Kahapon lang kami dumating sa headquarters at malapit na ulit ngayon maggabi. Katatapos lamang namin sa isa na namang pagsasanay at masasabi kong paunti-unti na kaming nahahasa. Just few more trainings, I will be a soldier soon.
“Ano kaya ang menu sa canteen?” tanong ni Rachel.
Sabay-sabay kaming bumalik sa quarter namin kaya naman napupuno sila ngayon ng kulitan.
“Ewan—
“Hoy! Alam niyo ba nakita ko nung isang araw si Hydie—hmp!”
Hindi naituloy ni Lisel ang sasabihin niya nang takpan ni Hydie ang kaniyang bibig. Kahit kailan talaga ang kulit ng dalawang ‘to. Sila ang aso’t pusa sa kwarto namin kaya madalas na maingay.
“Manahimik ka sabi e! Mali nga ‘yung nakita mo!” asik naman ni Hydie.
Sumingit sa kanila si Rachel kaya nagkahiwalay ang dalawa.
“Ano ‘yon? Bakit? Share mo naman kasi Lisel!”
Lisel rolled her eyes. “Duhh! Paano ko sasabihin kung tinatakpan ng babaeng ‘yan ang bibig ko!”
“Tsk! ‘Yun lang ba ang problema?” tanong pa niya kaya naman kunot-noo siyang tiningnan ng mga kasama namin. Narito kami sa hallway malapit na sa aming kwarto kaya wala nang masyadong tao. “Tara na, hawakan natin si Hydie!” Rachel exclaimed.
Tatakbo na sana Hydie nang harangan siya ni Vanessa na nakisali na rin. Akmang susuntukin niya ito nang makailag si Vanessa. Kinuha ni Vanessa ang kamay niya saka sinipa siya sa likod. Napaunahan si Hydie at nang lumingon siya’y masama ang tingin niya kay Vanessa.
“Talaga lang ha? Naninipa ka na ngayon?”
“Yeah? Kung hindi ko ‘yun ginawa ako naman ang masusuntok mo. Like what?! Sa tingin mo papayag ako? Kakagaling ko lang sa derma no’ng isang araw kaya hindi ko hahayaang sirain mo ngayon ang pagmumukha ko,” litanya ni Vanessa dahilan upang mapanganga kami sa kaniya.
Nakuha niya pa talagang magpaderma?
“Argh! Ang arte mo talaga!”
Sinugod na naman siya ni Hydie kaya tumabi kami. Panay suntok, sipa, at ilag lang ang ginagawa nilang dalawa hanggang sa pareho na silang hinihingal na tumigil.
“Akala ko ba hahawakan natin siya? Why aren’t you helping me?!” inis na sabi ni Vanessa nang sandali siyang lumingon sa parte namin.
“Nagbago na ang isip ko. Ayaw ko muna pala ng sakit sa katawan kaya tapusin niyo nalang muna ‘yan.”
Lalagpasan na sana sila ni Rachel nang tumakbo naman si Vanessa kasabay ng mataas na sipa nito. Nanlaki ang mga mata ni Rachel ngunit mabilis din siyang umiwas.
“What the heck?! What is your problem?!”
“You, traitor!”
Vanessa continued to throw punches and Rachel are blocking them.
“Bakit ba?! P-Parang ‘yun lang!”
Mas lalo yatang uminit ang ulo ni Vanessa nang sabihin iyon ni Rachel. Hindi ko alam kung anong problema nila sa buhay at mabuti nalang din hindi na nakisali pa si Arcie at Lisel. Pareho silang dalawa magkatabi sa kabilang banda at kami naman dito ni Rachel, dapat, kaso hayun siya.
“Anong ‘yon lang? Can you see this?!” tinuro niya ang ilong na dumudugo.
Bumaba ang tingin ko para hindi nila makitang natatawa ako. Kasi naman, parehong magulo ang buhok nila ni Hydie at dumudugo rin ang ilong ng babaeng iyon.
“Argh!” I heard her groaned again.
“Ano ang nangyayari rito?”
Pare-pareho kaming naalarma saka napaayos ng tayo. Sumaludo kami sa taong nasa harap namin. May kasama pa siyang dalawang sundalo sa likod niya.
“Sir Enrico,” kinakabahang banggit ni Hydie.
“I saw Ms. Zacarias and Ms. Menoa fighting. Pwede niyo bang sabihin sa’kin kung ano ang problema o kailangan na ba natin itong ipaabot sa taas?”
Nakita ko kung paano nataranta ang tatlo kabilang na si Hydie dahil mahahalata rin sa hitsura niyang nakisali sa gulo.
“S-Sir, hindi na po kailangan. Nagbibiruan lang naman po kami,” maagap na paliwanag ni Rachel.
“Nagbibiruan.” Tumango-tango siya at hindi ko inaasahang magtatagpo ang aming mga mata ngunit mabilis kong iniwas ang paningin ko. “Maswerte kayo dahil hindi si Captain ang nakakita sa inyo. For now, palalagpasin ko ito. Maaari na kayong bumalik sa mga kwarto ninyo.”
“Thank you, Sir.” Rachel
“Salamat po, Sir.” Vanessa
“Hindi na po maullit, pangako. Sorry po ulit, Sir.” Hydie
Nagsimula na kaming maglakad paalis at binubulung-bulungan pa ni Lisel si Hydie. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang may tumawag sa pangalan ko.
“Ms. Berrenzana, maaari ko bang mahiram ng saglit ang oras mo?”
Akala ko ako lang ang lilingon pero sabay-sabay pa yata kami. Kinakabahan ako sa hindi ko mapuntong dahilan. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at kinindatan lang nila ako bago ako iniwan.
I walked again towards our First Lieutenant and he was also left alone by his soldiers.
“Busy ka ba mamaya? Gusto ko lang sana ayain kang kumain. If that’s okay with you.”
My lips slightly parted. I didn’t know he has a side like this. I mean, hindi ko alam na minsan pala’y wala rin siyang paligoy-ligoy kung magsalita. At naalala ko, wala naman akong gagawin mamaya. Baka may sasabihin din siyang mahalaga sa’kin kaya inaaya niya akong kumain. Iyon nga, may sasabihin lang siya.
“Sige po.”
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...