Veda Lia's POV
"May bibilhin pa ako baka gusto mong sumama sakin?"Rinig kong tanong ni ate kaya agad naman akong natauhan.
"S-Sige..."Sagot ko na lang.
Nandito pa rin kami sa mall at hindi pa rin sila tapos magshopping habang si Shawn naman ay nakasalubong ko kanina at may bibilhin pa daw siya kaya napatango na lang ako sa sinabi niya hanggang nagkahiwalay ulit kami kaya hinanap ko na lang si ate hanggang sa siya naman yung nakita ko.
Sinamahan ko naman si ate na bumibili ngayon ng damit at hindi naman ako bibili dahil marami naman na akong damit at saka may bibilhin ako kaso nakalimutan ko naman.
d>>__<<b
Iginala ko na lang mata ko hanggang sa makita ko ulit yung babae na nakabunggo ko kanina at may kasama siyang lalaki na nakatalikod pero...
Parang kilala ko yung lalaki na nakatalikod na yon?!
"Veda, Pakihawakan nga lang muna itong bag ko"Nabigla naman ako ng tawagin ako ni ate.
"H-Ha?"
"Sabi ko hawakan mo lang yung bag ko"Ulit niyang sabi kaya napatango na lang ako at saka ko hinawakan yung bag niya. "May tumatawag kasi sakin eh, sandali lang ah..."Sabi ni ate at saka niya sinagot yung tawag sa phone niya.
Iniwas ko naman na tingin ko kay ate at napatingin naman ako sa babae kanina at sa kasama niyang lalaki pero nawala na silang pareho.
Hinanap ko ulit yung babae kanina at yung lalaki pero wala na talaga sila.
"Veda Lia? Sinong hinahanap mo?"Rinig kong tanong ni ate kaya napatingin ako sa kanya.
"H-Ha? W-Wala naman... teka sino pala yung tumawag sayo?"Sagot ko naman at saka sabay na nagtanong.
"Ah si Mommy tumawag pinapauwi na tayo dahil nagpatahi pala siya ng gown sa atin"Sagot ni ate. Bigla naman akong nagtaka.
Gown? Bakit naman nagpatahi ng gown si Mommy?
Akmang magsasalita ako ng biglang kinuha ni ate yung bag niya na hawak ko."Let's go"Seryosong sabi ni ate saka sabay na nauna ng naglakad.
Napabuntong na lang ako at saka sumunod na lang sa kanya. "Ate si Shawn?"Tanong ko, napatingin naman siya sakin konti.
"Nasa parking lot na siya. Kanina ko pa siya tinext na antayin na lang niya tayo sa parking"Sagot ni ate habang patuloy pa rin sa paglalakad. Hindi na ako nagtanong pa at lumakad na lang kami hanggang sa nakarating na kami ng parking lot.
Sumakay naman na kami sa kotse ni ate at saka na umalis. Napatingin naman ako kay ate habang nagda-drive.
"Bakit pa nagpatahi ng gown si Mommy? Para saan yun?"Takang tanong ko naman. Lumingon naman siya sakin konti.
"Susuotin daw natin sa birthday ng friend ni Mr. Manuel Vargas"Sagot naman ni ate atsaka napaiwas sakin ng tingin.
"Eh meron naman akong gown ah? At saka bakit gown ba ang magiging attire?"Takang tanong ko pa. Sumagot naman siya sakin pero hindi nakatingin sakin.
"Oo, gown daw ang attire sabi ni Mommy at saka yung sinasabi mo naman na gown mo ay luma na yun but gusto kasi ni Mommy na bago at saka alam mo naman yun ayaw niya ng mga gamit natin or kahit yung mga sinusuot natin ay mga luma"Sagot naman ni Ate.
Naalala ko nga noong bata pa lang kami gusto ni Mommy bago lahat mga gamit namin eh ako naman kasi kahit luma na ginagamit ko a rin kasi sayang naman kung itatapon.
Dapat kasi sa mga gamit na kahit luma na ingatan pa rin natin at wag natin basta-basta itatapon kung mahalaga pa sa atin.
Mayamaya pa ay nasa bahay na kami at agad naman nag-automatic yung parkingan namin na bumukas at saka na pinark ni ate yung kotse niya. Bumaba naman na kami at saka sinalubong naman kami ng maid namin at saka dinala yung mga pinamili namin.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<