Chapter 132

41 3 0
                                    

Marcus Red's POV

"Umalis ka na at hanggang dito na lang tayo...hindi kita mahal dahil ang totoo si Aubrey ang mahal ko"Nakatingin at seryoso kong sabi kay Veda.

Napansin ko naman na may luhang tumulo sa mga mata niya at tulalang nakatingin sakin.

"Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad  sa mga security guard!"Seryoso ko pa rin na sabi na may halong inis.

"M-Marcus? G-Gusto ko lang naman sanang humingi ng sorry sayo kung naging masungit ako at kung laging naiinis ako sayo pero...A-Alam mo naman na mahal na mahal kita kaya sana naman mag-usap tayo"Mangiyak-ngiyak niyang sabi at mayamaya pa ay deretso ng kumawala ang mga luha niya.

Seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya at pinipilit kong hindi maawa sa kanya lalo na kailangan kong magpanggap na hindi ko na siya mahal at naalala ko ang nangyaring pag-uusap ng parents ko at ng parents ni Aubrey kagabi tungkol sa kasal.

*Throwback*

Pagkatapos kong ihatid si Veda Lia sa bahay nila at kaya ko lang naman siya hindi iniimik kanina dahil nakakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan ko at pinipigilan ko naman ang sarili ko na baka may mangyari ulit sa amin.

d>>__<<b

Nung nakauwi naman ako sa bahay ay agad akong sinalubong nung maid namin at hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng magsalita na siya.

"S-Serr Marcus may bisita po pala kayo na nasa salas"Nakayukong sabi nito na ipinagtaka ko naman.

"Sino?"Taka kong tanong at saka sabay na napakunot noo.

"Hindi ko ho kilala eh"Nakayukong sagot nito kaya naman hindi ko na siya pinansin at agad naman akong pumasok sa loob ng bahay saka nagtungo sa salas kaso laking gulat ko kung sino yung bisita namin.

Si Aubrey at yung parents niya!

Napatayo naman si Daddy at saka lumapit sakin na nakangiti kaya bigla na lang akong kinabahan dahil baka mamaya napag-uusapan na pala nila yung kasal at never naman akong magpapakasal sa isang baliw!

Si Veda Lia lang ang babae ko sa buhay ko!

"Mabuti naman at nandito ka na...Dumalaw nga pala sila Fred at gusto ka daw makita ng unica hija nila na si Aubrey"Nakangiting sabi ni Daddy pero hindi naman ako ngumiti at tumingin lang ako kay sir Fred, sa Mommy ni Aubrey at pati sa kanya at saka ko ulit ibinalik ang tingin kay Daddy,

"Anong ginagawa nila dito?"Biglang kunot noo kong tanong.

"Edi dumadalaw...halika sa kusina na tayo mag-usap at yayain ko rin na dito na silang mag-dinner at matulog"Sabi ni Daddy na ikinagulat ko.

"Bakit dito mo pa sila papatulugin dad?"Gulat na bulong ko kay Daddy pero ngumiti lang ulit siya.

"Hayaan mo na at bisita naman natin sila"Nakangiting sagot ni daddy at inakbayan naman niya ako at naglakad naman kami papuntang kusina.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakasunod pala samin sila sir Fred. Umupo naman na kami at nagsisimulang kumain ng biglang na-topic ni Aubrey yung tungkol sa kasal na ikinagulat ko.

"Daddy yung kasal namin ni Marcus diba matutuloy na?"Masayang sabi ni Aubrey na ikinagulat ko at ganun din si Mommy, daddy at ate.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon