Chapter 127

47 3 0
                                        

Veda Lia's POV

"Hello Bryce?"Panimula ko naman.

"Oh Veda napatawag ka"

"Pwede ba tayong magkita bukas sa may Gillford? May work ka ba o wala?"Tanong ko naman. Hindi naman agad muna siya nakasagot pero mamaya-maya pa ay sumagot na ulit siya.

"Hmmm meron kaso pwede naman akong mag-half day"Sagot naman niya.

"Ahm sige mga after lunch na lang tayo magkita"Sabi ko naman.

"Okay sige, good night"

"Good night din"

Pagkatapos ko naman makausap si Bryce ay naligo na muna ako at tulala lang ako habang patuloy na umaagos ang tubig sa sa katawan ko.

Naiisip ko na lang kung bakit ko na lang nagawa na makipaghiwalay sa kanya.

'Gusto ko lang kasi na makapag-isip pero babalikan ko pa rin siya kapag hindi na ako naiinis sa kanya!'

d>>__<<b

Natauhan naman ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng C.R. ko.

"Veda Lia? Tapos ka na bang maligo?"Si ate.

"H-ha? Ah eh oo patapos na"Sagot ko naman pabalik.

Tinapos ko naman na yung pagligo ko at saka nagbihis at lumabas ng C.R.

"Kanina pa ako kumakatok sa pinto mo pero walang sumasagot kaya pumasok na lang ako"Sabi ni ate. Napayuko na lang ako.

"Pupunta nga pala ako bukas sa Gillford University at saka kasama
ko naman si Bryce"Agad na sabi ko na lang at saka naman na ako napaangat ng ulo at tumingin sa kanya.

"Ano naman ang gagawin mo sa Gillford?"Takang tanong ni ate.

"Ahm bibisita lang"Sagot ko naman. Napatango lang si ate.

"Sige, matulog ka na...teka isasama mo rin ba si Marcus?"Sagot at tanong naman na sabi ni ate pero napailing lang ako.

"Bakit naman hindi?"Takang tanong niya.

"Ah eh kasi..."Bigla naman ako nagdalawang-isip kung sasabihin ko ba na nakipaghiwalay na ako kay Marcus.

"Ano?"Tanong pa ni ate. Napabuntong na lang ako.

"W-wala na kami"Agad na sagot ko na ikinagulat niya.

"Ano!? Wala na kayo?! Bakit? Paano?"Gulat na sunodsunod niyang tanong.

"B-basta..."Sagot ko na lang at saka ko sabay na napaiwas ng tingin sa kanya.

"Nag-away ba kayo?"Tanong pa ulit ni ate pero napayuko lang ako.

"Veda Lia, hindi ka pwedeng makipaghiwalay basta-basta kay Marcus dahil nakatakda na kayong ikasal at baka sa susunod na linggo ay ikasal na kayo. Baka nakalimutan mo na ang meron sa inyo at nangyari sa inyo? Kakausapin ko si-------"Seryosong sabi ni ate. Napaangat naman ako ng ulo saka tumingin kay ate.

"Hayaan mo na siya"Agad ko naman na sabi. Bigla naman nagtaka yung mukha niya.

"Bakit naman ayaw mong kausapin ko si Marcus? Ayaw mo ba na magkaayos kayo?"Takang tanong naman ni ate pero napailing lang ako.

"I need space"Sagot ko naman.

"Anong space? Bakit kailangan mo pa ng space?"Tanong pa ulit ni ate.

Haists! Dami naman tanong eh!

"Gusto ko muna makapag-isa"Sagot ko naman saka sabay na napayuko. "Matutulog na ako"Dagdag kong sabi.

"Hays! Sige na nga matulog ka na"Sabi na lang ni ate at saka na siya lumabas ng kwarto ko.
Napaangat na lang ako ng ulo.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon