Veda Lia's POV
"Lia, kailangan mo pang mag-focus at kailangan kapag babarilin mo yun ay dapat nasa pinaka-center"Rinig ko naman na sabi ni Daddy at tinuturuan niya akong humawak ng baril at gumamit ng baril.
Seryoso naman akong nakatingin sa lata na yon at tinuturo ni daddy na kailangan tumama sa pinaka-gitna at sinabi niya rin kapag na-target ko yun ay parang nabaril ko na sa kalaban sa tapat ng puso at deretsong mamatay agad.
Todo kinig naman ako sa sinasabi ni daddy at kung minsan ay hindi ko matama ay nagtatyaga pa rin siyang turuan ako.
'Hindi pala madaling maging isang gangster!'
d>>__<<b
Ngayong araw lang kami nag-start ni daddy na turuan ako kung paano maging isang gangster at sinabi niyang madali akong matuto. Marami na rin siyang naturo sakin at yung pagsho-shooting na lang ngayon at tapos na rin ako sa lahat.
"Break time muna tayo!"Biglang sabi ni daddy. Inilapag ko lang muna sandali yung baril at saka naman ako sumunod kay daddy na naupo at saka uminom ng tea.
Nasa likod lang kami ng bahay at malapit lang din samin ang swimming pool namin. Malaki at malawak kasi dito at kahit ano pwede mong gawin.
Uminom naman ako ng juice at saka kumagat ng sandwich. Hapon naman na at hindi naman masyadong mainit.
"Anak, alam mo bang madali ka talagang matuto"Rinig kong sabi ni daddy kaya napatingin ako sa kanya.
"Nasabi niyo na po yan sakin"Sagot ko naman at saka ulit kumagat ng sandwich.
"Oo nga, pero bilib na bilib talaga ako sayo dahil halos lahat ng tinuro ko ay natutunan mo agad at talagang ginagawa mo ang lahat para lang kay Marcus"Rinig ko pang sabi ni daddy.
Oo, tama siya dahil lahat ng 'to ay ginagawa ko para kay Marcus.
"Babawiin ko lang naman kasi ang dapat ay sa akin"Seryoso ko naman na sabi.
"Talagang mahal mo siya 'no? At talagang ipaglalaban mo talaga siya kahit na hanggang kamatayan pa at kaya mo pang ibuwis ang buhay mo"
"Ganun ho talaga dad lalo na kapag mahal mo talaga..."Sagot ko naman at saka ko na tinapos ang pagkain ko ng sandwich.
Bumalik na ulit kami ni daddy sa pag-eensayo at talagang ginalingan ko para matapos na ako dito at gusto ko ng gilitan ng leeg yang Aubrey na yan na umaahas sa boyfriend ko!
***
Nasa bahay ako ngayon nila Marcus at wala siya. Kaya lang naman ako nandito sa bahay nila ay dahil gusto ko lang madalaw si Tito Manuel at tita Celine saka Lolo Jaime.
Gabi na rin at kakatapos ko lang din mag-dinner bago ako pumunta dito.
At kaya rin ako nandito dahil gusto ko rin siyang makita kaso wala siya at hindi ko naman maitanong kung nasaan si Marcus ngayon.
'Siguro naghahanda na para sa kasal nila nung Aubrey na yon!'
Napansin ko naman na wala si Gaia at siguro naka-duty siya ngayon sa hospital.
Nasa salas lang nila ako habang nakaupo at mayamaya pa ay dumating na si Tito Manuel at nagulat pa siya ng makita ako kaya napatayo naman ako at saka ko siya binati.
"Good evening po"Bati ko naman.
"Good evening, din sayo Veda...Anong ginagawa mo dito?"Bati niya rin at halatang gulat pa rin siya dahil nandito ako ngayon sa bahay nila.
"Gusto ko lang ho kayo kamustahin"Sagot ko naman at saka ko inilibot ang paningin ko pero agad din ako napatingin sa kanya.
"Si Marcus po pala nasaan?"Tanong ko naman pero napansin kong napalunok pa si Tito Manuel. "Naghahanda na ba para sa kasal nila ni Aubrey?"Tanong ko pa at dahilan para mas lalo siyang magulat.
"Don't worry tito dahil alam ko naman na hindi na ako mahal ng anak niyo pero dahil mahal ko siya kaya ipaglalaban ko siya kahit kamatayan pa"Nakangisi kong sabi at napalunok ulit siya.
"Aalis na ho pala ako at wag niyo na lang po sabihin sa kanya na bumisita ako dito...salamat sa oras niyo, dad"Ngisi ko pa rin na sabi at saka na ako nagsimulang humakbang kaso nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla siyang nagsalita.
"Hindi ko gusto ang Aubrey na yon sa anak ko at sa nalalapit nilang kasal sa linggo at gusto kong tumutol ka"Rinig kong sabi ni tito Manuel dahilan kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanya.
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yan at gusto niyang tumutol ako sa kasal ni Marcus at Aubrey.
"Tutol kami sa kasal nila ni Aubrey at ikaw ang gusto kong pakasalan ng anak ko dahil sayo ako may tiwala na hinding-hindi mo kayang saktan ang anak ko at ayaw kong matali siya sa babaeng hindi naman niya gusto at mahal..."Seryosong sabi ni tito Manuel.
"Nakikita ko kasi ang tunay na pagmamahal niya at hindi para kay Aubrey kundi para sayo, mahal na mahal ka niya at alam ko yun dahil kami at ako mismo ang nakakakita ng pagmamahal niya sayo"Patuloy na sabi ni tito Manuel dahilan bigla na lang ako matulala.
"Hindi ako naniniwalang hindi ka mahal ng anak ko dahil alam mo naman noon na mahal ka niya diba? Hindi ka niya pinakawalan at ayaw niyang may manligaw sayo na kahit na sino dahil gusto niya ay sa kanya ka lang. Hindi naman selfish ang anak ko pero inuulit ko na sobrang mahal ka niya kaya naman sana tumutol ka"Dagdag na sabi at pakiusap na sabi ni tito Manuel kaya napalunok na lang ako.
"Hindi mo ba nakikita o napapansin sa mata ni Marcus kapag nakita mong magkasama sila nung Aubrey na yun? Hindi siya masaya at nakikita ko sa kanya na masaya lang siya kapag kasama ka. Noon ko pang napapansin yun kay Marcus pero hindi niya alam yun dahil hindi ko naman nasasabi sa kanya. Mahal mo siya diba? At tama ka sa sinabi mong ipaglalaban ka niya at dahil pinaglaban ka rin naman niya"Sabi pa ni tito Manuel at hindi ko naman magawang makapagsalita at hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
Sinubukan ko naman ibuka ang mga bibig ko para magsalita kaso walang boses na lumalabas at naiinis ako dahil may gusto akong sabihin kaso hindi ko naman masabi.
"Dad?"Natauhan naman ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon.
Si Marcus!
Tumingin naman si tito sa likod ko at nakatalikod naman ako kay Marcus. "M-Marcus? Nandito ka na pala"Gulat na sabi ni tito at bigla siyang napatingin sakin.
Hindi ko naman na pinansin si tito at humarap naman ako kay Marcus dahilan biglang manlaki yung mga mata niya at halatang gulat ng makita ako.
Napatingin ako sa mata niya ng deretso at tama nga si tito dahil nakikita kong masaya siya ng makita ako pero may lungkot sa mga mata niya lalo na naiisip niya na ikakasal na siya kay Aubrey.
'Pero hindi ako papayag na matuloy ang kasal nila dahil ipapakita ko talaga ang tapang ko at hanggang sa dulo ay ipaglalaban ko siya!'
Iniwas ko naman na yung tingin ko sa kanya at saka na ako humakbang at umalis sa bahay nila.
Agad naman ako nagpara ng taxi at nung nakasakay naman na ako ay napabuntong na lang ako at saka napasandal.
Ngayon naniniwala na akong hindi talaga nagbabago ang pagmamahal niya sakin at gagawa talaga ako ng paraan para makuha ko siya at hindi ko hahayaang mapa-sakanya siya ng iba!
Ang akin ay sa akin! At wala dapat ni isa pwedeng umangkin o umagaw sa taong nasa akin na!
Ipaglalaban ko ang tama! Ipaglalaban ko siya!
–
PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!d^__^b
Thanks a lot!!
d^^,v
Social media account:
Instagram: @Itschandriachristine
BINABASA MO ANG
Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|
RomanceSeason 3 He is a gangster. I'm fell in love with him. I'm DATING THE GANGSTER. >>SOO<<