Marcus Red's POV
Hindi ko naman namalayan na naka-idlip pala ako at nung idilat ko naman ang mata ko ay napatingin na lang ako kay Veda na nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Hinawi ko naman ang ilang buhok niya na tumatama sa mukha niya kaso bigla siyang gumalaw at nagising.
"Naka-idlip ka ba?"Agad na tanong ko. Ngumiti naman siya sakin saka sabay na napatango. Bigla naman siyang napahiga kaya humiga din ako at pinagmasdan siya.
Nakatingin naman siya sakin at hinawakan naman niya yung pisngi ko. "Ipangako mo sakin na hindi tayo magkakahiwalay na ulit ah"Seryoso naman niyang sabi dahilan para mapatango na lang ako saka sabay na ngumiti.
"I promise"Seryoso kong sagot. Yumakap naman siya sakin ng mahigpit at narinig kong nagsalita siya.
"Ayaw ko ng maulit yung nangyari noon na nawala ka sakin"Rinig kong sabi niya kaya napayakap na lang din ako sa kanya ng mahigpit.
"Hinding hindi na mangyayari yun dahil kahit saan ka magpunta lagi kong hawak ang kamay mo at lagi din kitang sasamahan kahit saan"Seryoso kong sabi pa rin at hinalikan ko siya sa ulo.
'I love her so much'
Mayamaya pa ay biglang may kumatok sa pinto kaya napabitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa at sabay na napatayo. Tumingin naman siya sakin.
"Maglu-lunch na ata tayo"Sabi naman niya. Napatango na lang ako at humawak naman siya sa kamay ko. "Tara, bumaba na tayo"Sabi naman niya at lumabas naman na kami sa kwarto at bumungad naman samin si Vanessa.
"Kakain na"Bungad na sabi sa amin ni Vanessa. Tumalikod naman na siya saka umalis na kaya naman sumunod na kami sa kanya hanggang sa makarating kami ng kusina.
Naupo naman na kami at pinagsandukan naman kami ng maid nila ng pagkain. Masarap din ang pagkain na nasa lamesa.
Nagsisimula naman na kaming kumain at naririnig ko naman na nagkukwento si Soo tungkol sa pagkabinata niya noon at kung paano niya rin niligawan ang Mom ni Veda.
"Nung high school pa lang ako ay mahilig na akong mang-bully at lagi akong nagu-guidance office haha! Pero nung naka-graduate na ako nung high school at nagtuntong naman ako ng college ay saka ko naman nakilala ang Mommy niyo na kaklase ko noon at dahil na-love at first sight ako sa kanya gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako at alam niyo ba kung ano ang ginawa ko para mapansin ng Mommy niyo?"Natatawang sabi ni Soo.
"Ano nga ba dad?"Natatawang tanong ni Vanessa.
"Edi pinagtripan ko siya hahaha"Sagot ni Soo saka sabay silang tumawa maliban sakin at kay Lia na mukhang naco-cornyhan sa sinasabi ng daddy niya.
Bigla ko naman naalala nung panahong nag-aaral pa ako at mahilig nga akong mangbully para hindi mahalatang gangster ako dahil baka kapag may nakaalam na gangster nga ako baka wala ng babae ang magkagusto sakin.
d>>__<<b
Pero dahil nung dumating si Veda Lia sa buhay ko parang lahat nagbago.
d^__^b
"Pero ibahin niyo tong Mommy niyo dahil imbes na magpa-apekto ay ginantihan ako at alam niyo ba kung ano ang ginawa niya sakin? Pinagsasapak ako pero kahit na ganun ay mahal ko pa rin siya at hanggang sa hindi na ako makatiis ay may nagbunga na sa pagmamahalan namin"Patuloy naman na kwento ni Soo at nagtawanan ulit sila.
Bigla ko naman naalala yung nangyari sa amin ni Veda kagabi.
d>>__<<b
Napatingin naman ako sandali kay Veda at nakakunot na yung noo niya.
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
Roman d'amourSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<