Chapter 109

49 6 0
                                    

Aubrey's POV

Hi, I'm Aubrey Tan Montenegro at ang only child ni daddy at mommy.

Matagal ko ng kilala si Marcus pero hindi niya lang ako nakikilala dahil noong nasa Gillford ako nag-aaral ay lagi ko na silang nakikitang lima at halos lahat ng girls ay crush sila.

Crush ko na rin talaga noon si Marcus dahil sobrang gwapo niya at halos silang lima naman ay talagang mga gwapo pero si Marcus talaga ang bet ko sa kanila kaso nabalitaan ko naman na nasa Korea na siya nag-aral noon kaya nawalan na akong ganang mag-aral dahil wala naman na akong inspirasyon hanggang sa nabalitaan ko na bumalik na sila kaso hindi na ako nag-aral pa dahil wala na talaga ako gana mag-aral lalo na nabubully din ako noon.

At kaya ko lang naman nalaman na nakabalik na siya ay dahil naririnig ko sa mga tao dahil halos kilala sila sa Quezon City pero ang mas kilala talaga ng lahat ay ang daddy ni Veda Lia.

Oo, kilala ko rin si Veda dahil siya lang naman ang anak ni Soo at sila lang naman may-ari ng buong Quezon City!

At kilala ko rin si Gunner Bryce Aguas! Halos lahat sila ay kilala ko at saka kaya ko rin nalaman noon na matagal na palang kaibigan ng parents ko ang parents ni Marcus kaya agad kong sinabi sa parents ko na gusto kong magpakasal kay Marcus dahil ito na rin siguro ang chance ko at ito na rin siguro ang bigay ng tadhana para sakin.

Pero alam kong hindi naman niya ako gusto kahit noon napapayag ko siyang magpakasal kami dahil alam ko naman na si Veda Lia ang mahal niya at alam ko rin na girlfriend niya yon at alam ko rin na ex girlfriend niya si Addyson.

Tsk! Lahat nga kasi alam ko!

d-.-b

Naiinis nga ako dahil kahit na anong gawin ko si Veda pa rin ang nasa isip niya! Sabagay mahal niya pero hindi ako makakapayag na magkaroon sila ng happy ending dahil sisiguraduhin ko na kami ni Marcus ang may happy ending!

At ng dahil sa Veda na yan walang feelings sakin si Marcus at kahit anong gawin ko siya pa yung nagagalit at katulad na lang kagabi tinatanong ko siya kung saan siya nagpunta pero sinagot niya may binili lang daw siya pero wala naman akong makita na may binili siya kaya naghinala ako na baka nagkita na sila ni Veda.

At tinanong ko pa siya diba? Pero siya pa yung galit at dahil sa inis ko nasampal ko tuloy siya pero hindi ko naman sinasadya yon dahil mahal ko siya kaso naiinis kasi ako sa kanya.

Nasumbong ko tuloy siya kay Daddy at nagsinungaling ako na nagbanta siya sakin kahit ang totoo ako naman talaga ang nagbabanta sa kanya na papatayin ko si Veda, ang pamilya niya at ang mga kaibigan niya pero ang totoo si Veda lang talaga ang balak kong patayin at totohanin ko talaga yon kapag hindi niya pa nilimot si Veda.

At katulad din kanina ay nakailang katok na ako sa pinto pero ang tagal niyang buksan tapos tinanong ko lang kung bakit ang tagal niya at dahil sa inis nahampas ko siya pero nagalit din siya.

'Dapat na talagang mawala ang Veda na yan para kami na lang ang magsasama ni Marcus!'

At saka dapat magpasalamat pa siya sakin ng dahil sa lagi ko siyang nasusundan ay nailigtas ko ang buhay niya noong nasa panganib siya at nung pagbarilin siya nung lalaki pero agad din naman namatay yung lalaki dahil nabaril siya ni Veda.

At ako lang naman ang nagligtas kay Marcus nung nahulog siya sa dagat at marunong naman akong lumangoy kaya naligtas ko siya at halos limang taon siyang tumira sa amin at kinupkop na parang pamilya kaso parang balewala lang sa kanya ang tulong ko.

Bumaba naman na ako at saka ako tumabi kay Marcus pero hindi niya ako pinansin kaya agad akong nagsalita at inopen yung topic sa kasal namin.

At gusto ko na talaga mapadali ang kasal namin pero bago kami ikasal ay kailangan mawala na muna si Veda para masaya na talaga kami ni Marcus.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon