Veda Lia's POV
"Bibilhin ko yan para sayo"Natatawa ko naman na sabi at kitang kita ko sa mga mata niya ang saya at may namumuong luha pa sa mga mata niya.
"Talaga?"Hindi makapaniwalang sabi niya pero natatawa lang ako.
"Oo, bibilhan kita ng kotse"Sagot ko naman at pinipigilan ko naman ang matawa.
Pero sa totoo lang hindi ko naman talaga siya bibilhan ng kotse dahil una sa lahat wala naman akong malaking pera para bilhan siya ng Mercedes Benz. Hahaha!
Credit card nga lang ginamit ko pangbili ng bag at wallet haha!
At saka gusto ko lang kasi makita yung magiging reaksyon niya kapag kunwaring sinabi kong bibilhan ko siya ng bagong kotse haha.
"B-Bakit mo naman ako bibilhan? Diba mahal yun?"Takang tanong naman niya. Bigla naman ako natawa ng malakas dahilan para magtaka siya. "Bakit ka tumatawa diyan? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah?"Takang tanong niya at bigla na lang din siyang napakunot ng noo.
"Sabihin mo lang kung gusto mo ng kotse"Natatawa kong sabi. "Gusto mo ba o ayaw?"Tanong ko habang natatawa pa rin. Bigla naman siya napaisip.
"S-Syempre gusto kasi wala na akong sasakyan"Sagot naman niya.
"Gusto mo ba talaga?"Natatawa ko pa na tanong.
"Gusto ko"
"Edi bumili ka! Bwahahahahahahahaha!"Malakas na tawa ko at napansin ko naman na bigla siyang napasimangot at bigla rin siyang tumalikod saka humakbang kaya naman agad akong humabol sa kanya.
"Hoy Goku! Teka lang! Joke lang naman yun eh haha"Pigil ko naman sa kanya pero hindi niya ako nilingon at mukhang nagtatampo siya.
"Hoy! Sandali lang naman kasi oh! Joke nga lang diba?!"Sabi ko pa habang hinahabol ko pa rin siya sa paglalakad pero hindi talaga niya ako nililingon at pinapansin.
"Ano ba naman kasi Marcus eh! Nagjo-joke lang naman ako at saka gusto ko lang makita kung anong reaksyon mo eh bigla ka na lang din diyan nagtampo! Malay mo naman pagkauwi mo bukas may kotse ka na pala sa bahay niyo-------Hoy! Sandali lang!"Habol ko pa rin sa kanya pero hindi talaga niya ako pinapansin at binibilisan pa niya yung paglalakad niya kaya naman hinawakan ko na siya sa braso para tumigil na siya sa paglalakad.
At mabuti na lang tumigil nga siya sa paglalakad at sa wakas ay lumingon na rin siya sakin pero salubong yung kilay niya.
"Kaya ba sinama mo ako dito dahil lang gawin akong alalay mo ha?! Tapos kung magbibiro ka lang kala mo naman natatawa ako pwes hindi! Bahala ka sa buhay mo at kahit kailan hindi na ako pupunta sainyo!"Galit na sigaw niya sakin pero gusto ko ulit matawa kaso baka mas lalo siya magalit sakin.
"Kung sinama nga kita dito sa mall eh bakit ka pa sumama?! At saka wala naman akong pakealam kung hindi ka pumunta sa bahay namin dahil alam ko naman na hindi mo ako matitiis dahil marupok ka kaya tsk"Kunwaring inis ko naman na sabi dahilan para matulala na lang siya.
"Alam mo naman na ngayon lang ako naging masaya ng makasama kita dahil nung akala ko na patay ka na halos araw-araw akong umiiyak pero ngayon heto ka't buhay pala kaya masaya ako kaso galit ka"Kunwaring nagtatampo ko naman na sabi at kinuha ko naman sa kanya yung mga pinamili ko at saka ko na siya tinalikuran at iniwan.
Hays! Dapat pala hindi ko na lang siya biniro! Ayan tuloy nagtampo at nagalit pa sakin!
d>>__<<b
"Hey wait!"Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig kong humabol pala siya sakin. Dahan-dahan naman akong napalingon at yung mukha niya kanina na galit ay napalitan ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<