Chapter 131

43 4 0
                                    

Veda Lia's POV

Nakabalik naman na ako sa bahay pagkatapos akong ihatid ni Marcus kanina at pareho naman kaming walang imik habang nasa kotse kami kanina.

'Baka naman nainis siya sakin dahil ba sa pag-iinarte ko kanina!?'

Nasa library naman ako ngayon dito sa bahay namin at nagbabasa lang ako para mawala ang stress ko kaso mukhang lumala ata ang stress ko dahil hindi ako pinapansin ni Marcus kanina.

'Hays! Baka nainis nga siya sakin!'

d>>__<<b

Hindi na bale, bukas na bukas at pupuntahan ko siya sa bahay nila't hihingi na rin ako ng sorry.

Kasalanan ko rin naman at akala ko madali lang mag-cool off pero mahirap pala lalo na naging marupok na ako!

d-.-b

Nagulat naman ako ng biglang may malakas na kumatok sa pinto at agad-agad din itong bumukas at tumambad si Shawn na patakbong lumapit sakin.

"Ate!? Ate!?"Malakas na tawag niya sakin tapos napansin ko na parang sobrang saya niya ata.

Hmp!

"Ano?!"Inis ko naman na sabi pero masaya pa rin siya.

"Alam mo na ba?"Masaya niya pang tanong pero napailing lang ako.

"Hindi pa...ano ba yon?"Takang tanong ko naman. Sinara ko pa yung librong binabasa ko at deretsong nakatingin kay Shawn na halos mapunit na ang mukha sa sobrang ngiti at saya. "Ano nga kasi yung sasabihin mo?! Nanalo ka ba sa lotto? Edi kung ganun magbalato ka naman!"Ngisi kong sabi pero nagulat lang ako ng bigla siyang sumigaw.

"Oo, ate nanalo nga talaga ako sa lotto at naka-jackpot pa ako!"Masaya niyang sabi kaya bigla akong napatayo at biglang napasigaw din sa tuwa.

"Talaga?! Magkano yung jackpot? Kung ganun edi bigyan mo ak-------"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang napasigaw ng malakas na malakas at halos mabingi na ako lalo pa nung tumili siya.

"KAMI NA NI JEWEL!!! ATE!? KAMI NA! SINAGOT NA NIYA AKO! KYAAAAHHHHH!!!"Masayang masaya at nagtatalon pa niyang sabi sabay suntok sa ere dahilan bigla na lang ako napangiwi dahil ang O.A niya!

d>>__<<b

Pero dahil suportado akong ate ay napasigaw na lang din ako sa kilig.

"KYAAAAAHHHHHHHH!!! CONGRATS BRO! BINATA KA NA! At hindi ka na bakleng bwahahahahahaha!"Malakas ko naman na tili at tawa pero napa-smirk lang siya.

"Hindi ako bakla 'no! Tsk! Isusumbong kita kay kuya Marcus at sasabihin ko na dalhin ka na sa mental dahil baliw ka na!"Ngisi niyang sabi pero binelatan ko lang siya.

"Edi isumbong mo bleh! Hindi naman niya ako madadala sa mental ng hindi kami magkasama dahil parehas lang naman kaming baliw sa isa't isa! Tsk! Basta ako papakasalan ko siya!"Nang-aasar ko naman na sabi sa kanya pero napangisi lang ulit siya.

"Edi mas maganda! Pero ate gusto ko magkaroon ng pamangkin ah"Biglang lambing naman niyang sabi dahilan biglang mapasingkit yung mata ko.

Iniisip agad nito pamangkin eh wala pa nga akong alam sa pagiging nanay!

"Tsk! Wala pa sa isip ko yan! Teka kwento mo nga sakin kung paano ka sinagot ni Jewel dali!"Excited ko naman na sabi saka sabay na umupo at umupo naman din siya saka nagsimulang magkwento.

"Eh kasi nagpunta ako kila Jewel para sana yayain lang siyang lumabas pero hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla niyang sinabi sakin na kami na kyaaaahhhh!"Kwento ni Shawn at saka sabay na kinilig. Napangiwi na lang ako dahil ang bilis naman ata at naging sila na kaagad!

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon