Veda Lia's POV
Nasa labas lang kami ni Bryce dito sa may parking lot ng Gillford at nagtataka pa siya kung bakit hindi pa kami umaalis pero hindi ko siya sinagot pero napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siya na ikinagulat ko.
"Yung babae na yon ba yung pinalit sayo ni Marcus? Tsk! Gusto mo bang upakan ko yun ha?! Mang-aagaw siya!"Rinig kong inis at galit na sabi ni Bryce.
Napapikit na lang ako dahil ang O.A. niya!
"Tch... Bakit mo naman uupakan yon eh babae yun!? Si Goku na lang upakan mo tutal malandi naman siya tsk"Inis ko naman na sabi.
Nakasandal kami sa kotse ni Bryce at nakatingin lang kami sa malayo pareho pero nagsalita ulit siya.
"Bakit ko naman uupakan yung Goku mo ha Riku? Eh paano kung magalit ka sakin dahil inupakan ko yung napaka-gwapong mukha ng boyfriend mo?"Natatawang tanong na sabi ni Bryce kaya nilingon ko siya.
"Wala akong pake sa kanila at lalong lalo na sa kanya!"Inis ko naman na sabi pero mukhang natatawa lang siya.
"Weh? Talaga lang ha? Baka mamaya niyan kayo na ulit haha may come back pa kayo"Tawa na sabi ni Bryce kaya inirapan ko na lang siya.
Bigla naman ako nakaramdam na parang maiihi kaya nagpaalam muna ako kay Bryce na mag-ccr lang ako.
Bumalik naman ulit ako sa loob ng bigla kong marinig na parang may sumisigaw na babae at kilala ko yung boses na yon kaya dali-dali akong naglakad papalapit dun sa sumisigaw na yon at halos manlaki naman yung mata ko ng makitang sinampal nung Aubrey si Marcus.
Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko kaya sinigawan ko yung babae na ikinagulat naman niya.
"G*go ka! Bakit mo siya sinampal ha?!"Malakas na sigaw ko sa bruhildang Aubrey na 'to at saka ko siya sinugod at saka pinagsasabunot dahilan para bigla akong awatin ni Marcus pero hindi naman ako nagpaawat sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo para saktan siya ha?! Ako lang may karapatan na sampalin ang gwapo niyang mukha at ako lang din may karapatan na sigawan siya!"Gigil na gigil kong sigaw sa impaktitang babae na 'to!
"Veda, tama na yan!"Awat ni Marcus pero hindi ko siya pinansin.
"Sino ka ba ha?! At bakit mo sinasabi na ikaw lang may karapatan sa kanya ha?!"Sigaw ni Aubrey.
"Bakit hindi mo ba alam kung ano ang karapatan ko sa kanya ha?! Asawa ko siya at kung hindi mo alam ay matagal na kaming kasal niyan! At isa pa wala kang karapatan na agawin ang ASAWA KO! Dahil akin lang siya! Akin lang!"Inis at galit na galit kong sigaw sa babae na 'to at bigla naman nagsipaglabasan yung mga esduyante.
"Veda!? sabi kong tama na kasi yan!"Rinig kong sigaw ni Marcus kaya binitawan ko naman si Aubrey at saka tumingin sa kanya.
"Alam mo dapat ngang magpasalamat ka pa sakin dahil pinagtatanggol pa kita dito sa kabit mo! Tsk! Dapat pala hinayaan ko na lang na mag-away kayo at saka oo nga pala wala nga pala akong pake sainyo! Magsama kayong dalawa! Manloloko!"Sigaw ko kay Marcus at saka ko siya tinalikuran at saka humakbang kaso naalala ko na mag-ccr pala ako pero sa bahay na lang ako mag-ccr.
Narinig ko naman na tinawag pa ako ni Marcus pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makabalik na ako kay Bryce at nagulat naman siya sa itsura ko dahil mukhang haggard daw pero hindi ko na siya pinansin at akmang sasakay na ako sa kotse niya ng biglang dumating si Marcus at hinawakan ako sa braso kaya inis akong napatingin sa kanya.
"Pwede bang mag-usap tayo!? Bakit mo sinugod si Aubrey ha?!"Sigaw na tanong niya sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Bakit siya lang ba may karapatan sumigaw ha?! Sino bang pumunta sa teritoryo ko ha?! Edi 'ba kayo!"Inis na sigaw ko sa kanya at bigla naman siyang natulala.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<