Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa bumabalik yung mga yon kaya bigla na lang ako nag-alala kaya napatayo na lang ako dahilan bigla silang magtaka.
"Oh saan ka pupunta?"Takang tanong ni ate Vanessa.
"Ah eh hahanapin ko lang sana sila Marcus--------"Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng bigla kong nakita si Eros na tumatakbo papalapit sa amin at ngayon ko lang napansin na wala pala siya.
Hingal na hingal siya at ang ikinagulat ko ay may bakas siya ng dugo sa damit niya at pawis na pawis din siya dahilan bigla akong kabahan.
"Anong nangyari sayo Eros? Nasaan sila at nasaan si Marcus?!"Kinakabahan kong sabi pero nakikita kong natatakot siyang sabihin sakin kaya naman nagmakaawa akong sabihin niya kung nasaan yung mga kasama niya at si Marcus.
"Please, sabihin mo sakin kung nasaan si Marcus!"Pagmamakaawa kong sabi at bigla na lang ako naiyak.
Nagtataka naman ako kung bakit wala silang reaksyon at ako lang yung umiiyak pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon lalo na hindi naman masabi ni Eros kung nasaan si Marcus at bigla na lang ako nakaramdam ng takot na baka mawala na lang siya sa buhay ko at hindi ko kakayanin yun dahil mahal ns mahal ko siya.
At dahil hindi naman masagot ni Eros ang tanong ko ay agad na akong tumakbo at saka ko hinanap si Marcus kaso hindi ko siya mahanap hanggang sa may makita akong dugo kaya sinundan ko yun at sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko at parang sasabog na rin at gusto kong umiyak na lang.
'Sana naman hindi 'to totoo! Wag niyo naman siya kunin sakin Lord please!'
Halos madurog ang puso ko ng makita ko na si Marcus na nakahandusay at walang malay habang naliligo sa sarili niyang dugo. Dahan-Dahan akong lumapit sa kanya at hindi ko na mapigilan ang maiyak ng sobra at nayayakap ko na siya kahit puro dugo na ako.
Bakit ngayon mo pa ako iniwan ha!? Kung kailan masaya na tayong dalawa eh! Ang daya mo!
Lumapit naman sakin si Eros at nakita kong nababakas ng lungkot ang mukha niya."N-Nasaan sila Bryce?"Hagulgol na tanong ko kay Eros at nakita ko naman na patulo na yung luha niya ng bigla naman ako nagulat ng biglang bumangon si Marcus.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<