Chapter 137

45 4 0
                                    

Marcus Red's POV

Kinakabahan naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin kay Veda. Nandito na kasi kami sa bahay nila at hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko dahilan para lagi akong mapansin ni Bryce at nagtatanong naman siya kung anong nangyayari sakin pero hindi ko naman siya sinasagot at ngumingiti lang ako sa kanya at hindi nagpapahalatang kinakabahan.

At kaya pumayag ako sa sinabi niyang magkausap na kami ni Veda ay dahil sa totoo lang hindi ko talaga matiis na wala si Veda at gusto kong lagi ko siyang nakikita at nakakasama at katulad na lang kagabi nagulat ako dahil nasa bahay pala siya namin at sobrang saya ko dahil naisipan pa niyang dalawin ako.

Mayamaya pa ay bumaba na si Veda sa may hagdan nila at naririnig ko naman na sinasabi ng maid nila na nandito kami ni Bryce at nung nakita naman na niya kami ay ngumiti lang siya ng tipid samin at nung tumingin naman siya sakin ay bigla naman sumeryoso yung mukha niya.

"Bakit naman kasama mo yan dito?"Mataray niyang tanong kay Bryce saka sabay turo sakin. Alam ko naman na nagtataray-tarayan lang siya ngayon.

"Gusto niyang mag-usap daw kayo"Agad na sagot naman ni Bryce at bigla naman siyang tumayo."May work pa ako kaya maiiwan ko na kayong dalawa"Rinig ko naman na paalam na sabi ni Bryce at saka siya tumingin sakin.

"Mag-usap na kayo"Pabulong na sabi niya saka sabay na umiwas at umalis.

Bigla naman ulit akong kinabahan nung umalis si Bryce at bigla naman nagsalita si Veda dahilan bigla akong mapatingin sa kanya at saka sabay na napalunok.

Naka-cross arms siya at nakataas yung isa niyang kilay."Totoo ba yung sinabi ni Bryce na gusto mo akong makausap?"Tanong niya na mataray pa rin kaya napalunok na lang ulit ako.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila patayo at hinihila pa rin niya ako hanggang sa labas.

Dinala niya pala ako sa may garden nila at seryoso siyang nakatingin sakin.

"Ngayon sabihin mo na ang gusto mong sabihin!"Seryoso at inis niyang sabi dahilan biglang mapakunot yung noo ko.

"Pwede bang wag mo akong sinusungit-sungitan diyan dahil baka mamaya kapag hindi ako makapagpigil..."Kunot noo kong sabi pero napataas lang yung kilay niya.

"Anong gagawin mo ha!?"Tanong niya na mataray pa rin. Bigla na lang ako napangisi.

"Edi hahalikan kita"Ngisi ko naman na sabi pero nakataas lang yung kilay niya.

"Kung mahahalikan mo!"Nanghahamon naman niyang sabi pero mas lalo lang ako ngumisi sa kanya at saka dahan-dahan lumapit dahilan bigla siyang mapaatras.

"Kilala mo naman ako diba? Ginagawa ko talagang halikan ang babaeng mahal ko"Nakangisi kong sabi at saka ko naman siya pinagmasdan mula sa napakaganda niyang mukha.

Dahan-dahan naman ako napatingin sa labi niya at napakagat labi na lang ako.

Naalala ko noong hinalikan ko siya at ang sarap balik-balikan ng malambot niyang labi.

"Baka pwedeng halikan na kita?"Nakangisi ko pa rin sabi at saka mas lalo pang lumapit sa kanya at mabuti na lang hindi na siya nakaatras dahil wala na siyang maatrasan.

'Gusto mo talagang halikan kita ah'

Dahan-dahan ko naman hinawakan yung cheeks niya habang nakatingin pa rin ako sa labi niya.

Napakagat labi ulit ako at saka ko na nilapit yung mukha ko sa mukha niya kaso bigla siyang napaiwas.

Hinawakan ko naman ang chin niya para tumingin siya sakin."Bakit may problema ba?"Nagtataka kong tanong pero napaiwas ulit siya sakin ng tingin.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon