Aubrey's POV
"Ahhhhhhhh!!! I KILL YOU MARCUS! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!"
Galit na galit akong sumisigaw sa kwarto ko at halos lahat ng mga gamit ko ay pinagtatapon at pinagbabato ko.
Naalala ko kasi ang sinabi sakin ni Marcus na hindi niya ako mahal! Samantalang um-oo na siya noon sa kasal pero dahil nagbago ang isip niya at pati si daddy sinabing hindi na matutuloy ang kasal!
Nakakainis sila at gusto ko na silang mawala! Galit na galit ako kay Marcus at hindi niya alam na nakikita ko sila na magkasama ng Veda Lia na yan!
Pwes! Uunahin kong papatayin si Veda!
"Papatayin kita Veda!"Galit na galit kong sigaw at saka binato ko ulit yung mga gamit ko.
Napaupo na lang ako at patuloy na humagulgol. Kinuha ko naman yung teddy bear ko na si Andy at saka ko yun pinagmasdan at kinausap.
"Alam mo ba na kapag wala na si Veda sa buhay ni Marcus ay kami na ang magsasama habang buhay! I love him but he never loves me because of her! Bitch! Papatayin kita Veda!"Sabi ko sa sarili ko sabay na tumawa.
"Aagawin ko ang dapat sa akin! Akin lang si Marcus at hindi sayo Veda!"Ngisi kong sabi.
Napatayo na lang ako habang yakap-yakap ko ang teddy bear ko na si Andy pero binaba ko siya sa kama at saka nakangising lumabas ng kwarto ko.
Kakausapin ko si daddy at aagawin ko si Marcus kay Veda! Kailangan matuloy ang kasal namin!
Bumaba naman ako at agad ko naman hinanap si daddy bigla kong nakasalubong yung maid namin.
"Nasaan si daddy?"Agad na tanong ko.
"Good afternoon po ma'am, kumain na po kayo-------"
"Nasaan si daddy?"Seryoso ko pang tanong.
"Ma'am gusto niyo po bang ipagluto-------"
"Ano ba ha?! Tinatanong ko kung nasaan si daddy! Kaya kung ayaw mong masaktan sagutin mo na lang ang tanong ko! Umalis ka nga sa harapan ko! B*tch!"Malakas na sigaw ko sa maid namin na nakakainis dahil kanina pa ako nagtatanong kung nasaan si daddy pero kung ano na lang ang sinasabi!
Napansin ko naman na natakot siya sakin bigla pero wala akong pakealam dahil dapat talaga akong katakutan! Lalo-lalo ka na Veda! Matakot ka sakin!
"S-sorry po ma---------"
"Alis nga diyan!"Inis na sigaw ko at saka ko siya tinulak at tuluyan na akong bumaba ng hagdan at hinanap ko pa rin si daddy.
Mayamaya pa ay may narinig akong pamilyar na boses at si daddy yun kaya agad ko siyang nilapitan at napansin ko naman na may kausap siya sa phone niya.
"Daddy?"Tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon sakin si daddy at binaba naman niya yung phone niya.
"Anak? M-may kailangan ka ba?"Takang tanong ni daddy pero ngumiti lang ako at saka lumapit sa kanya.
"May sasabihin ako sayo dad"Nakangisi kong sabi dahilan para magtaka ulit siya.
"A-ano yun?"Takang tanong ni daddy at saka ko naman nilapit ang mukha ko sa tenga niya at saka bumulong. Pagkatapos ko nan sabihin sa kanya yun ay tumingin ako kay daddy ay nakita ko ang reaksyon ng mukha niya.
Gulat na gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Pero mas magulat ka Veda Lia sa gagawin ko!
Marcus Red's POV
Nandito kami ngayon sa bahay ng lolo ni Veda na si Shin-Min. Nakaupo naman kami sa may salas at nag-uusap naman si Veda at Shin-Min.
Iginala ko naman yung mata ko at sa hindi inaasahan ay bigla kong nakita si Akuma!
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<