Chapter 118

42 4 0
                                    

Veda Lia's POV

I don't know but parang naiinis ako sa sarili ko dahil sinusungitan ko si Goku.

Pero joke ko lang naman yun eh! Gusto ko nga na nandito siya kaso mukhang na-badtrip siya sakin.

d>>__<<b

'Eh kung sundan ko kaya siya?'

Napahinga naman ako ng malalim at saka lumabas ng condo ko. Siguro naman hindi pa siya nakaka-uwi lalo na mahirap makasakay ngayon dahil gabi na.

Sumakay naman ako sa may elevator at nung bumukas na ito ay saka na ako lumabas at hinanap naman siya.

Sa una ay hindi ko pa siya nakikita pero nung nakilala ko yung damit na suot niya ay akmang lalapitan ko naman siya ng mapansin kong may kausap siya na babae.

'Teka? Parang kilala ko yung babae na yon!?'

Agad naman ako nagtago sa may naka-park na kotse at saka ko sila pinagmasdan. Malapit naman ako sa kanila at naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Marcus? please, come back to me"Rinig kong nagmamakaawa na sabi nung babae. Bigla naman napasingkit ang mata ko.

Bakit naman niya pinapabalik si Marcus sa kanya? Kaano-ano niya ba si Marcus?

"N-No"Rinig ko naman na sagot ni Marcus. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong hinawakan nung babae yung kamay ni Marcus at nagmamaawa na naman.

"Let her go and come back to me"Nagmamakaawa na pakiusap nung babae na 'to.

Nakikinig pa rin ako sa pag-uusap nila ng magulat naman akong biglang niyakap nung babae si Marcus.

"I-I love you so much"

"Alam mo naman diba na mahal na mahal kita? Kaya iwanan mo na si Veda Lia at sumama ka na sa akin. Magpapakasal tayo, right?"

"Sorry kung nasasaktan kita at napagbabantaan but alam mo naman na sobrang mahal na mahal kita"

Rinig kong sabi nung babae na yon kay Marcus. Bigla na lang may luhang tumulo sa mata ko ng makita ko rin na dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya kay Marcus at nung hahalikan na niya sana si Marcus ay bigla na akong tumalikod at patuloy na kumawala ang luha ko sa mga mata.

Patakbo naman akong bumalik sa may condo at nung nakarating naman agad ako ay mabilis naman akong nagpalit ng damit at pagkatapos non ay lumabas ulit ako at sumakay ng elevator.

Nung nakarating naman ako sa baba ay wala na doon si Marcus at yung babae. Hindi na lang ako nag-aksaya na hanapin pa si Marcus at yung babae ng agad akong pumara ng taxi.

Nakasakay naman na ako at patuloy pa rin ako sa paghagulgol. Sa ngayon kila Bryce muna ako pupunta at makikitulog.

Nung nakarating naman ako sa bahay nila ay agad na akong bumaba sa taxi.

Alam kong nakakaistorbo ako dahil lalo na gabi na ngayon pero kailangan ko kasi na may karamay ako ngayon.

Nag-door bell naman ako at ilang saglit lang ay may lumabas na isang babae at nakilala ko naman agad yon. Mom ni Bryce.

"Oh Veda Lia? What are you doing here? Gabi na ah"Agad na bungad sakin ng Mom ni Bryce.

"T-Tita, s-sorry po sa istorbo...nandiyan po ba si Bryce?"Tanong ko naman na sabi.
Agad naman siya napatango.

"Y-Yes, nandito siya. Teka? Umiiyak ka ba?"Takang tanong ng Mom ni Bryce.

"Ah eh hindi ho...napuwing lang hehe"Pagsisinungaling kong sabi. Napatango na lang siya at saka na niya binuksan yung gate nila at saka ako pinapasok.

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon