Chapter 133

42 4 0
                                    

Bryce's POV

Nasa bahay ako ngayon at hindi muna ako uuwi sa condo ko dahil masyadong boring kaya dito na lang ako sa bahay atlis kasama ko pa parents ko.

Nakahiga lang ako at nakatingin lang sa kisame at wala naman akong iniisip pero trip ko lang tumingin sa kisame dahil parang ganito yung sa mga love story na nakatingin yung guy sa kisame tapos naiisip niya yung crush niya at mamaya-maya lang ay biglang may tumawag sa phone niya at nagulat na lang siya ng biglang tumawag---------Spaeaking of tumatawag!

Agad naman akong napabangon ng bigla ngang may tumatawag sakin kaya kinuha ko yung phone ko na nasa side table ng kama ko at napakunot noo na lang ako ng tumatawag pala ay si Marcus.

Hindi naman ako nagdadalawang isip na sagutin siya at gusto ko rin sana siyang pagalitan dahil pinagpapalit niya si Veda sa isang babae!

At gusto ko sanang sabihin sa kanya na dapat noon pa lang hindi na lang niya minahal si Veda kung sasaktan din naman niya at sana ako na lang ang nagmahal kay Veda.

Sinagot ko naman yung tawag sakin ni Marcus at agad ko siyang sinermunan.

"Hoy Goku! Dapat noon pa lang sinabi mo na hindi mo mahal si Veda edi sana ako na lang--------"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Hoy ka rin! Pwede bang wag mo akong sigawan diyan Gunner!? Mamaya ka ng mang-away diyan pagkatapos kong sabihin sayo 'to!"Napapikit na lang ako dahil sa sabi niyang yon.

"Ano naman ang sasabihin mo!?"Kunot noo at inis kong tanong sa kanya. Narinig ko naman na napabuntong pa siya saka nagsalita.

"Magkita tayo sa ***** at may importante akong sasabihin sayo"Biglang seryoso niyang sabi at napalunok na lang ako.

'Siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo Marcus para manlang matuwa ako sayo!'

                                  ***

Napapatulala na lang ako sa nakikita ko at halos wala rin katao-tao. Bigla na lang akong kinabahan na baka may lumabas na maligno dito eh mukhang ghost town na 'to!

Sinabi kasi sakin ni Marcus nung tumawag siya kanina na magkita kami sa abandoned apartment at ang creepy nung lugar at bigla ko naman naalala na nakapunta na pala ako dati dito kaso hindi pa naman ganun nakakatakot noon pero ngayon feeling ko parang biglang lalabas si Pennywise or si Anabelle!

d>>__<<b

'Tsk! Ke lalaking tao takot!'

"Bryce?"

"P*TANG *NA!"Napamura ako sa sobrang gulat at pagkalingon ko naman sa likod ko ay si Marcus lang pala na naka-black hoodie.

Napahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko kung sino na yung tumawag sakin pero si Marcus lang pala.

d-.-b

"Ginulat mo naman ako eh!"Reklamo ko naman na sabi pero napakunot lang yung noo niya.

"Napaka-bakla mo naman! Mas magulat ka kung biglang may yumakap sayo diyan! May sasabihin ako sayo at dapat sumeryoso ka!"Kunot noo niyang sabi pero napataas lang yung kilay ko.

"Parang nagkabaliktad ata tayo ah? Ikaw na pala yung seryoso ngayon at ako naman ang parang walang pakealam"Nakataas kilay kong sabi saka sabay na ngumisi.

"Tsk! Dami mong sinasabi eh importante nga kasi yung sasabihin ko!"Biglang inis naman niyang sabi kaya sumeryoso na lang ako ng tingin sa kanya.

"Ano ba kasi yung importante mong sasabihin?"Seryoso kong tanong.

Lumapit naman siya sakin at saka bumulong. Bigla naman akong nagulat dahil sa sinabi niya.

Sa ngayon bigla na lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya at sa huling pagkakataon ay napatango na lang ako.

"S-Sige..."

Vanessa's POV

"Ate?"Nagulat naman ako ng bigla akong tawagin ni Veda. Nasa kusina kasi ako at gusto kong kumain kaya nagluto ako at saka ayaw kong iasa sa maid namin dahil may mga kamay naman ako at saka paa para kumilos.

Agad ko naman nilingon si Veda at halos magulat ako ng mapansin kong nagmumugto ang mata niya.

'Umiyak na naman ba siya?!'

"Oh anong nangyari sayo?"Gulat at taka kong tanong. Bigla na lang niya akong niyakap at saka humagulgol sa pag-iyak kaya hinagod ko na lang yung likod niya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Anong nangyari?"Takang tanong ko pero hindi pa rin siya maawat sa pag-iyak."Sshhh wag ka ng umiyak...kung ano 'man ang dahilan kaya ka umiiyak ngayon ay magiging okay ka rin at sana naman sabihin mo sakin ang reasons mo dahil makikinig ako"Pagpapagaan loob kong sabi sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sakin at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"S-Si Marcus kasi eh..."Hagulgol pa rin niyang sabi kaya biglang napakunot noo ko.

"Ano na naman ginawa niya sayo?"Takang tanong ko.

"H-Hindi na niya a-ako mahal huhuhuhu"Hagulgol pa rin na sabi niya kaya mas lalong napakunot noo ko.

"Sinabi niya ba yon sayo?"Kunot noo kong tanong at sabay naman na napatango siya.

"Oo ate at hindi na nga niya ako mahal dahil magpapakasal na sila ni Aubrey"Hagulgol na iyak niya dahilan bigla akong magtaka.

Aubrey?

"Sino yon?"

"Yung babaeng pinagpalit niya sakin! Huhuhuhu ang daya naman kasi niya dahil pinagpalit pa niya ako eh mahal na mahal ko siya tapos sasabihin niya sakin hindi niya pala ako mahal!"Mas malakas naman na hahulgol niya.

Napabuntong na lang ako at saka ko siya pinatahan baka kasi biglang dumating si Mommy at daddy at baka bigla rin sila magtaka kung bakit umiiyak si Veda.

"Wag ka ng umiyak baka makita ka pa ni Mommy at lalaong lalo na si Daddy! Baka mamaya kapag nalaman na hindi ka pala mahal ni Marcus baka bigla na lang sugurin ni daddy si Marcus"Pagpapatahan ko naman sa kanya. Napatigil naman rin siya sa pag-iyak.

"Ate, anong gagawin ko?"Bigla
naman taka niyang tanong.

"Anong ano gagawin ko?"Taka ko naman na tanong.

"Anong gagawin ko para bumalik sakin si Marcus? Ayaw ko siya mapunta sa iba at gusto ko sa akin lang siya huhuhuhu"Biglang iyak na naman niyang sabi kaya napapikit na lang ako.

"Edi agawin mo...teka nagkausap na ba kayo ni daddy?"Sabi at tanong ko naman sa kanya.

"Nagkausap na kami ni daddy kanina at nagpaturo ako kung paano maging isang gangster kaso mahirap pala pero itutuloy ko dahil gusto kong pumatay sa taong mang-aagaw!"Inis naman niyang sabi.

"Ah eh yun naman pala pero bakit ka pa umiyak diyan?"Kunot noo ko naman na tanong.

"Eh kasi nakakainis siya"Inis pa niyang sabi.

"Hays! Sige na, sabayan mo na lang akong kumain at mag-usap na lang tayo ng kahit na ano para hindi ka na ma-stress diyan!"Seryoso ko naman na sabi at saka naman na ako umupo at umupo na lang din siya at saka kumain.




PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

d^__^b

Thanks a lot!!

d^^,v

Social media account:

Instagram: @Itschandriachristine

Dating with a gangster Season 3 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon