Veda Lia's POV
"Sobrang saya ko anak dahil sa wakas ikakasal ka na"Mangiyak-ngiyak naman na sabi ni Mommy kaya natawa na lang ako. Bigla na lang naiyak si Mommy kaya agad kong pinunasan yung luha niya at saka ko siya niyakap.
"Thank you, Mom"Sabi ko naman at pati ako ay hindi ko na rin maiwasang maiyak.
Tumingin naman ako kay Mommy at pinunasan niya ang luha ko. "Alam mo ba anak nung pinagbubuntis kita noon sobrang excited ako at sobrang saya ko dahil magkakaroon ulit ako ng isa pang anak pagkatapos kong ilabas ang ate Vanessa mo. At nung lumabas ka na nga ay halos sobrang saya ko talaga at saka isa pa alam mo bang masarap sa pakiramdam na magkaroon ng anak at maging isang ina... Kaya mararanasan mo ang maging masaya kasama ang pamilya mo"Nakangiting sabi ni Mommy kaya napangiti na rin ako.
Naiimagine ko kapag naging Mommy na ako at may anak kami ni Marcus.
Naalala ko nga rin nung napag-usapan nila noon na gusto nilang magkaroon kami ng maraming anak ni Marcus haha.
Hindi pa ako nakasuot ng wedding gown pero mayamaya pa ay may pumasok na babae at sinabi niyang magbibihis na ako. Tapos na rin akong make-up'an kaya magbibihis na lang talaga ako.
"Ma'am magbihis na po kayo"Sabi naman nito kaya nilingon ko siya saka sabay na napatango at tumingin ulit kay Mommy na napatango na lang sa akin.
Nagbihis naman na ako at sobrang saya ko dahilan biglang may luhang tumulo sa mga mata ko.
TEARS OF JOY!
Pagkatapos ko naman magbihis ay napangiti na lang si mommy sakin at saka niyakap ulit ako. Bigla naman pumasok si Daddy at nakangiti siya sa amin ni Mommy ngayon.
Sumenyas naman si daddy na kumapit na ako sa braso niya kaya napatango na lang ako na may kasamang ngiti at kumapit naman si mom sa braso at saka na kami nagsimulang humakbang palabas ng kwarto kaso napatigil ako ng makita ko sa salamin ang itsura ko at ang gown na suot ko ngayon.
Napangiti na lang ako at naiimagine ko na talaga na maging isang Misis ng magigig asawa ko na ngayon mamaya.
Napabutong na lang ako at saka na kami nagsimula ulit humakbang at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
***
Nasa labas kami ngayon simbahan at nakakapit ako sa braso ni daddy at nakakapit din sa isa kong braso si Mommy.
Napatingin naman ako kay daddy na nakatingin na rin sakin at bigla na lang may luhang tumulo sa mata niya pero agad niya rin yun pinunasan.
"Mamaya hindi ka na sa bahay titira kundi sa bago niyong bahay ni Marcus"Nanginginig na sabi ni Daddy at parang naluluha na naman siya.
Ningitian ko na lang siya."Dadalaw pa rin naman po kami sainyo ni Mom eh, diba mommy?"Nakangiti kong sabi para gumaan na ang pakiramdam niya at saka ako tumingin kay Mommy.
"Oo nga, pero malulungkot kami dahil hindi ka na sa bahay natin titira"Sabi naman ni Mommy tapos bigla na lang lumungkot yung mukha niya.
Hinawakan ko naman sa kamay si Mommy dahilan kaya napatingin siya sakin."My, diba nga sabi ko dadalaw naman kami sa inyo ni Marcus kaya wag na kayong malungkot dahil magkakasama pa rin tayo"Pagpapagaan ko rin sa pakiramdam niya kaya ngumiti na lang siya ng tipid.
Nalulungkot din ako dahil mahihiwalay na ako sa kanila pero ganito na talaga ang magiging buhay ko dahil mamaya may asawa na ako.
Ilang saglit pa ay bumukas na yung pintuan ng simbahan at bigla naman nagsalita si Daddy kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<