Chapter 139

46 5 0
                                    

Marcus Red's POV

Ito na ang pinakahihintay ng lahat ang kasal na hindi naman dapat mangyayari pero nangyari na.

Hindi ko naman hinihintay ang kasal na 'to dahil hindi naman si Aubrey ang gusto ko.

Kinakabahan din ako dahil bigla kong naisip na baka hindi tumutol si Veda at tuluyan na akong matali sa babaeng hindi ko gusto.

'Magiging impyerno lang ang buhay ko sa kanya!'

Pinagmamasdan ko naman ang sarili ko sa salamin at nandito kasi ako sa isang kwarto sa may hotel at saka bawal daw magkita ang groom at bride kaya nasa kabilang kwarto si Aubrey.

'Whews! Hindi ko nga alam yung mga ganyan kasabihan at pamahiin eh!'

d>>__<<b

Nakatingin pa rin ako sa salamin at naaawa na lang ako sa sarili ko lalo na naiimagine ko kung ano ang magiging buhay ko kapag naging asawa ko na si Aubrey.

'At ipinagdarasal ko na tumutol si Veda para hindi na matuloy ang kasalan na 'to!'

Mayamaya pa ay biglang may kumatok sa pinto at bumukas naman yon saka tumambad si daddy at agad kong napansin sa kanya na hindi siya masaya.

Kahit naman ako hindi naman din ako masaya eh!

Humarap naman ako kay daddy at bigla na lang siyang napayuko."Anak, umalis na tayo at doon mo na lang antayin si Aubrey"Malungkot na sabi ni Daddy kaya napatango na lang ako at bakas din sa mukha ko ang lungkot.

Sabay naman na kaming umalis ni daddy at saka sumakay ng kotse. Pupunta na kami sa isang Beach resorts kung saan doon gaganapin ang kasal.

Nakatingin lang ako sa may bintana at naiisip ko si Veda at hanggang ngayon pinagdadasal ko pa rin na sana pumunta siya at pigilan niya ang kasal.

Natauhan naman ako ng tapik-tapikin ni daddy yung balikat ko kaya napatingin ako sa kanya at hindi pa rin masaya ang mukha niya.

Kung pwede nga lang umuwi na lang ako ngayon at puntahan ko si Veda sa mansyon nila at kung pwede rin agad na makapag-proposal sa kanya kaso nandito na ako at wala na rin ako magagawa dahil huli na ang lahat.

"Naniniwala akong darating siya dahil ramdam ko na mahal ka niya kaya wag kang mawalan ng pagasa"Pagpapagaan loob na sabi ni daddy kaya ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.

Mayamaya pa ay nandito na rin kami sa isang beach resorts at mga kilalang mga kaibigan lang ang ininvite nila at nakita ko naman si Mommy na malungkot ang mukha niya at ganun din si ate Gaia at lolo Jaime.

Pumunta naman na ako sa harapan malapit sa may Pari at nakayuko lang ako. Napansin ko naman na lumapit sakin si Daddy at saka niya tinap yung balikat ko.

"Magiging okay din ang lahat at ang babaeng tinitibok ng puso mo ang siya ng makakasama mo habambuhay at hindi kayo dito ikakasal kundi sa simbahan at talagang may basbas ng Pari"Rinig kong sabi ni daddy at alam ko naman na pinapagaan niya lang talaga ang loob ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng tipid saka napaiwas at napayuko. Umalis naman na si daddy at tumabi naman na siya kay Mommy, Ate Gaia at lolo Jaime.

Pero sana nga ay yung babaeng tinitibok ng puso ko ay siya lang ang makakasama ko habambuhay.

Mayamaya pa ay naramdaman kong dumating na si Aubrey kaya tumingin lang ako saglit sa kanya at nakakapit siya sa braso ni sir Fred at nakakapit naman sa braso niya yung mom niya. May hawak naman siyang bulaklak at hindi ko naman masasabi na bagay sa kanya yung wedding gown.

At para hindi na lang ako masaktan iniimagine ko na lang na kami ang kinakasal ni Veda.

At napapangiti na lang ako ng makikita kong sobrang bagay talaga sa kanya yung suot niyang wedding gown habang may hawak siyang bulaklak at sobrang ganda niya rin na naglalakad ng dahan-dahan papalapit sakin at nakikita ko sa mga mata niya ang saya at ang ganda rin ng mga ngiti niya.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon