CHAPTER 9

2.7K 71 5
                                        

“I want to be your boyfriend.”
 
 
 
“I want to be your boyfriend.”
 
 
 
Sinampal ko ang sarili ko para magising ng tuluyan. Nagsisipilyo na ako at kakagising ko lang din. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kay Dennis.
 
 
 
Paano niya nasabi ang mga salitang ‘yon? Hindi ba siya natatakot na baka kamuhian ko na naman siya?
 
 
 
Naligo nalang ako saka inayos ang aking sarili. Walang sinabi sa’min kung ano’ng gagawin ngayon kaya binihis ko na ang uniform namin. Patapos na ako nang makita ang jacket niya. Akmang kukunin ko na iyon para ibalik pero nakakahiya naman na sinuot ko tapos hindi ko man lang lalabhan. Iniwan ko muna siya sa ibabaw ng kama ko para mamaya pagdating ko malabhan ko na.
 
 
 
Pumunta kami sa cafeteria para kumain ng agahan at hindi pa naman ganoon karami ang tao kaya natapos agad kami. Nang suminag na ang araw, pinatawag kami sa gymnasium. Naroon lahat ang trainees at napatingin agad kami sa maraming kasangkapan na naroon. Ginagamit ang mga ito sa pag-eehersisyo saka ang iba nama’y sa pakikipaglaban. Ano kaya ang gagawin namin ngayon?
 
 
 
Sa gitna ng malawak na gym ay may malaki ring mat. May mga ilang abala sa pagtatabi ng mga kagamitan hanggang sa may dumating na tatlong lalaki at kapwa nakaputi ang mga ito.
 
 
 
“Your clothes are in the locker room and I want you here in just fifteen minutes,” the man in the middle uttered.
 
 
 
Naging alerto kami sa pagbibihis. Kulay itim ang naibigay sa’king uniform na pang-martial arts. Alam na alam ko ito dahil bata palang ako tinuturuan na ako ni Dad ng kung anu-anong depensa sa sarili at nito lang na last year ko ng high school hanggang sa magtapos ako ng kolehiyo’y nag-aral ako ng martial arts. Ginawa ko iyong libangan dahil alam kong balang araw magagamit ko iyon lalo pa’t nasa isip ko noong maging sundalo at masasabi kong isa iyon sa mga kalakasan ko ngayon.
 
 
 
“Itim ka? Sayang puti ako.”
 
 
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dennis sa tabi ko. Pabalik na kami sa gym at nagmamadali na rin ang ilang estudyante patungo roon.
 
 
 
Hindi agad ako nakasagot kay Dennis kasi naalala ko ang nangyari kahapon lalo na ang sinabi niya.
 
 
 
“Hoy! Bakit hindi ka nagsasalita? Galit ka ba?” hinarangan niya ang nilalakaran ko.
 
 
I sighed and looked at him. “Alis.”
 
 
Ngumuso siya saka gumilid naman. “Huwag ka nang magalit.” Hinawakan niya ang siko ko at ginalaw-galaw pa iyon.
 
 
 
“Hindi nga ako galit!”
 
 
“Hindi pero sumisigaw?”
 
 
Tiningnan ko siya ng masama. Nagpatuloy kami sa paglalakad at naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko naka-akbay. Hindi na ako nagtangka pang alisin iyon. Malapit na rin naman kami sa bukana ng gymnasium.
 
 
 
“Nakakatawa talaga, halos puro babae kayo sa itim. Hindi ba kayo natatakot na matalo?” pang-aasar niya.
 
 
 
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko nang makarating kami sa loob at bago kami tuluyang mag-iba ng landas, sinabihan ko siya. “Hindi sukatan ang pagiging babae sa mga bagay na kaya mong gawin.” Iniwanan ko siya.
 
 
 
 
“Bago natin simulan, magsama-sama ang magkakaparehong kulay ng damit. Sa kanan ko ang puti at sa kaliwa naman ang itim. As you all know, you were separated by colors, black and white. Each of you will have match with the opposing team. Whoever gets out of the mat or taps is the losing one.”
 
 
 
Napansin ko ngang mas marami ang babaeng nakakulay itim pero may mga lalaki rin kaming kakampi subalit hindi tulad sa kabila, mas kaunti lamang ang sa amin.
 
 
 
Ang mga ulo nami’y nakasunod sa isang bulto na paparating at sumaludo kami nang makarating siya sa harap namin. Muli kaming umupo sa mat nang tugunin niya kami. Kausap na niya ngayon ang lalaking nagsalita kanina. He patted his shoulder and the man nodded.
 
 
 
“Knowing self-defense is necessary in entering military. Being in the field of air force doesn’t mean that you should only know how to fly an aircraft, you must also learn ground defences. Marami pa kayong sasanayin habang narito kayo kaya gawin ninyo lahat ng makakaya ninyo para makatuntong kayo sa susunod na pagsasanay.” Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita pero nalipat ang atensyon ko sa lalaking katabi niya na ngayo’y nakatingin sa’kin.
 
 
 
Mabilis akong umiwas ng tingin.
 
 
 
“I am your Second Lieutenant Feren Cabellero and I specializes in ground defences. The two men in white beside me will help us all throughout the match. While here, Captain Xodriga will be remarking those trainees who have passed. The result will be submitted to the higher field graded officers. Are you all ready?”
 
 
 
“Yes—
 
 
 
We stopped in the middle of answering when Captain lifted his hand telling us to stop.
 
 
 
Lahat kami’y tahimik at pakiramdam ko kinakabahan ang ilan sa amin. Seryoso ang mga mata niya at tulad ng dati, parang ang sama niya makatingin dahil sa natural niyang mga mata. Dahil diyan, madalas siyang makakuha ng kaaway noon. Pero dahil din sa mga matang ‘yan kaya ako na-inlove. Peste. Huwag na ngang alalahanin.
 
 
 
Naglakad siya paunahan habang ang mga kamay ay nasa likod.
 
 
 
“Whoever loses, see me in the open field at dusk. And whoever wins, will proceed to the next stage.”
 
 
 
Bagamat kinakabahan, hindi kami makagawa ng ingay dahil sa sobrang katahimikan. He’s really respected in here. I wonder how many years he has been in this field.
 
 
 
Bumalik siya kanina sa kinatatayuan niya. Nagsimula na rin ang gawain namin nang magtawag na ang aming Second Lieutenant.
 
 
 
“Tolentino, Irene for black and Williams, Arlete on white.”
 
 
 
Parehong napahinga ng maayos ang magkabilang panig nang banggitin ang unang dalawang magkalaban at nagpapasalamat na parehong babae ang sasalang.
 
 
 
Pumosisyon silang dalawa at pareho silang paikot-ikot. Hindi nagtagal, unang sumugod ang puti gamit ang high kick niya ngunit mabilis itong naiwasan ni Irene. Hinawi niya ang kanyang paa sa mat na parang bang nagsasayaw. Inihanda niya ulit ang kanyang mga kamay.
 
 
 
Muling sumugod ang babaeng kalaban niya at sa pagkakataong iyon, hand combat na ang gamit nila pareho. Patuloy na pinagsasalag ni Irene ang bawat pagsugod na ginagawa sa kanya ng kalaban niya. Nang mahablot niya ang kamay nito’y pinilipit niya, hindi nakagalaw ang babae dahil sa sakit niyon na mas pinipilipit pa ni Irene. Naglakad siya palapit sa kalaban at atras naman ng atras iyon hanggang sa malapit na sila sa dulo, doon niya sinipa ang babae at nakalabas ito ng mat.
 
 
 
Irene Tolentino from black team was the declared winner. It was cool infact, her moves are so smooth and she did not even flipped the opponent. I guess she’s kind hearted. Nagbow lang siya saka muling naupo kasama namin. She received congratulatory words from our team.
 
 
 
“Next. Arcega, Keyla and Hernandez, Lionel.”
 
 
 
Bumuo ang tensyon sa bawat isa sa amin. Isang babae at isa ng lalaki ang tinawag. Lionel is on our team. Halatang kinakabahan ang makakalaban niya na ngayon ay tumayo na rin.
 
 
 
“Ready, fight!”
 
 
 
They positioned themselves at parang naghihintayan silang dalawa kung sino ba ang mauunang sumugod. Nang magbigay ng senyas si Lionel na parang pinapalapit na si Keyla, doon lamang sumugod ang babae. The girl is incorporating Hapkido type of martial art but she’s not using any weapon because we’re not allowed. She just throw punches, kicks, and hand strikes to the body pressure points. Meanwhile, Lionel is blocking every move from here. He is trying to take her into the floor and I know his moves, it’s Jujitso, a close contact martial art trying to make her tap in defiance.
 
 
 
Nagtagumpay si Lionel na mapahiga ang kalaban niya sa sahig. Hawak niya nang magkabilaan ang mga kamay nito kaya hindi makagalaw ng maayos si Keyla. He’s now using the strangling hold to defeat her. Ang posisyon nila ngayon ay lumikha ng ingay sa parehong panig. Mayroon pang nagsisipulan at nagtawanan.
 
 
 
“Oww!”
 
 
 
In the end, we all had this expression after Keyla kicked his eggs. Iyon ang nakalimutan ni Lionel, ang i-lock ang mga paa ng kalaban niya.
 
 
 
Muling nakatayo si Keyla habang hawak-hawak pa rin ni Lionel ang itlog niya. Masakit ‘yon, I swear. Hindi nagsayang ng oras si Keyla, lumapit siya kay Lionel saka mahina ng sinipa ang pwetan nito. Nakalabas si Lionel sa mat senyales na natalo siya ng kalaban.
 
 
 
The other team scored and we’re the same now.
 
 
 
Tinatawanan ng barkada na bumalik sa amin si Lionel. Maswerte siya dahil hindi naging malala ang nangyari sa kanya. Hindi ko inaakalang matatalo siya ng babae ng gano’n lang kadali. Sabagay, considered na rin na pressure point ang nasipa sa kanya. Napatingin ako bigla kay Dennis nang maalala ang sinabi niya kanina.
 
 
 
I gave him the ‘see’ look. Masyado niya kasing minamaliit ang kakayahan naming mga babae. Napanguso lang siya sa’kin saka umiwas ng tingin.
 
 
 
 
The match continued and as time goes by, more of our team is defeated. Noong una kami ang mas nakakapuntos pero sinunod-sunod kami ng talo matapos sunod-sunod ding matawag ang mga kababaihan sa amin at lalaki naman ang makakalaban sa kabila. May ilang sinugod sa klinik lalo na iyong labanan sa pagitan ng mga lalaki. May mga dumugo ang ilong at nabalian pero hindi naman gaanong malala. They were also given an immediate treatment.
 
 
 
Some of my rommates were defeated including Vanessa, Rachel, Lisel, and Arcie. Hydie won against a man. Sa aming anim na magkakasama sa kwarto, ako palang ang hindi natatawag at dalawa nalang kami na babaeng natitira sa team namin habang sa kabila’y isa nalang. Maswerte ang isa sa amin kung iyon ang makakalaban dahil mas komportable.
 
 
 
Mainam kaming nakinig sa susunod na tatawagin at halos lahat kami’y pigil ang hininga nang una niyang tawagin ang kabilang team.
 
 
 
 
“Grey, Jamaica and your opponent is…
 
 
 
Dahil magkatabi kaming dalawang babae, pinagtinginan kami ng kabilang team at ang iba pa kanila'y nakangisi. Nakaramdam ako ng kaba para sa aming dalawa.
 
 
 
Matapang na tumayo ang babae saka pumagitna.
 
 
 
“Your opponent is Ramiro, Elizabeth.”
 
 
 
Humigpit ang hawak sa’kin ni Elizabeth. Malalamig ang kamay niya ngunit nang matawag siya’y parang pumanatag ang kanyang kalooban. Tumayo siya saka pumagitna samantalang ang mga tao sa loob ay parang nakikisampatyang tiningnan ako. Ako nalang kasi ngayon ang natitirang babae sa team namin habang sa kabila’y wala na.
 
 
 
Nag-aalalang tiningnan ako ni Dennis pero nginitian ko lang siya. I mouthed ‘it’s okay’ but he did not take it. Tatayo sana siya nang magsimula na ang laban at pinigilan din siya ng kasama.
 
 
 
“Oww!”
 
 
 
Sabay silang sumugod sa isa’t isa gamit ang pareho pa nilang pagsipa. Nagtama ang kanilang mga paa at pareho silang tumilapon malapit sa dulo ng mat. Tumayo sila saka nagpaikot-ikot na parang binabasa ang galaw ng bawat isa. Kalaunan, sumugod ulit ang kalaban ni Elizabeth.
 
 
 
The opponent threw consecutive punches and kicked. Eliza fell on the mat but she immediately got up and kicked her leg. Napaluhod ang kalaban niya sa sahig kaya kinuha niya iyong pagkakataon para pumalikod. Gamit ang braso, sinakal niya ito at mahigpit ang pagkakasakal niya dahil namumula na ang babae. Akmang may mga lalapit na para patigilin siya subalit inabot ng babae ang braso niya, hinila saka binaliktad sa sahig.
 
 
 
Maingay ang paligid dahil sa bulungan. Namangha sila rito dahil nagawa pa ring bumawi kahit na nasakal siya kanina. Nang nakahiga pa rin si Elizabeth, mabilis na kinuha ng kalaban ang isa niyang kamay saka inipit iyon sa paa habang nakasakal din sa kanyang leeg. Namumula si Elizabeth dahil hindi na siya makahinga at mukhang wala rin siyang balak na sumuko.
 
 
 
Nagtama ang mga mata namin. “Just fucking tap!”
 
 
 
Nagulat ang lahat sa sigaw ko pero hindi ko sila pinansin. Hindi nagtagal, binitawan ni Jamaica si Elizabeth at natalo nga si Eliza. Tumayo ako para alalayan siya pabalik sa amin.
 
 
 
“I’m sorry, akala ko mananalo na ako,” hingal na hingal pa rin niyang sabi.
 
 
 
“No, okay lang. Dapat kanina ka pa nag-tap para hindi kana nahirapan ng ganito. Paano nalang kung naubusan ka ng hangin kanina?”
 
 
 
I caressed her back and she just smiled. Mukhang gusto niya lang ipanalo ang sunod-sunod na pagkatalo namin kaya marahil nagawa niya iyon.
 
 
 
“Black team still loses. Let’s take a short break everyone,” saad ng lalaki
 
 
 
 
Marahas na napabuntong-hininga ang ilan sa amin nang bigyan kami ng pahinga.
 
 
 
“Keisha.”
 
 
 
Napalingon ako sa kasamahan namin nang tawagin niya ang pangalan ko. Lumingon muna siya sa mga kasama niya.
 
 
 
“Sabi sa inyo Keisha ang pangalan niya.” Dinig ko pa. Muli siyang humarap sa’kin. “Goodluck. Kakayanin mo ba mamaya? Puro na kasi lalaki ang natitira sa kabila at medyo mas malalaki na ang katawan.”
 
 
 
I looked at the other team and they’re smiling widely. They are so happy, I guess. I turned to see the man again.
 
 
 
I smiled. “Let’s just look forward to it.” Umalis ako para pumunta sa banyo na sakop pa rin ng gymnasium.
 
 
 
Naabutan kong may mga babaeng nag-uusap doon at nang makita nila ako’y napataas ang mga ito ng kilay. Tatlo sila at dahil sa gulo-gulo na nilang mga hitsura, alam kong tapos na silang sumalang.
 
 
 
“Siya ‘yon.” I heard the other girl whispered but I remained looking at the mirror
 
 
 
“Hey.”
 
 
 
Saglit ko silang nilingon.
 
 
 
“Bakit ‘di ka nalang mag-give up? Matatalo na rin naman kayo, e.”
 
 
 
Hindi ko alam kung bakit inaartehan ako ng tatlong ‘to. I am not even close to them.
 
 
 
“Ikaw? Bakit ‘di ka nalang tumahimik? Close tayo?”
 
 
 
Bigla silang hindi umimik. Hindi siguro nila akalaing sasagutin ko sila ng gano’n. Wala kasi sa hitsura ko ang palaaway.
 
 
 
“Mamaya ka magyabang kapag nakaharap mo na ang makakalaban mo. Future talunan kana rin lang naman—
 
 
 
“Katulad niyo?” hinarap ko sila habang binubuksan ang lipstick ko. Mahina akong tumawa saka muling bumaling sa salamin at naglagay ng kaunting lipstick. “Sabagay, talunan naman talaga ako.” Iniwan nga ako ng boyfriend ko, e. Gusto ko sana ‘yang idugtong kaso baka pagtawanan lang lalo nila ako. Edi mas nagmukha akong talunan. Tinali ko ng mataas ang aking buhok saka ngumiti sa salamin.
 
 
 
I faced them again and smiled at them. “Pero sana naisip niyo munang ipanalo ang laban kanina bago niyo ako sabihan ng talunan.”
 
 
 
Hindi sila nagtagal sa loob ng banyo dahil patuloy ko silang ininis. Kahit nag-iisa lang ako, hindi ko sila uurungan. Palabas na ako ng banyo nang may matipunong katawan ang humarang sa pinto. Umangat ang tingin ko sa kanya na dapat pala’y hindi ko nalang ginawa.
 
 
 
“Hindi ka lalaban.”
 
 
 
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. “Sino ka para sabihin ‘yan? Kahit mataas ang ranggo mo rito kailangan mo pa ring sumunod sa batas kaya ‘wag kang epal diyan.” Nilampasan ko siya
 
 
 
“Hindi mo kakayanin.”
 
 
 
Tumigil ako sa paglalakad saka hinarap siya. “You’re patronizing me again and you are also mocking my skills. You really don’t trust me anymore.”
 
 
 
“That’s not what I meant—
 
 
 
I raised my hand. “Stop. I’m tired explaining my side and I’m tired proving myself.”
 
 
 
“Keisha—
 
 
 
My eyebrows furrowed. “Ms. Berrenzana, Captain. Please call me with my surname.” After that I left him
 
 
 
 
 
Bumalik kami sa dating pwesto dahil magsisimula na ulit. Nakatingin sa akin ang mga kalalakihan sa kabila samantalang sa likod at tabi ko nama’y panay ang kausap sa akin ng mga kasama ko.
 
 
 
“Let’s continue.” He glanced at me. “I believe you’re Berrenzana, Keisha?”
 
 
 
“Yes, Sir.”
 
 
 
Tumango-tango siya. “Are you sure to take this match whoever your opponent is?”
 
 
 
Tiningnan ko muna ang kabilang team at parang inaabangan naman nila ang sagot ko.
 
 
 
“Yes, Sir.”
 
 
 
“Then, tumayo kana.”
 
 
Nagulat ang iba sa diretsahan nitong pagsabi. Hindi man lang ako winarningan pero ano pa ba ang magiging silbi no’n kung wala naman na akong aabangan sa makakalaban ko.
 
 
I stood up from my seat and I saw some men of the opposing team winked at me.
 
 
“Berrenzana, Keisha. Your opponent will be…
 
 


 
Aguilar, Dennis Jon.”

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon