Veda Lia's POV
Naka-angkas ako sa may motor ni Bryce at okay naman siya kasi mahangin.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa isang hotel at saka na pinark ni Bryce yung motor niya kaya bumaba na ako at ganun din siya. Napatingala na lang ako sa may hotel at sobrang laki niya.
'Teka sa hotel pala yung gaganaping birthday at anniversary?'
Bigla ko naman narinig na nagsalita si Bryce na nasa tabi ko na pala."You're so beautiful and sexy"Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti siya ngayon pero napangiwi lang ako.
"T-thanks...si Mommy kasi ito yung pinasuot sakin hmp"Napapakamot sa ulo at reklamo kong sabi dahilan para matawa siya.
"Bagay nga sayo at mas lalo kang gumanda. Baka malay mo biglang dumating si Marcus dito at makita ka edi naglaway yun sayo haha"Puri at natawa niyang sabi pero napangiwi na lang ulit ako.
"Bakit naman siya darating dito eh hindi naman siya invited?"Kunot noo kong tanong pero natawa lang ulit siya.
"Tsk! Malay nga lang diba? Tara na nga!"Natatawang sabi niya at nauna na siyang naglakad.
Napapikit na lang ako dahil mukhang ang saya niya ngayon tapos samantalang ako hindi komportable sa suot ko.
feeling ko kasi lahat sila nakatingin na sakin kahit hindi pa ako nakakapasok sa loob.
d-.-b
Pumasok naman na ako sa loob ng hotel at nakita ko naman si Bryce na kumaliwa kaya sinundan ko siya at nakita ko pa rin siya hanggang sa pumasok siya sa may isang luxury grand ballroom.
May dalawang guard naman sa labas na nagbabantay at nagbubukas ng malaking pinto para sa mga bisita. "H-Hi?"Bati ko dun sa dalawang guard pero tinanguan lang ako.
d-.-b
Hindi ko na lang yun pinansin at binuksan na nila yung pinto kaya pumasok na lang ako. Halos mapanganga naman ako dahil sobrang lawak nung sa loob at marami din mga bisita.
May malalaking chandelier at may mga tumutugtog ng piano at may nagvi-violin din. Iginala ko naman yung mata ko at halos lahat sila ay mga naka-gown at tuxedo.
Feeling ko tuloy para akong naka-attend ng kasal sa engrande ng handaan dito. At halos lahat ay nabibilang sa mga mayayamang pamilya pero sa lahat ay kami ang pinakamayaman talaga.
Halos nagulat naman ako ng biglang may umakbay sakin."Hey babe!"Inis ko naman inalis yung kamay ni Eros sa balikat ko at saka tumingin sa kanya.
"Wag mo nga akong ma-babe babe diyan! Bakit ka nandito? Invited ka ba ha?!"Kunot noo kong tanong pero napangisi lang siya.
"Excuse me, Baka kasi friend din ng family namin ang may birthday ngayon? But you're so beautiful huh? Tsk!"Nakangising sabi niya pero inirapan ko lang siya.
Napaka chickboy talaga! At hindi pa rin siya nagbabago!
"Niyaya mo ba si Loisa dito?"Mataray na tanong ko sa kanya dahilan para mapakamot na lang siya sa batok niya.
"Oo, kaso nasa toilet hehe"Sagot naman niya. Bigla naman niya iniwas yung tingin niya sakin at nagulat naman ako ng bigla siyang napangiti mag-isa.
'Tsk! Parang baliw!'
"May foods na pala haha!"Natawang sabi niya tapos tumingin siya sakin."Diyan ka lang kasi may foods"Sabi niya saka sabay na kumaripas ng takbo.
Napapikit na lang ako dahil napaka PG niya!
d>>__<<b
Iginala ko na lang mata ko at hinanap ko na lang sila Mommy, Daddy, ate Vanessa, Shawn at Bryce at nung nakita ko naman na sila ay akmang lalapit ako sa kanila ng biglang naghiyawan at nagpalakpakan yung mga tao.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<