Chapter 134

39 4 0
                                    

Marcus Red's POV

Sinusukatan naman ako para sa susuotin sa mas nalalapit na kasal namin ni Aubrey. Pagkatapos naman akong sukatan ay napabuntong na lang ako at bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot.

Si Veda ang naiisip ko at wala ng iba. "Hijo, meron na akong tinahi na tuxedo dito at baka gusto mong ito na lang? Kasi kung magtatahi pa ako ng panibago baka matagalan at baka hindi matuloy agad ang kasal niyo"Rinig ko naman sabi ng nagsusukat sakin. Napaangat naman ako tingin at bigla na lang ako napaisip.

'Sana nga nagtahi na lang kayo ng panibago para kapag lalong tumatagal baka hindi na rin matuloy 'to'

Napatango na lang ako at kinuha naman niya yung box na nasa tabi niya lang at akmang bubuksan naman niya yun ng biglang pumasok si Aubrey at suot na niya yung wedding gown. Nasa kabilang kwarto lang kasi siya na sinusukatan.

Bigla naman napatingin sa kanya yung babaeng nagsusukat sakin."Ay nako hija bakit mo agad sinuot yan? Hindi ka ba naniniwala sa pamahiin na kapag sinuot mo ang wedding gown ay posibleng hindi matuloy ang kasal"Bilin na sabi ng babae at sa tingin ko nasa 40's na siya.

"Excuse me?! Hindi ako naniniwala sa mga ganyan pamahiin na sinasabi mo at baka naman naiinggit ka lang dahil siguro ikakasal ako"Mataray na sabi ni Aubrey at bigla naman siyang napatingin sakin kaya napayuko na lang ako.

Naiinis naman ako ng bigla niyang hawakan ang chin ko pero agad akong umiiwas at napansin ko na halatang nainis siya sa inasal ko.

"Pwede bang iwan mo muna kami at mag-uusap lang kami"Mataray na sabi pa ni Aubrey dun sa babae na napatango lang at saka na lumabas.

Inis naman tumingin sakin si Aubrey at bigla niya akong sinampal ng malakas dahilan kaya napapikit na lang ako.

"Alam mo dapat ka ngang magpasalamat sakin dahil kinausap ko si Daddy na ituloy ang kasal natin or else papatayin ko si Veda! At dahil pati si daddy ay natakot sakin at alam mo kung bakit napapayag ko siya? Dahil kaya ko rin silang patayin! At papatayin ko rin ang pamilya mo at mga kaibigan mo!"Nanlilisik mata niyang sabi at galit na galit siya.

Pinipigilan ko naman ang sarili kong saktan siya dahil kapag sinaktan ko siya baka gawin niya ang plano niya kay Veda at sa mga kaibigan at pamilya ko.

Titiisin ko na lang ang pananakit niya sakin at okay lang na ako na lang ang saktan niya kesa saktan niya ang babaeng mahal ko at baka hindi ko pa mapatawad ang sarili ko!

"Magiging maganda ang buhay mo kapag naging asawa na kita at magkakaroon tayo ng maraming anak diba mahal ko?"Biglang mahinahon niyang sabi at hinawakan niya ulit yung chin ko.

Tsk! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung may saltik sa ulo!

'Hindi gaganda ang buhay ko sayo dahil ngayon pa lang para na akong nasa impyerno! At hindi naman ikaw yung babaeng gusto ko maging asawa at bigyan ng anak dahil iisa lang naman ang babaeng aanakan ko ng marami! Si Veda at hindi ikaw!'

d>>__<<b

"Lahat ibibigay ko sayo dahil mahal ki--------"Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Gawin mo na lahat ng gusto mo dahil baka sa mismong pesteng kasal na yan baka hindi na matuloy yon!"Nakangisi kong sabi at nakita ko naman sa ekspresyon ng mukha niya na galit at naiinis siya.

"How dare y---------"Akmang sasampalin niya ulit ako ng bigla kong hawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Hinahayaan lang kitang saktan mo ako pero ayos lang sakin yon kesa saktan mo ang babaeng mahal ko at nasaktan ko ng dahil sayo! Baka hindi mo pa naintindihan ang sinabi niya sayo? Gangster ako at wala akong kinatatakutan kahit na baliw ka!"Nanlilisik sa inis at galit kong sabi sa kanya at saka ko binitawan ang kamay niya at saka humakbang lumabas ng kwarto kung saan ay doon ako sinusukatan.

Salubong ang mga kilay ko at matalim din ang tingin kong bumababa sa hagdan nila. Pinapunta kasi ako ni sir Fred kanina dahil nga susukatan na ako at sa totoo lang napilitan lang si sir Fred sa gusto ni Aubrey.

Alam na rin niya na baliw ang anak niya kaya sinasakyan na lang nila para hindi sila masaktan. Sinabi kasi sakin ni sir Fred kanina na binantaan siya ni Aubrey kapag hindi siya um-oo sa gusto ni Aubrey.

Pero sa ngayon kapag natapos na ang nakakainis na pagsubok na 'to sa amin ni Veda ay agad ko na siyang papakasalan at hinding hindi ko na rin siya papakawalan pa.

Bigla ko naman nakasalubong si sir Fred kaya napaderetso ang tingin ko."Marcus"Sambit niya sakin at nahalata ko naman na parang matamlay siya.

"S-Sir Fred?..."Sambit ko rin sa kanya at napansin ko naman na bigla siyang napabuntong at napayuko pero tumingin din siya sakin ng deretso at saka nagsalita.

"Hindi ko gustong mangyari 'to pero natatakot kasi ako na baka saktan kayo ni Aubrey at naiisip ko rin ang asawa ko lalo na kakaiyak niya lang kagabi ng malaman niyang may psycho si Aubrey. Pero wag kang mag-alala dahil gumawa rin ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal niyo ni Aubrey at alam kong yung babaeng nasa puso mo na siya ang papakasalan mo talaga at alam ko yun dahil nasabi na sa akin yun ng daddy mo"Mahabang sabi naman ni sir Fred.

"Mahal mo siya diba?"Biglang tanong ni sir Fred na ikinagulat ko."Mahal mo si Veda Lia tama ba?"Tanong niya pa ulit kaya napatango na lang ako.

"Opo"Sagot ko naman.

"Alam mo ba ang sabi nila kapag mahal mo talaga ang isang tao ay handa kang magsakripisyo at harapin ang lahat ng pagsubok. At kapag mahal mo ay dapat hindi ka sumuko sa laban at ipaglaban mo siya."Dagdag na sabi ni sir Fred dahilan biglang magising ang diwa ko.

"Hindi pa huli ang lahat Marcus dahil naniniwala ako sayo na makakaya mo ang lahat ng pagsubok para sa kanya"Patuloy na sabi ni sir Fred. Napahinga na lang ako ng malalim at saka tumingin sa mga mata niya ng deretso.

"Hindi ako susuko dahil alam ko kung hanggang saan ang kaya ko at ang kahinaan ko"Seryoso kong sabi dahilan bigla siyang ngumiti sakin at tinap yung balikat ko.

"Alam mo napakaswerte mo... dahil nahanap mo ang babaeng para sayo na makakasama mo habambuhay at ang maipapayo ko lang sayo ay sana mahalin mo lang siya at wag mong sasaktan dahil ang babae ay nirerespeto at minamahal at hindi pinapaiyak at lalong hindi sinasaktan. At siguro maswerte ako kung ikaw na lang ang naging anak ko dahil napakabuti at napakabait mong bata dahil alam mo yung tama at mali"Nakangiting sabi ni sir Fred kaya napangiti na lang rin ako.

"H-Hindi naman po ako ganito dati pero nagbago ako at may nagpabago sakin at alam niyo naman po kung sino"Sabi ko naman.

"Si Veda Lia"Sagot ni sir Fred kaya agad akong napatango.

"Naniniwala ako sa kabaitan ni Veda at naikwento nga sakin ng daddy mo rin na mahal na mahal niyo ang isa't isa kaya naniniwala talaga ako na may forever"Nakangiti pang sabi ni sir Fred kaya napangiti na lang ulit ako.

Tama si sir Fred dahil kay Veda naniniwala rin ako sa forever.

Nagpaalam na ako kay sir Fred at saka na ako umuwi ng bahay.


PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

d^__^b

Thanks a lot!!

d^^,v

Social media account:

Instagram: @Itschandriachristine

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon