CHAPTER 37

2K 50 5
                                    

Halos mapanganga na si Keisha sa mga taong nasa harap niya ngayon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaking sumampal sa kaniya noon. Bali ang isang kamay nito ay may mga pasa rin sa mukha pati na ang ibang kasama. Napatingala siya sa lalaking nasa kaniyang tabi lamang nakapamulsa habang madilim ang tingin sa mga kalalakihan.
 
 
 
 
“Remember her?” Kinakabahang tumango ang mga lalaki kay Xyth. “She’s the woman whom you almost ruined. Your fate tonight will be on her hands. Whatever she wants, I have to follow it.”
 
 
 
 
Humigpit ang hawak ni Keisha sa braso ni Xyth kaya napalingon sa kaniya ang binata. Xyth held her waist and draw her nearer to him.
 
 
 
 
“Patawad, Keisha! Hindi namin sinasadya!”
 
 
 
Umiigting ang panga na lumingon si Xyth sa mga kalalakihan.
 
 
 
“Bullshit. Sino’ng niloloko ninyo?” Xyth mumbled. He grabbed the man. Keisha stopped him from hitting the man.
 
 
 
“I-It’s okay. I will talk to t-them.”
 
 
 
 
Pabalang na ibinaba muli ni Xyth ang lalaking tumatayong pinuno ng grupo.
 
 
 
 
“Sabihin niyo sa’kin kung bakit ginawa niyo ‘yon,” panimula ni Keisha.
 
 
 
 
Unti-unti naman umangat ang tingin ng mga lalaki sa kaniya.
 
 
 
 
“Patawarin mo kami. Nang mga panahong iyon hindi matino ang pag-iisip naming,” saad ng isang kasamahan nito.
 
 
 
 
“A-Alam mo namang hindi kami magkasundo noon nina Xodriga dahil palagi niyang binabangga ang grupo namin. Hindi kami makaganti sa kaniya kaya nang mabalitaan namin ang pag-alis niya, ginawa namin iyong pagkakataon para ibalik sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa’min.”
 
 
 
 
“W-Wala naman kaming balak na gaha—
 
 
 
“Stop! Liers! Hindi ako maniniwala sa inyo. Alam niyo ba ang ginawa niyo sa’kin?! You almost destroyed everything! Do you know what I was thinking that time? I’d rather die than live with your stains.”
 
 
 
 
Umamba ang mga luha sa mata ni Keisha at hindi nagtagal nagsihulugan nga iyon. Kumuyom ang mga kamay niya. Gusto niyang manampal ngunit pinipigilan lamang niya ang kaniyang sarili dahil na rin sa mga kalagayan nitong bugbog na.
 
 

 
“Patawad. Handa kaming magbayad sa mga kasalanan namin huwag niyo lang kaming papatayin. Kahit ano—
 
 
 
 
“Hindi ako katulad ninyong mamamatay tao. Hindi ko kayang manira ng ibang buhay,” mahinahon niyang sabi. Tila nabuhayan ng loob ang mga kalalakihan.  “Pero kailangan ninyong magbayad sa mga kasalanan ninyo,” pagpapatuloy ni Keisha.
 
 
 
 
“Kahit ano tatanggapin namin!”
 
 
 
 
Lumingon si Keisha sa katabing si Xyth. Nangungusap ang mga mata nito sa kaniya. How can she not fall in love with this guy? He is almost perfect for her.
 
 
 
 
“You want to go now?” Xyth gently asked.
 
 
 
 
“I don’t think kaya pang mabuksan ng pulisya ang kaso dahil maraming taon na rin ang nakalipas and it was an attempted rape. Hindi naituloy ang masamang balak sa kaniya kaya kung magkakaroon man ng diskusyon sa pulisya, baka sabihin lang nilang wala na ring iyong silbi dahil una palang dapat nasabi na sa kanila,” Yuan interrupted.
 
 
 

“Sinasabi mo bang mahihirapan na tayong ipakulong ang mga ‘yan?” tanong naman ni Alexus.
 
 
 
 
Tumango si Yuan. “Gano’n na nga.”
 
 
 
 
“It’s not just an attempted rape. It was sexual harassment and assault. Mabibigat ang mga kasong iyon at hindi ako papayag na hindi sila babagsak sa kulungan. Dahil kung mangyari iyon, ako mismo ang tatapos sa kanila.”
 
 
 
 
“Xyth.” Keisha
 
 
 
 
Tumango lang ang dalawang lalaki.
 
 
 
 
“I want them in jail,” Keisha added.
 
 
 
 
Tumaas ang isang kilay ni Xyth. “’Yun lang?”
 
 
 
 
“Y-Yes. Iyon lang.”
 
 
 
 
The man sighed and wiped the remaining tears on her face.
 
 
 
 
“Alright. Wait outside.”
 
 
 
 
“W-What? Why? Ano’ng gagawin mo?”
 
 
 
 
“Kakausapin ko lang sila.” Saka lumingon si Xyth sa dalawang kaibigan.
 
 
 
 
“Can you escort her out?” he directed to Alexus.
 
 
 
 
“Sure.”
 
 
 
 
Xyth stared on her again. “Sa loob ka lang ng kotse.” Then he kissed her forehead.
 
 
 
 
Walang imik na umalis si Keisha. Ayaw pa sana niyang lisanin ang loob ng maliit na barko ngunit wala naman siyang magagawa. Napadpad siya sa pier kung saan marami ang maliliit na bangka sa gilid, de motor at hindi. Dumako ang tingin niya sa tatlong kotse na nakaparada hindi kalayuan sa kaniyang direksyon.
 
 
 
 
Naroon ang kanilang sasakyan at habang papalapit, natatanaw naman niya ang isang bultong nakatalikod mula sa kaniya. Kausap nito si Alexus. Hindi naman nila kasama kanina ang lalaki at medyo malaki rin ang katawan nito kaya hindi niya makilala agad. Matangkad din ito sa kaniya at kitang-kita rin ang kakasigan ng lalaki lalo na sa malinis na gupit nito.
 
 
 
 
“Alexus,” tawag niya.
 
 
 
 
Sabay na napatingin sa kaniya ang dalawa at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Keisha ng makita ang lalaki.
 
 
 
 
“A-Ashen?”
 
 
 
 
Malawak ang ngiti nito sa kaniya. “Keisha Berrenzana, sa wakas nakita na ulit kita.”
 
 
 
 
They came to hug each other. Keisha can’t deny her happiness after seeing one of her friends in her college. Si Ashen ang kinukwento niyang lalaki kay Xyth. She met him after she’s broken-hearted of many things. Ashen taught her to play her life just like he usually do.
 
 
 
 
“Ang gwapo mo na!”
 
 
 
 
She heard the man chuckled.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon