Chapter 117

44 6 0
                                    

Marcus Red's POV

Pinagmamasdan ko naman ang buong mukha ni Veda habang mahimbing na natutulog.

Kanina ko pa napapansin na nalalaglag na yung mata niya at mukhang inaantok na talaga siya kaya hanggang sa hindi niya namalayan na nakakatulog na pala siya kaya naman nung napansin kong tulog na siya ay kinumutan ko na lang siya.

Siguro napagod siya kakatawa dahil halos tawa lang siya ng tawa kanina habang binibiro at inaasar ako.

d>>__<<b

Tumayo naman na ako sa kama niya at nagtungo naman ako sa C.R. para makapag-shower. Ako na rin ang tumapos sa pag-aayos niya ng gamit niya.

Nung natapos naman akong mag-shower ay nagbihis na ako at nakita ko naman na mahimbing pa rin ang tulog niya. Sa may pahabang sofa na lang ako natulog at gusto ko 'man siya tabihan kaso baka naman kapag nagising siya baka magulat pa siya na katabi ako.

d>>___<<b

"Marcus? Marcus?"

Naalimpungatan naman ako ng may tumatapik sa pisngi ko kaya naman agad akong napamulat ng mata kaso napapikit ulit ako ng masilawan ako sa maliwanag na ilaw na yon.

Mayamaya pa ay iminulat ko na ulit yung mata ko at bumungad ang napaka gandang mukha ni Veda sakin habang tinatapik pa rin niya yung pisngi ko.

'Hindi niya ata napansin na gising na ako'

"Goku?! Gumising ka nga diyan! May ipapatay lang ako sayo!"Halos manlaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi niya."Gising ka na pala eh! Patayin mo yon"Naiinis na sabi naman niya kaya napatayo ako agad.

"Sinong papatayin?"Gulat na tanong ko naman.

"Nasa C.R.! Magsho-shower sana ako kaso...Arghhhhhhh!"Naiinis naman na sabi niya tapos bigla na lang siya napasigaw kaya agad akong napatayo at nagtungo sa C.R.

"Sinong nangboboso sayo ha?! Papatayin ko ang h*yop na yon!"Galit na sigaw ko at todo hanap naman ako sa g*gong nangboboso sa kanya.

Pumasok naman siya sa C.R. at saka nagsalita."G*go! Anong nangboboso ang sinasabi mo diyan? May malaking gagamba kasi doon sa may bandang bathtub...Arghhhhh! Patayin mo yung gagamba!"

Napapikit na lang ako ng mata dahil akala ko may nangboboso na sa kanya eh gagamba lang pala meron dun sa C.R.!

d>>__<<b

Kinuha ko naman yung panglinis sa toilet at saka ko hinanap yun pesteng gagamba na yon!

Tsk! Takot din kaya ako sa gagamba noon pero dahil nung naging gangster ako wala na ako kinatatakutan pero may kinakatakutan din naman ako ngayon at yun ay yung baka mawala siya sa buhay ko.

d^__^b

Hinahanap ko ulit yung gagamba kaso hindi ko naman makita at hanggang sa sumigaw si Veda dahilan para bigla akong mauntog sa may pader.

d>>__<<b

"Ayun siya!"Malakas na sigaw ni Veda kaya naman napalingon ako sa likod ko at nakita kong gumagapang yung gagamba papuntang kisame kaya naman naka-focus akong pinaghahataw yung gagamba kaya nahulog yun mula sa pagkagapang niya kaso buhay pa kaya hinataw ko ulit.

'Hanggang diyan na lang ang buhay mo!'

Napalingon naman ako kay Veda ng mapatay ko yung gagamba."Oh patay na"Sabi ko naman saka sabay na mapahinga ng malalim kaso mukhang natatakot pa siya.

"Wala na yung gagamba"Sabi ko pa kaso nakatingin lang siya sa may likod ko kaya naman dahang-dahan akong napalingon at halos manlaki naman yung mata ko dahil mas malaki yung gagamba kesa kanina.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon