Chapter 115

51 6 0
                                    

Marcus Red's POV

Nakaakbay ako sa kanya habang yung ulo naman niya ay nakapatong sa may balikat ko.

Nandito kami ngayon sa may rooftop ng hotel at pinagmamasdan namin ang view na punong puno ng mga ilaw. Malamig at mahangin dito sa rooftop at sobrang sarap sa pakiramdam.

Napatingin naman ako kay Veda ng nakapatong pa rin yung ulo niya sa balikat ko. Napangiti na lang ako at hinalikan ko na lang siya sa noo. Napatingin naman siya sakin at inalis naman na niya yung ulo niya sa pagkakapatong sa balikat ko.

"Bumaba na tayo"Biglang aya niyang sabi.

"Bakit? Ayaw mo na ba dito?"Takang tanong ko. Napatango naman siya kaya hinawakan ko na yung kamay niya at umalis na kami doon sa may rooftop.

Bumaba naman na kami habang hawak ko pa rin ang kamay niya pero napapansin ko na mahigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi ko na lang yun pinansin hanggang sa makabalik na kami sa ballroom.

Nagulat naman ako ng bigla siyang napabitaw sa kamay ko at lumapit kay Soo. Akmang lalapit naman ako sa kanila ng biglang may humawak sa balikat ko at pagkalingon ko ay si Daddy pala kaya napangiti na lang ako.

"M-Marcus?"Maluha-luhang sambit ni Daddy saka sabay na niyakap ako ng mahigpit. Napayakap din ako sa kanya ng mahigpit at narinig ko na nagsalita siya.

"Hindi ako makapaniwala na buhay ka! Kaya ngayon uuwi na tayo"Masayang sabi ni Daddy. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya at saka binigyan siya ng matamis na ngiti.

"M-Masaya po ako na makakasama ko na ulit po kayo nila Mommy, Ate Gaia at Lolo"Masayang sabi ko naman. Mayamaya pa ay biglang sumulpot ang mga kaibigan ko at si Mommy, Lolo at Ate.

Sabay-sabay naman nila akong niyakap at ang sobrang O.A. ni Eros dahil naiyak pa siya.

d>>__<<b

Napatingin naman ako kay Veda na at ngumiti naman siya pero agad din napayuko. Napatingin naman ako sa kanila na masayang masaya pero napatingin ulit ako kay Veda na nakayuko pa rin ngayon kaya naman lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ko ang chin niya para tumingin siya sakin.

"Okay ka lang?"Takang tanong ko. Nakita ko naman na may namumuong luha sa mga mata niya kaya agad ko yun pinunasan at saka sabay na niyakap ko siya.

"Y-You promise me na hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa"Napapahagugol na sabi niya. Hinagod ko naman ang likod niya at mas lalong hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I promise"

Tumingin naman siya sakin at may luha pa sa kanyang mata kaya agad ko yon pinunasan.

Ayaw ko na makitang umiiyak ang isang babae at ayaw kong makitang umiiyak ang mahal ko.

"Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo na ako naman ang iiyak at magmamakaawa sayo? Iiyak ako dahil ayaw kong iwanan mo ako at magmamakaawa ako na wag na wag mo akong iiwan"Naiiyak na naman na sabi niya.

Pinunasan ko ulit ang mga luha niya sa mata at pati ako ay naiyak na rin.

d>>__<<b

Ang bakla ko naman!

"Wag ka na nga gumaya sakin na umiiyak diyan! Nagmumukha kang bakla!"Biglang natatawa niyang sabi kaya natawa na lang ako.

Umiwas naman na siya ng tingin sakin at lumapit naman siya kay Soo. Iginala ko na lang ang paningin ko ng biglang humawak sa balikat ko si Bryce.

"Ano masaya ka na?"Natatawang tanong ni Bryce kaya napakamot na lang ako sa batok ko.

"Ah eh oo"Nahihiya ko naman na sagot.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon