Chapter 120

46 4 0
                                    

Bryce's POV

Nandito naman ako sa bahay nila Marcus at ang sabi naman ng maid nila ay tulog daw si Marcus kaso pinagising ko siya sa maid nila at sinabing may importante lang akong sasabihin.

Nasa salas naman ako nila at parang wala naman atang tao sa kanila maliban sa maid nila at sa kanya.

Mayamaya pa ay bumaba na si Marcus at nakapikit pa yung isa niyang mata. Tumayo naman na ako at napangisi na lang siya ng makita ako.

"Gabi na ah? Bakit ka nandito?"Takang tanong naman niya habang humihikab pa. Bigla naman akong sumeryoso.

"Ikaw? Bakit ka pa nandito? Diba dapat na kila Veda ka ngayon dahil may dinner?"Nakangisi ko naman na tanong sa kanya.

Bigla naman siyang napahinga ng malalim kaya bigla akong nagtaka."Hindi na ako sumama dahil ayaw naman ako makita ni Veda"Biglang malungkot na sabi niya. Bigla naman ako nakaramdam ng awa sa kanya at tuluyan naman siyang bumaba sa hagdan at umupo sa may sofa.

Napaupo na lang din ako at seryosong nakatingin sa kanya."Paano mo naman nasabi na ayaw ka niyang makita? Hindi mo ba alam na mugto yung mata niya dahil siguro sa kakaiyak?"Seryosong sabi ko naman. Tumingin naman siya sakin saka sabay na napangisi.

"Hanggang ngayon ba umiiyak pa rin siya? Kasalanan naman din niya kung bakit siya umiiyak ngayon dahil inaaway niya ako at kasalanan ko rin naman dahil inaway ko rin siya kanina at hindi ko sinasadyang masigawan siya"Nakangising sabi ni Marcus. "Bakit ka nga ba nandito? Nandito ka ba para sabihin na umiiyak siya? Fine! Pupuntahan ko siya sa kanila------"Patuloy na sabi niya kaso bigla akong nagsalita.

"Wala siya sa bahay nila"Seryoso ko naman sabi. Bigla naman nag-alala yung mukha niya.

"N-nasaan siya?"Nag-aalalang tanong niya. Ako naman ngayon ang napangisi.

"Nasa bahay siya ng Lolo niya"Sagot ko naman. Napansin ko naman na bigla na lang siyang napahinga ng malalim.

"Gusto mo ba siyang puntahan? Kausapin? Sasamahan kita kung gusto mo"Seryoso ko naman na tanong at sabi sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"Ayaw nga niya akong makita-----"

"Pwede bang hayaan mo na lang kung ano man ang sabihin niya sayo dahil siguro na-badtrip lang yun sayo! Magbihis ka at sasamahan kita kila Shin-Min. Alam mo, kung talagang mahal mo, susuyuin mo! Hindi yung pareho lang kayong mataas ang pride! Dapat kung mataas man pride nung isa dapat ikaw naman magpakumbaba! Or kung kabaliktaran man dapat ganun din siya. Hays! Magbihis ka na at sasamahan kita------"Seryoso ko naman na sabi pero napatigil naman ako sa pagsasalita ng bigla siyang napailing.

"Ayaw ko-------"Napapikit na lang ako dahil sa inis kaso napamulat na lang ulit ako ng mata at saka tumayo at hinila siya patayo.

"Wag ka na ngang maarte diyan Goku! Pasalamat ka nga dahil tinutulungan pa kitang magkaayos kayong dalawa! Kapag ako nainis sayo, aagawin ko si Veda sayo!"Inis na sabi ko naman kaya bigla siyang napaayos ng tayo.

"W-Wag naman...sige na, magbibihis na ako. Hays!"Sabi na lang niya at umakyat na siya sa taas at mukhang magbibihis na nga siya.

'Tsk pabebe!'

Mayamaya pa ay bumaba na ulit siya at nakabihis na siya ngayon."Tara na"Aya ko na sa kanya at nauna naman na ako sa kanya.

Sumakay naman na ako sa motor ko at napansin ko naman na nakatayo pa siya kaya naman nainis akong tumingin sa kanya.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Sumakay ka na!"Inis ko naman na sabi sigaw sa kanya pero napakunot lang yung noo niya. Napapikit na lang ako dahil sa inis.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon