Chapter 119

45 5 0
                                    

Marcus Red's POV

"Mag-usap tayo"Seryoso kong sabi sa kanya. Nabigla naman ako ng bigla niyang inalis yung kamay niya sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"I don't need to talk to you!"Galit na sigaw niya sakin at saka na siya tumalikod at iniwan ako ngayon na bigla na lang natulala.

Anong nangyayari at bakit bigla na lang siya nagka-ganon?

Natauhan naman ako at bigla akong napaisip kung bakit nagalit na lang yun sakin bigla.

Ano ba kasi nagawa ko sa kanya at nagagalit na lang siya ng ganun sakin?

At dahil gusto ko malaman ang sagot mula sa kanya ay hinabol ko naman siya.

Nakita ko naman siya na nag-aabang ng taxi at bigla ko naman naalala na nasa condominium nga pala yung Ferrari niya na naka-park sa parkingan ng condominium.

"Veda Lia?"Tawag ko sa kanya pero hindi niya manlang ako nilingon at pinansin kaya napapikit na lang ako ng mata saka sabay na napabuntong hininga.

Iminulat ko naman na ang mata ko at saka ko siya nilapitan."Mag-usap nga tayo! Ano bang problema mo ha?"Inis na tanong ko naman sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

d>>__<<b

"Pwede bang sagutin mo ako! Huwag ka ngang umarte diyan dahil naiinis na ako sayo! Ano ba kasi problema mo ha!?"Inis na sigaw ko naman sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin at parang wala lang siya naririnig kaya naman inis kong hinawakan yung kamay braso niya dahilan para mapalingon siya sakin.

"Ano ba Marcus!? Nasasaktan ako!"Reklamong sabi naman niya pero hindi ko na pinansin yung reklamo niya na yon.

"Bakit ba hindi mo sinasagot tanong ko sayo ha!?"Inis na sigaw na tanong ko sa kanya. Bigla naman ako natulala ng biglang may luhang tumulo sa mata niya.

Parang biglang kumirot ang puso ko ng makitang umiiyak siya ng dahil sakin.

"G-Gusto mo ba malaman kung bakit bigla na lang a-ako nagkaganito?"Umiiyak na tanong niya. Hindi naman ako nakapagsalita agad at natulala pa rin ako. "S-Sino yung babae na kausap mo kagabi? Yung nakita ko kagabi at may naririnig ako na magpapakasal kayo? Siya ba yung pinalit mo sakin noon nung inakala kong patay ka na ha!? Alam mo mas mabuti pang hindi ka na lang nagpakita sakin dahil ngayon pa lang sinasaktan mo na itong puso ko! Akala ko kasi mahal mo ako pero hindi naman pala"Patuloy na sabi niya habang umiiyak pa rin.

Bigla ko naman naalala yung kagabi na muntikan na akong mahalikan ni Aubrey kaso agad ko siyang itinulak. Alam naman niya na si Veda lang ang mahal ko kaso mukhang sisirain niya pa ang relasyon namin dalawa ni Veda dahil lang sa kabaliwan niya!

"W-Wala naman kami naging relasyon ni Aubrey. A-Alam mo naman na mahal kita diba? A-At yung nakita mo naman kagabi bigla na lang niya ako tinawag 'non nung babalik sana ako sayo kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko"Paliwanag ko naman na sabi pero bigla lang siya napayuko.

Lumapit naman ako lalo sa kanya at hinawakan ko ang chin niya pero umiiwas siya kaya napahinga na lang ako ng malalim at saka nagsalita.

"S-Sorry na, okay?"Seryoso ko naman na sabi sa kanya pero inalis naman niya yung kamay ko sa chin niya.

"Puro ka na lang sorry eh nakakainis lang!"Sigaw naman niya sakin habang umiiyak pa rin siya at bigla naman siya umiwas sakin saka nagpara ng taxi at saka sumakay.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko at nag-para na lang ako ng ibang taxi at uuwi na lang ako sa bahay.

d>>__<<b

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon