CHAPTER 8

2.7K 65 3
                                        

Matao ang cafeteria nang dumating kami. Maingay din at kanya-kanyang hanap ng mesa ang ilan sa kanila. Pumila naman kami para makapagsimula ng kumain. Marami ang nakahain at hindi nagtagal nakita ko na rin ang mga menu.
 
 
 
After, we went to our table. In the midst of eating, my phone vibrated and I saw an incoming call from Ayen. Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tawag niya. Sinubukan ko siyang kausapin pero sa sobrang ingay, hindi ko siya maintindihan.
 
 
 
“Babalik ako,” Paalam ko sa mga kasama ko.
 
 
 
Lumabas ako ng cafeteria at doon ko kinausap ng maayos si Ayen.
 
 
 
[“Mabuti naman sinagot mo. Ang sama-sama mo, kinalimutan ko na yata ako!”]
 
 
 
“Gaga. Iniwan ko pagkain ko para sa’yo tapos sasabihin mong kinalimutan kita? Bakit ka tumawag?”
 
 
 
I walked going to the comfort room so I can talk to her privately. Mas lalayo pa kasi ako kung babalik pa ako ng quarter namin gayong malapit na rin naman dito ang CR.
 
 
 
[“Gusto sana kitang dalawin kaso hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko kaya hindi ko malaman kung may oras ka ba o wala.”]
 
 
 
“Nitext na kita ‘di ba? Tsaka bakit dadalaw ka? Hindi pa naman matagal na nawala ako, ‘di ba? OA ka na naman.”
 
 
 
[“Baliw. Gusto ko lang magpaalam.”]
 
 
 
Natahimik ako sa sinabi niya at biglang dinalaw ako ng kaba.
 
 
 
“B-Bakit ka m-magpapaalam?”
 
 
 
I heard her sighed.
 
 
[“Aalis kasi ako ng bansa at— teka nga, ba’t parang kinakabahan ka riyan? Ano’ng akala mo mamatay na ako?”]
 
 
 
I bit my lower lip and stared at myself in the mirror.
 
 
“Eh kasi naman, may paalam-paalam ka pang nalalaman diyan. Akala ko may sakit kang malala at nililihim mo lang sa’kin.”
 
 
 
[“Alam mo kung nandiyan ako, baka nabatukan kita. OA mong mag-isip babae. Pupunta akong Scottland at mukhang matatagalan ako. You know, I love travelling and I plan to visit every city in that country.”]
 
 
 
Napairap ako sa sinabi niya. Mayaman kasi ang babaeng ‘to at travel lang siya nang travel. Simula ng gumraduate siya as a nurse pumasok lang siya saglit sa isang hospital at matapos ng ilang taon niyang pagtatrabaho, umalis din siya. Sinabi niya lang sa’kin na wala raw siyang gana magtrabaho ngayon, ganyan kasarap ang buhay niyan.
 
 
 
“Ewan ko sa’yo. Hindi mo naman ako sinasama sa mga travels mo.”
 
 
 
[“Paano naman kita masasama kung palagi kang busy, bwisit ka.”]
 
 
 
“Tse! Palusot ka pa.”
 
 
 
Humaba pa ang usapan namin at pakiramdam ko nga natapos ng kumain ang mga kasamahan ko kaya nagmamadali akong lumabas ng banyo.
 
 
 
 
Naglalakad na ako sa hallway nang mapatigil dahil sa isang taong makakasalubong ko na natigilan din sa paglalakad. Pinasadahan na naman niya ako ng tingin.
 
 
 
Hindi ko nalang siya pinansin, lalagpasan ko na dapat siya nang may maalala.
 
 
 
“Nga pala, pwede ba akong tumanggap ng dalaw?” I’m asking him for the sake of Ayen. Wala na rin akong ibang mapagtanungan at ayaw ko namang kay Ms. Chavez magtanong. Ang sungit-sungit no’n.
 
 
 
“Bakit? Sino’ng dadalaw sa’yo?”
 
 
 
Kailangan pa bang itanong ‘yon?
 
 
 
“Presidente ng Pilipinas.”
 
 
 
Tinaasan niya ako ng kilay kaya gano’n din ang ginawa ko sa kanya. Akmang iiwan na niya ako nang matigilan siya dahil nagsalita ulit ako.
 
 
 
“Bakit mo ginawa ‘yon kay Ian?”
 
 
 
Magkatalikod kami, dahan-dahan akong humarap sa kanya pero likod pa rin niya ang nakikita ko.
 
 
 
“Hindi mo na kailangang malaman.”
 
 
 
“Kailangan kong malaman dahil pakiramdam ko may kinalaman ‘yon sa’kin. Did you perhaps saw what he did?”
 
 
 
He faced me and I saw his jaw moving. His other hand is on his pocket.
 
 
 
“Alam mo naman pala, bakit tinatanong mo pa?”
 
 
 
Ang hirap niyang kausapin, bwisit!
 
 
 
“Eh kasi nga gusto kong malaman ang totoo.”
 
 
 
“Ano’ng totoo?”
 
 
 
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ewan ko sa’yo!” tinalikuran ko siya saka nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.
 
 
 
Ngunit ang sumunod na pangyayari’y hindi ko labis na inasahan.
 
 
 
He grabbed my arm and using the same hand, he transferred it to grip my waist. My eyes widened immediately and I looked around in case someone might see us. So far, this is our closest contact since then.
 
 
 
“A-Anong g-ginagawa mo?”
 
 
 
His emotion remained as it is. “He touched you here.”
 
 
 
Bahagya akong napatalon ng pisilin niya ang baywang ko. Agad akong pinamulahan. I am with my vintage crop top and some parts of his hand is touching my skin.
 
 
 
I tried to free myself from him but he won’t let me.
 
 
 
“Ano ba! Bitawan mo nga ako!” marahas ang sabi ko ngunit mahina lang iyon dahil baka makatawag kami ng atensyon. Mabuti nalang walang dumadaan sa ngayon.
 
 
 
Sa halip na gawin niya ang sinabi ko, mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa’kin.
 
 
 
“Subukan mo.”
 
 
 
Tumigil ako sa paggalaw saka pinukulan siya ng masasamang tingin. Nanatili kami sa aming posisyon.
 
 
“Ano ba’ng kailangan mo?”
 
 
 
“Ibibigay mo?”
 
 
 
Hayan na naman siya sa sagot niya.
 
 
“Depende.”
 
 
 
“Sigurado akong hindi mo maibibigay… sa ngayon.”
 
 
 
Tinaasan ko ulit siya ng kilay habang nakakunot pa rin ang noo ko. “Kung ano man ‘yang tinutukoy mo, kahit kailan hindi ko talaga ‘yan maibibigay kaya pakawalan mo na ako.”
 
 
 
“Nah.”
 
 
 
Ang bilis-bilis niyang sumagot at ang bilis-bilis niya ring tanggihan ako.
 
 
 
“Stop wearing things like this.”
 
 
 
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ng buo ang kamay niya sa baywang ko at sa loob na mismo ng damit ko.
 
 
 
Mabilis kong inalis ang kamay niya at siya nama’y patawa-tawa. Marahas ko siyang tinulak at nagpapasalamat akong nagkalayo rin kami.
 
 
 
“Napakabastos mo!”
 
 
 
“Ayusin mo ang suot mo kung ayaw mong nababastos,” sabi niya
 
 
 
 
“Gago ka ba? Kahit anong bihis ko riyan kung may manyak akong katabi mamanyakin ako niyan! At isa kana ro’n.”
 
 
 
His forehead wrinkled. He took a step forward to me. “Then, sinasabi mong manyak ako?”
 
 
 
“Bakit? Hindi ba?”
 
 
 
Lumapit na naman siya at umatras ako.
 
 
 
“Depende.”
 
 
 
“Pwede ba? Huwag kang lumapit!”
 
 
 
“Captain, ano’ng nangyayari?”
 
 
 
Pareho kaming napatingin sa sundalong lumapit. Iyong lalaking sumulpot sa amin nung nagjo-jogging kami ay kapareho lang nang kaharap na naman namin ngayon. He’s always appearing during this kind of time.
 
 
 
“Nothing, I can handle this.”
 
 
 
Saglit pang tumingin sa’kin iyong lalaki bago muling sumaludo sa Captain niya.
 
 
 
“Yes, Captain. Just call if something is up,” dagdag pa nito
 
 
 
Pagak akong napatawa nang makaalis iyong lalaki. Mukha ba akong gagawa ng masama? At mukha rin bang kakayanin ko ang lalaking ‘to?
 
 
 
They are all unbelievable.
 
 
 
“Wear this. Pagsisisihan mo kapag hindi mo ‘yan sinuot.”
 
 
 
Binigay niya sa’kin ang itim na jacket na parte pa rin ng uniporme niya. Ngayon, naiwan na lamang siyang naka’T-shirt at kitang-kita ko tuloy ang hugis ng katawan niya.
 
 
 
Masculine.
 
 
 
“Hindi ako nilalamig,” saka ko siya nilagpasan at mabilis na naglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya. “Anong ginagawa mo?” tanong ko nang harapin ko ulit siya.
 
 
 
“Following you?”
 
 
 
“I’m going to the cafeteria so stop it.”
 
 
I started walking away again but what he said next, made me stop to my place.
 
 
“That’s why you have to take this before I let you wear this in front of everyone.”
 
 
 
I faced him again and took the jacket from him.
 
 
 
“Now wear it in front of me.”
 
 
 
“Ano?!”
 
 
 
“Hindi ko na uulitin.”
 
 
 
Tangina talaga ng lalaking ‘to. Mas nakakainis pa yata siya kaysa kay Ian at Dennis. Sinuot ko nalang para matapos na.
 
 
 
“Done, moron.” I continued walking as soon as I turned my back from him.
 
 
 
Dumating ulit ako sa cafeteria at agad na rin akong pumunta sa lamesa namin. Pinagtitinginan ako ng mga kasama ko at napataas pa sila ng kilay.
 
 
 
“Bakit naka-jacket ka na?”
 
 
 
I was expecting this question.
 
 
“Wala, nilamig lang.”
 
 
 
Napansin kong paubos na ang mga kinakain nila kaya nagsimula na rin akong lantakan ang pagkain ko. “Pwede ba tayong tumanggap ng dalaw?” I asked them.
 
 
 
Hydie shrugged her shoulders. “Ewan, bakit hindi ka magtanong kay Captain? Hindi rin namin alam.”
 
 
 
“Hindi niya naman ako sinagot.”
 
 
 
Napatigil ako sa pagkain ng mapagtanto ang aking kasagutan. Oh my ghad! I just indirectly told them that I talked to him.
 
 
 
“Nagkausap kayo?” tanong ni Lisel
 
 
 
Umangat ang tingin ko sa kanila. “N-Nakasalubong ko kasi siya k-kaya tinanong ko na.”
 
 
 
Ang mga tingin nila’y nagpapailang sa’kin mabuti nalang dumating si Dennis kaya doon na natuon ang atensyon nila.
 
 
 
“Hi, girls. Pwede ko bang mahiram si Keisha?” nakangiting sabi niya
 
 
 
“By the way, I’m Dennis.” He extended his arm and the girls accepted it.
 
 
 
Bumaling sa’kin si Dennis. “May kailangan tayong pag-usapan. Doon ka na kumain sa mesa ko, ako lang naman ang nakaupo roon.”
 
 
 
Hindi ko alam kung ano’ng gusto niyang pag-usapan. Saglit ko munang tiningnan ang mga kaibigan ko at tinanguan naman nila ako.
 
 
 
“Mauna na kayo sa kwarto kung sakaling matagalan pa ako.”
 
 
 
Umalis kami ni Dennis saka pumunta sa mesa niyang nasa gilid na parte na ng cafeteria. Pandalawahan lang talaga ang mesa at magkaharap kaming umupo.
 
 
 
“Ano ba ang dapat nating pag-usapan, Dennis?”
 
 
 
Bumuntong hininga siya saka tiningnan ako. “Nakita ko kayo.”
 
 
 
Dumagundong ang kaba sa puso ko. Ano’ng gusto niyang iparating?
 
 
 
“Diretsahin mo na ako, Dennis. Ayaw ko ng paligoy-ligoy kapag nagsasalita.”
 
 
 
For the second time, he sighed again and this time he took my hands and held it. Aalisin ko na sana pero tila nawalan ako ng lakas sa sinabi niya.
 
 
 
“Ginugulo ka ba ni Xodriga?”
 
 
 
Nakaramdam ako ng hiya kung sakaling nakita nga niya ang nangyari kanina. Aalisin ko na dapat ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang iyon.
 
 
 
“Bitawan mo ako, Aguilar.” He knew that me, calling his surname is a sign that I am annoyed.
 
 
 
“Why are you mad? Did I hit it right?”
 
 
 
“Hindi niya ako ginugulo at hindi ko hahayaang gawin niya ulit iyon sa buhay ko. I’m done with his bullshits and yours. Kung akala mong maayos na ang lahat dahil kinakausap na kita o siya, nagkakamali ka. Isa iyong pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan kailanman.”
 
 
 
He lossened his grip to my hands. And finally, my hands are freed.
 
 
 
Napayuko siya, kalaunan muli niya akong tiningnan. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo kaya gusto kong bumawi kahit ilang taon pa ang gugulin ko. Totoong gusto kita noon pero… pero may mga bagay na hindi ako ang dapat na magsabi sa'yo. Gusto kong bumalik tayo sa dati, matagal ko ng naging kaibigan si Xyth pero mas pinili kong tulungan kita.”
 
 
 
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niyang hindi ko naman makuha.
 
 
 
“Hindi ko alam kung napatawad mo na ba ako o hindi pero wala akong pakialam. Kung noon ikaw ang tinulungan ko, huwag kang mag-alala kasi ngayon, mas pipiliin pa rin kita kaysa sa pagkakaibigan namin ni Xodriga,” dagdag litanya niya.
 
 
 
“Ano ba’ng pinagsasabi mo?”
 
 
 
He liked his lips to calm his self. Ipinatong niyang muli ang mga kamay sa mesa. “I want to save you from him.”
 
 
 
Mahina akong napatawa. “Save me from him? Are you okay, Dennis? Bakit mo naman ako ililigtas sa kanya? Bakit—
 
 
 
“Don’t deny it!” tumaas ang boses niya kaya bahagya akong natigilan.
 
 
 
“Hindi ako tanga, Kesh. Simula nang dumating tayo rito alam ko kung paano ka niya masdan. Even his actions tell that he’s planning something again. ‘Yung nangyari kay Ian, nakita niya iyon at mararahas siyang humakbang patungo sa’tin. Pinilipit niya ang kamay ni Ian nang magtangka ulit itong hawakan ang baywang mo. I was supposed to do it but he came. And that jacket you’re wearing right now?”
 
 
 
He looked at my jacket.
 
 
 
“Hindi—
 
 
 
“Don’t fucking say that it’s not from him. That jacket has his nameplate and it says Captain. Kinukuha niya ulit ang loob mo at para ano?”
 
 
 
“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, Dennis. Gusto ko ng magpahinga.”
 
 
 
He sighed again. “I don’t think I can say it to you now.”
 
 
 
Tumayo na ako. “Kung gano’n, wala na pala tayong dapat pag-usapan pa.” Tinalikuran ko na siya saka nagtuloy-tuloy palabas. Ginamit ko ang isa pang pinto na malapit lang para lumabas.
 
 
 
Naglalakad na ulit ako sa hallway nang makaramdam na naman ako ng parang sumusunod sa’kin.
 
 
 
 
“I want to be your boyfriend.”
 
 
I stiffened from the ground.
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon