Marcus Red's POV
"Cool off muna tayo"Rinig kong sabi ni Veda dahilan kaya bigla kong itinabi saglit yung kotse at saka tumingin sa kanya.
Anong sabi niya? Cool off!?
"W-What did you say? Cool off?"Napapakunot noo kong sabi. Napayuko naman siya bigla.
"Edi parang hiwalay na rin yon! Alam mo ba na hindi kita basta-basta kayang sukuan dahil alam mo naman siguro ang sagot diba?! You're so stupid! At sasabihin mong ako yung stupid ha?! Baka ikaw dahil hindi mo nararamdaman ang lahat ng effort ko sayo at ang lahat ng pag-iintindi ko sayo at hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka na lang nagkaka-ganyan dahil lang sa selos! At ikaw din naman gumagawa ng away natin dalawa then you blame me"Inis na sabi ko pero nakayuko pa rin siya.
"S-Sige sigawan mo na ako hangga't kailan mong gusto! Kasalanan ko naman talaga at ako na lang din ang sisihin mo!"Biglang sigaw niya at napaangat naman siya ng ulo at napansin ko na na umiiyak siya.
"Narinig mo naman siguro yung sinabi ng babae na yon diba?! Papatayin niya ako then wala akong pakealam kung patayin niya 'man ako! Bakit sa tingin mo ba mababayaran niya ang buhay ko!? Hindi! Dahil kulang pa ang ipang-babayad niya sa buhay ko!"Umiiyak na sigaw niya.
"Alam mo bang mahal ka ng babae na yon ha!? Pero ikaw mahal mo ba? Ano?! Sagutin mo!"Umiiyak pa rin na sabi niya dahilan kaya napalunok na lang ako.
'Hindi ko gusto si Aubrey at kahit kailangan hindi ko siya mamahalin dahil isa lang ang nasa puso ko at ikaw yun, Lia!'
"Hindi"Biglang sagot ko. Pinunasan naman niya yung luha niya at bigla na lang siya bumaba ng kotse kaya nagulat talaga ako at saka din ako bumaba para sundan siya na naglalakad na ngayon.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta at sigurado akong hindi siya uuwi sa bahay nila.
"Saan ka pupunta?"Kunot noo kong tanong pero hindi niya ako pinansin at deretso lang siyang naglalakad. Sumusunod naman ako sa kanya at nung naabutan ko naman na siya ay agad kong hinila yung kamay niya pero pinag-hahampas niya lang ako.
"Wag mo akong hahawakan! Iwanan mo na ako at gusto kong makapag-isa kaya hayaan mo na ako!"Sigaw niya sakin at patuloy pa rin niya akong hinahampas pero niyakap ko na lang siya.
"M-Mahal kita at hindi kita kayang pabayaan at iwan"Seryoso kong sabi sa kanya at tumingin naman ako sa kanya. "Mahal na mahal kita at hindi kita kayang tiisin na hindi pansinin o kausapin"Seryoso ko pang sabi pero pinaghahampas pa rin niya ako.
"Iwanan mo na ak-------"Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang hinalikan sa labi.
Nagpupumiglas naman siya pero hindi ko na siya pinansin pa at patuloy lang na magkadikit ang aming mga labi.
Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan at kasabay 'non ay ang tibok ng malakas kong puso.
Humiwalay naman na ako sa kanya at parehas kaming hingal pero sa hindi ko inaasahan ay bigla niya akong sinampal.
"I HATE YOU! I HATE YOU! IWANAN MO NA AKO! HINDI KITA KAILANGAN! MANHID KA BA HA?! AYAW KO SAYO! UMALIS KA NA..."Malakas niyang sigaw sakin at bigla na lang siya napaupong napatakip sa bibig niya at mas lalo siyang napahagulgol sa pag-iyak.
Napaupo na lang din ako at saka ko pa rin siya niyakap kahit na ayaw niyang yakapin ko siya.
"Ihahatid na kita---------"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Ayaw kong umuwi at gusto kong makapag-isa! Ikaw na lang ang umuwi!"Sigaw na naman niya sakin pero hindi ko na yun pinansin pa at mas lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<