Bryce's POV
7pm na ngayon at kasalukuyan naman kaming nagdi-dinner sa may dining room nila Mommy at Daddy. Umuwi ako ngayon sa bahay namin dahil dito ako ngayon matutulog.
"Tumawag nga pala si Manuel kanina at pinapasabi na sumama ka daw sa kanila sa sunday dahil birthday daw ng friend niya at anniversary din daw ata. Pinapasama ka rin daw ni Mr. Jaime Vargas"Rinig kongg sabi ni daddy.
Napatigil naman ako sa pagkain at saka napatingin kay daddy."Sinong may birthday dad?"Takang tanong ko.
"Yung friend ni Manuel si Fred Montenegro ata ang name... I don't know..."Sagot naman ni dad.
Fred Montenegro?
Hindi na ako nagtanong pa at nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain at nung natapos naman na kaming kumain ay naligo lang ako at nagpaalam naman ako sa kanila na lalabas lang ako at may bibilhin lang saglit sa labas at babalik din naman kaagad ako dahil may work pa ako bukas.
Hiniram ko naman yung kotse ni dad dahil ayaw kong gamitin yung motor ko ngayon para tipid sa gasolina hehe.
d^__^b
Bumaba naman ako sa may kotse at saka pumasok sa may isang convenience store. Bumili kasi ako ngayon ng snacks ko para dadalhin ko sa condo ko bukas.
Pagkatapos ko naman bumili ng snacks ay akmang sasakay naman na ako sa may kotse ng biglang...
Nakita ko si Marcus!
Baka naman namamalikmata lang ako? Pero nakita ko talaga siya!
Diba patay na siya? Baka naman nagpaparamdam siya? Bigla naman ako nakaramdam ng takot dahil una sa lahat takot ako sa multo!
d>>__<<b
Paano pa ako naging gangster at pumapatay ng gago kung takot naman ako sa multo?
Bubuksan ko naman na sana yung pinto pero hindi ko mabuksan dahil nanginginig ako.
Pero ang ikinagulat ko ay biglang may lumapit na babae kay Marcus habang nakatayo lang siya at hindi niya pa ako nakikita.
Kinusot-kusot ko naman mata ko at baka guni-guni ko lang yun at baka pati yung babae multo din kaso totoo yung nakita ko at hindi naman sila multo.
T-Teka? Buhay si Marcus? Pero paano nangyari yun? Buhay ba talaga siya o baka naman kamukha niya lang?
Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa pareho na silang sumakay sa isang van at saka umalis.
Hindi naman ako makapaniwala sa nakita ko kaya naman agad kong kinuha yung phone ko na nasa bulsa ng shorts ko at saka ko tinawagan si Dylan.
"Hello Dylan?"
"Pwede ba tayong mag-usap ngayon? Pupunta ako diyan sa condo mo"
"Sige, bye!"
Pagkatapos ko naman makausap si Dylan ay agad na akong sumakay sa kotse at saka pinaharurot yon.
***
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Bryce?! Baka naman naka-shabu ka lang ah"Hindi makapaniwalang sabi ni Dylan.
Kinuwento ko kasi sa kanya na nakita ko si Marcus... yung kamukha ni Marcus at hindi ko alam kung si Marcus ba talaga yun kasi nung nahanap yung bangkay niya noon sunog yung bangkay pero sa pagkaalam ko hindi naman nasunog yung bangkay niya at pwede pang maging buto na lang siya.
"Tsk! G*go! Hindi ako nagsha-shabu 'no! Pero totoo yung sinasabi ko sayo na nakita ko si Marcus"
"Eh kung nakita mo nga si Marcus eh baka naman kamukha niya lang?"Takang tanong naman ni Dylan. Napasandal na lang ako sa upuan at saka ko naipikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<