Veda Lia's POV
"Galit ka ba sakin?"Seryosong tanong ni Marcus. Hindi naman agad ako nakapag-react dahil parang bigla na lang nanuyo ang lalamunan ko.
"Galit ka?"Tanong niya pa ulit dahilan para mapalunok na lang ako. Hawak pa rin niya yung kamay ko kaya napayuko na lang ako at napatingin na lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
'Hindi naman ako galit sayo pero naiinis ako dahil masyadong mabilis ang pangyayari'
Dahan-dahan ko naman inangat ang ulo ko at saka tumingin sa kanya.
"H-hindi ako galit"Sa wakas ay nagawa ko rin na makapagsalita. Napaiwas na lang din agad ako sa kanya pero bigla siyang nagsalita na halos ikinagulat ko lalo na dahil sa sinabi niya.
"Magpakasal na tayo"Seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "Sasabihin ko kay Mommy at Daddy at lalong lalo na kay Lolo na magpakasal na tayo sa mas madaling panahon"Seryosong sabi ni Marcus.
Bigla na lang ako natulala dahil sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa kanya at bakit gusto niyang ikasal agad kami sa madaling panahon? Nahihibang na ba siya?!
"B-bakit masyadong maaga naman? masyadong mabilis yang desisyon mong magpakasal tayo? Alam mo naman na darating din tayo diyan pero sana naman isipin mo muna na--------"Hindi ko naman natapos ang aasabihin ko ng magsalita siya.
"Wala akong pakealam at gusto kong magpakasal na tayo!"Nagulat naman ako ng bigla niya akong pagtaasan ng boses."Akin ka! Kaya hindi mo pwedeng pigilan ang desisyon ko at ako na rin mismo ang magde-desisyon! Magpapakasal tayo at ayaw kong sa mas madaling panahon tayong ikasal dahil biglang nagbago ang isip ko na sa mismong susunod na linggo na tayo magpakasal"Seryosong sabi niya at hindi naman agad ako nakapagsalita.
"Mahal mo ako, Oo o hindi?"Biglang tanong niya. Napalunok na lang ulit ako.
"Hindi ko alam"Sagot ko at sabay na napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
Nakita ko naman ang mukha niya sa reflection ng bintana at tulala siya ngayon. Mayamaya pa ay napansin kong umiwas na siya at nagpatuloy na lang sa pagda-drive ng biglang nag-go na.
Sobrang tahimik lang namin dalawa at ilang saglit pa ay tumigil siya kaya napalingon ako sa kanya at halos manlaki naman ang mata ko dahil nandito na pala kami sa bahay.
Bigla akong kinabahan dahil baka mamaya bigla silang magtaka na magkasama kami ni Marcus. Samantalang kagabi pareho naman kaming wala sa dinner.
Nabigla naman ako ng nauna siyang bumaba kaya naman bumaba na rin ako at agad naman kaming sinalubong ng maid namin kaso nagulat ako ng mapansin ko na pinagpapawisan siya at parang hindi mapakali.
"Ma'am Lia?! Mabuti naman at dumating na kayo!"Parang natatakot na sabi niya.
"B-bakit? Anong nangyari? Bakit ganyan itsura mo?"Takang tanong ko sabay na napakunot noo.
"Ang Daddy mo galit na galit dahil nawawala ka pa daw simula kagabi!"Agad na sagot naman ng maid namin. Bigla naman ako napatingin kay Marcus at kita ko sa mata niya na bigla siyang nag-alala sakin.
Nabigla naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko."Ako na ang magpapaliwanag kay Soo"Seryoso niyang sabi at saka na niya ako hinila papasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok naman namin sa loob ay agad kong nakita si Daddy na nasa salas na nakaupo habang pinapakalma ni Mommy at Shawn.
'Nasaan si ate Vanessa?'
"Shawn!? Tawagan mo ang kapatid mo at pauuwiin mo na siya dito!"Malakas na sigaw ni Daddy kay Shawn dahilan para biglang makaramdam ng takot si Shawn at akmang tatayo na sana siya ng bigla siyang napatingin sa amin ni Marcus. Kitang kita ko sa mata ni Daddy na galit na galit nga siya.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<