Chapter 128

44 5 0
                                    

Marcus Red's POV

Bigla na lang akong natulala dahil sa sinabi ni Veda at ang mas nakakagulat ay sila na pala ang nagma-may ari ng Stanford at Gillford University at StanGillford Hospital.

Pero bakit hindi sinabi sakin ni Daddy na hindi na pala sa amin ang Stanford at Gillford saka yung Hospital?!

Baka naman ayaw ipasabi ng mga Soo na sakanila na ang pagma-may ari nila?

"Marcus, I miss you so much"Natauhan naman ako ng maalala kong katabi ko nga pala si Aubrey at nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso pero agad ko din inalis yung kamay niya sa braso ko.

Napatingin naman ako sa kanya at saka hindi ko alam na nandito siya sa Gillford at bakit siya nandito?

Nung nakita ko kasi si Bryce at Veda na magkasama ngayon at si Veda rin naman ang pinaparinggan ko kanina ng bigla kong nakita si Aubrey kaya kunwaring tinawag ko siya.

At kaya lang naman ako nandito sa Gillford ay dahil para sunduin si Veda at hindi ko talaga siya matiis at gusto ko rin na magkaayos kami.

At kaya ko naman nalaman na nandito si Veda sa Gillford at kasama pala niya si Bryce ay dahil pumunta ako sa kanila kanina kaso nauna na pala siyang nakaalis.

*Throwback*

Kagabi pa lang nung umuwi ako sa bahay ay napansin ni Mommy, Daddy at Ate Gaia na basang-basa ako sa ulan.

"Marcus? Anong nangyari sayo bakit basang basa ka sa ulan? Saan ka ba galing?"Agad na tanong ni Daddy at nag-aalala din siya.

Hindi naman ako sumagot at bigla na lang nila napansin na humihikbi ako.

"Anong nangyari?"Tanog pa ni Daddy pero hindi pa rin ako sumasagot.

Nasa salas kami ngayon at napansin ko naman nung dumating ako sa bahay ay nanonood pala sila ng tv.

Napansin ko naman na tumayo si Mommy kaya napatingin ako sa kanya ng deretso."Bakit ka umiiyak?"Nag-aalalang tanong ni Mommy.

Sinubukan ko naman ibuka yung bibig ko kaso bigla ko naalala na wala na kami ni Veda at bigla na lang din ako napahagulgol sa iyak. Bigla naman napatayo si Daddy at Ate.

"Anong problema mo Marcus? Sabihin mo para malaman namin"Nag-aalalang sabi ni Ate kaya sa kanya naman ako napatingin.

"A-ate wala n-na kami..."Hagulgol na iyak kong sabi pero nagulat naman ako ng biglang tumawa si Ate Gaia.

"Alam mo para kang bata?! Baka naman kasi inaway mo tapos ngayon iiyak ka!"Natatawang sabi ni Ate. Bigla naman ako napatigil sa pag-iyak.

"Hindi ko naman siya inaway dahil siya nga yung nang-aaway"Reklamo ko naman na sabi. Bigla naman sumabat si Daddy kaya sa kanya ako napatingin.

"Anak, sa pag-ibig kailangan may sacrifice at patience. At kailangan kapag nagmahal ka ay dapat may pasensiya at saka napagdaanan mo naman na yan diba? Nung kayo pa ni Addyson noon? Kapag ang isa may mataas kailangan mo maging magpakumbaba at saka alam mo at natin naman ang mga babae ay hindi natin minsan maintindihan kaya nga kailangan ng pasensiya. At kung talagang mahal mo naman ay dapat hindi ka agad sumusuko at minsan ibaba din natin ang pride natin! Bakit hindi na lang natin idaan sa mabuting usapan o mahinahong usapan diba? Kung ano 'man ang problema niya dapat tinutulungan mo siya sa problema niya at kung yun... ay kung may problema siya, at syempre kailangan magtulungan din kayo. Alam mo kasi Marcus kapag pumasok ka talaga sa isang relasyon ay magulo... dahil nandiyan naman na talaga ang pag-aaway at bati pero mas mabuti na lang siguro kung magkausap na lang kayong dalawa at kung ano 'man ang nagawa mong mali o kasalanan sa kanya ay humingi ka na lang ng pasensiya at tawad"Mahabang sabi ni Daddy kaya naman parang natauhan ako sa sinabi niya.

Tama si Daddy! Kailangan ko ng patience at kung talagang mahal mo hindi mo susukuan.

Bigla na lang ako napayakap kay Daddy."Thank you, dad"Nakangiting sabi ko at napatango lang siya.

"Bukas na bukas po pupuntahan ko siya sa kanila at mag-uusap po kami"Nakangiti ko pang sabi at natawa na lang si Dad.

"Good..."Nakangiting abi na rin ni Dad.

Kinabukasan...

Madaling araw pa lang ay gising na ako at kanina pa ako nagpapalakad-lakad sa kwarto ko at nag-iisip ng sasabihin ko kay Veda.

Pero hays bahala na nga!

Mga bandang 7am ng maligo na ako at mamaya sigurong after lunch ko na lang siya puntahan sa bahay nila.

Time Passed!

Tanghali na ng umalis ako sa bahay hiniram ko naman yung kotse ni Dad at pumunta kila Veda. Pagkadating ko naman sa bahay nila ay bigla naman lumabas si Vanessa at nakabihis siya.

Nagulat naman siya ng makita ako."M-Marcus? A-Anong ginagawa mo dito!"Gulat na tanong niya. Hindi ko naman sinagot yung tanong niya.

"Nandiyan po ba si Veda Lia? Ahm gusto ko lag kasi siya makausap"Agad na tanong at sabi ko.

"W-wala siya dito"Sagot naman niya na ikinakunot noo ko.

"A-Anong wala? Wala siya sa bahay niyo?"Kunot noo kong tanong.

"Ah eh pupunta daw siya sa Gillford at kasama niya si Bryce, kakaalis lang din niya ng bahay ngayon"Sagot naman ni Vanessa."Teka? Akala ko ba wala na kayo?"Biglang takang tanong naman niya kaya napatingin ako sa kanya ng deretso.

"Sinong nagsabing wala na kami? Siya ba? Tsk! Bakit ka naniniwala sa kapatid mo eh mahal na mahal nga ako non"Ngisi ko naman na sagot.

"Whews! Bakit ikaw mahal ka rin ba niya?"Natatawang tanong naman ni Vanessa.

"Oo! Tinotopak lang yon kaya ako yung napagti-tripan niya"Natatawa ko naman na sabi.

"Tsk! Baka naman naglilihi kaya nagagalit sayo haha"Tawa naman na sabi ni Vanessa kaya bigla na lang ako natulala."Diyan ka na nga! Magkikita pa kami ni Charles at kung akala mong ikaw lang may babes syempre ako din 'no!"Natatawa pang sabi ni Vanessa at saka na siya umalis.

Napapikit na lang ako at saka sumakay sa kotse na hiniram ko ulit kay Daddy at saka na ako pumunta ng Gillford.

*End of Flashback*

"Pwede bang huwag mo akong hahawakan!"Inis na sigaw ko kay Aubrey at saka na ako naunang naglakad pero napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

"Baka nakakalimutan mong papatayin ko pa rin siya?!"Seryoso niyang sabi kaya agad akong napalingon sa kanya at saka hinawakan ko siya sa dalawa niyang balikat.

"Wag na wag mo siyang sasaktan! Dahil kapag sa oras lang na nalaman kong sinaktan mo siya ako mismo ang papatay sayo! Tandaan mo yan! Hindi mo ako kilala magalit Aubrey! At lalong hindi mo alam kung ano talaga ang pagkatao ko!"Nanlilisik mata kong sabi at kita ko naman sa mukha niya na parang hindi siya nasindak sa sinabi ko.

Inalis naman niya yung kamay ko sa balikat niya at bigla niya akong sinampal!

Akmang sisigawan ko naman siya sa galit ng biglang may nagsalita sa likod ko at galit na galit ang boses niya.

"G*go ka! Bakit mo siya sinampal ha?!"


PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

d^__^b

Thanks a lot!!

d^^,v

Social media account:

Instagram: @Itschandriachristine

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon